"Where do you think are you going Mrs. Grey?" Waahhhh! ano ba ang isasagot ko rito sa mokong nato ?
" Ahm ano pinapanuod ka, ay mali namimili pala hehe"
Ano bang pinagsasabi ko? Stupid mind pinindot nya yung 3rd floor button saan naman niya balak pumunta? Hila hila nya lang ako hanggang makarating kami sa shop ng mga dress. Ano naman gagawin namin dito? Kumuha siya ng floral dress wait wag niyong sabihin....
"Try this one"
Sabi ko na nga ba. Tumingin ako sa suot kong jeans at T-shirt sabagay pangit naman talaga ako manamit nahihiya siguro siyang may makakita samin tapos ganito lang itsura ko, eh sa ganito ako manamit may magagawa ba sila, hinding hindi moko mapagsusuot niyan halimaw ka.
"Wag ka naman ganyan sakin dude hindi ako nagsusuot ng mga ganyan makikita legs ko, conservative kaya ang peg ko dito kung gusto mo ikaw nalang.... Hehe sabi ko nga isusuot kona hindi ka naman mabiro"
Langya ang lakas niya talagang manakot biruin niyong itaas ba naman yung laylayan ng shirt niya para lang ipakita sakin yung baril niya, nakatitig siya sakin yung mata niya parang sinasabing isusuot mo yan oh mag i-incredible hulk ako dito. Katakot mehn masuot na nga lang to bwiset na halimaw talaga, kukunin kona sana yung dress sa kanya kaya lang pinigilan niya yung kamay ko shems nagtayuan lahat ng balahibo ko bakit ganun? May tinitignan sya sa kamay ko ano kaya yun?
"Where's your ring?" Patay ayun pala yung tinitignan nya lagot naiwan ko sa banyo.
"Naiwan ko sa bahay teka babalikan ko lang" Ang galing ko gumawa ng dahilan bukod sa makakatakas ako sa kanya hindi kami magkakasama wahaha ang galing mo Kate.
"Wear this fucking dress first" Hala nagalit agad babalikan kona nga e, abnormal talaga. pumunta na lang ako sa fitting room baka ano pa masabi ko kay Justin.
Shit ngayon palang nagsisisi nako kung bakit ako pumayag, sobrang fit nito sakin feeling ko nga hindi ako makakahinga o sadyang hindi lang ako sanay sa ganito? Umikot ako para tignan ang kabuuang itsura ko sa salamin, nung una hindi pa ako makapaniwalang ako yung nasa salamin kasi naman ang ganda kaya parang nag mukang tao ako ngayon kahit naka rubber shoes lang ako.
Lumabas ako ng fitting room para hanapin si Justin kaya lang hindi ko makita saan nanaman yun nagpunta laging nangiiwan akala mo walang asawa esta kasama pala.
Lumapit ako sa sales lady para tanungin kung nakita niya ba yung kasama ko, ang sabi lumabas na daw at binayaran narin niya pala itong dress na suot ko pinabalot ko nalang sa sales lady yung pinagsuotan ko tsaka ako lumabas ng shop.
Ang dami matang nakatingin sakin I hate to admit pero maganda talaga ako hahaha ngayon lang to wag na kayong magreact, binilisan ko nalang ang paglalakad ko. pupunta akong ice cream parlor favorite ko talaga ang ice cream. nang makapasok ako sa ICP ay agad akong pumila
Pero hindi ko inaasahan na habang nakapila ako ay may biglang lumapit saakin hindi naman siya pangit hindi rin pogi pangkaraniwan lang yung muka niya kumpara kay Justin, fuck bakit koba siya iniisip?
"Hi miss are you alone?" Tss stating the obvious duh! May nakikita ba siyang hindi ko nakikita?
" Meron multo nasa likod ko nakikita moba siya?"
"O-oo sige miss alis nako" Wahaha ang epic naman nun akala mo talaga nakakita ng multo hindi lang siya tanga dahil sobrang tanga nya. lumingon ako sa likod ko para tignan kung may mumu nga talaga pfft-....
"Ay multo" Langya nagulat ako paanong hindi nasa likod ko lang si Justin muntik nako ma-heart attack siraulo to.
"K-kanina kapa ba dyan?"
"Nah" Banas naman tong lalaki nato ang tipid sumagot pasalamat ka pogi ka. Hinatak niya nanaman ako teka waahhhh! Help papunta itong washroom anong gagawin nya? hindi naman niya siguro gagawin ang iniisip ko ngayon diba?
"Change your clothes now. Yung suot mo nalang kanina isuot mo, I'll wait for you"
"Dude naman pwedeng pag-uwi na lang? feel na feel kopa ang ganda kaya" Sabay ikot ko para Makita niya ng maigi ng ma-appreciate naman nya. Bigla na lang siyang lumapit sakin tapos may ibinulong.
"Change your clothes or I will kill you. right here right now" Ma-awtoridad niyang sinabi. Urgh! naiinis nako sayong halimaw ka.
"URGH FUCK!!!" Hahaha panis. Ano ka ngayon.
Laughtrip sinipa ko kasi siya sa sobrang inis ko hulaan niyo kung saan? most sensitive part. Pumasok agad ako ng washroom baka mamaya bigla niya kong barilin. Makapag palit na nga lang.
Pagtapos ko makapagayos lumabas nako ng washroom at ayun si Justin pinagkakaguluhan na ng mga babae kundi ba naman tanga tanggalin daw ba yung shades at cap edi ayan nakilala siya wala pa naman mga body guards nya dito
Makaalis na nga bahala ka dyan magdusa pahirap ka sa buhay ko wahaha. Lumabas ako ng mall at nagtungo sa bar na pinagtatrabahuhan ko kukunin ko lang yung motor ko
Pagkarating ko sa parking lot ng bar may kumakalikot ng motor ko langya carnapper yata to lumapit ako sa kanya ng dahan dahan para hindi niya mahalata yung presensya ko kinalabit ko sya at saktong paglingon niya ay agad ko siyang sinuntok ng buong lakas napatumba pa siya sa sobrang lakas nun dumugo pa yung gilid ng labi niya kung hindi niyo nalalaman marunong ako ng self defense bigla siyang tumayo at pumorma na akala mo ay naghahamon may kinuha siyang patalim sa likod ng short niya langya hindi ako na orient dito.
Sumugod siya papunta saakin sinubukan niyang isaksak sakin yung patalim na hawak niya pero naunahan ko siya nahawakan ko yung kamay niya tsaka ko pinilipit sabay balibag sakanya hindi siya nakagalaw kaya lumuhod ako para mapantayan ko siya "damn you" sabay suntok ng malakas one down.
Tumayo ako para sana kunin yung motor ng Makita ko si Justin sa gulat ko napaupo ako langya to parang kabute bigla bigla sumusulpot. Nag bend siya para pantayan ako tapos bigla niya akong niyakap anong problema niya? Bigla nalang niya nilabas yung baril niya shit papatayin niya naba ako? Mas nagulat ako sa sumunod na nangyare
*BANG!*
*****
"Make sure na malinis na dyan" Nasan bako? Bakit parang ang sakit ng ulo ko?
"Na-hack moba yung cctv? Alrigth, then good job" Minulat ko yung mata ko damn ang sakit talaga ng ulo ko ano bang nangyare?
"You pass out, sabi ng doctor over fatigue daw magpahinga ka lang"
"Yung sa...." Hindi kopa natatapos yung sasabihin ko pinutol niya agad bastos na bata.
"Take a rest, may aasikasuhin lang ako ill be her in 5pm" Badtrip naman to itatanong ko sana kung bakit niya ko niyakap at bakit may putok ng baril akong narinig.
"Protecting you from danger" May sinasabi si Justin kaya lang hindi ko marinig kasi palabas na siya ng pinto
"Ano yun dude may sinasabi kaba?"
"Stupid im not your dude" Aba! nagiging hubby na niya atang tawagin akong stupid baka gusto niya ulit makatikim ng flying kick
"Ano ba kasi yun e sa hindi ko narinig" Naka pout pa ako habang nagsasalita with matching cross arms pa yan pfft- gusto kong matawa sa pinaggagawa ko.
"Tss act like a lady, don't pout or I will kiss you" In that umalis na sya fuck you ka justin magkakasakit ako sa puso sa ginagawa mo.
***
Again ang sipag ng author hahaha! goodevening and godbless :)
#LJG
BINABASA MO ANG
Loving Justin Grey
FanfictionThis story content matured scene due to an open imagination of the author . #LJG