Chapter 12

15 2 0
                                    

Hindi ko alam kung paano kami umabot sa ganitong set-up, bakit ba ako pumayag? Dahil gusto ko rin? Nandito kami ngayon ni Justin sa night club, umiinom siya ako hindi kasi paniguradong malalasing nanaman to at pagnagkataon parehas kaming nakainom baka saan kami mapunta. Pangatlong araw na namin nagpupunta dito kilala na nga kami ng guard dito ay mali kilala pala talaga si Justin dito.

Pangatlong araw na rin akong nagdudusa sa kakaalaga dito kay Justin daig pa bata kung mag-tantrums kapag nalalasing. Eto ba yung ibig niyang sabihin na tulungan ko siyang makalimot? Paano siya makakalimot kung ang sarili niya hindi niya magawang tulungan, iba na talaga nagagawa ng pag-ibig.

Mabuti pa ako palihim lang kung magmahal kaya palihim din lang kung masaktan.

"Hoy dude tama na yan naka twenty one shots kana, tignan mo itsura mo ang baho muna."

"Kaya mo ba siyang ibalik sakin?" Tang*na may tama na si loko nagdadrama nanaman.

"Alam mo ang labo mo, ang sabi mo tulungan kitang makalimot tapos ngayon naman nagtatanong ka kung kaya ko ba siyang ibalik sayo"

"Oo nga sinabi ko nga yun nagtatanong lang naman ako. Tss"

"Kung may kapangyarihan lang ako ibabalik ko siya sayo para hindi kana nahihirapan ng ganyan."

Nilingon niya ako at tsaka tinitigan, halos ilang minuto na kami sa ganitong sitwasyon medyo naiilang na nga ako sa ginagawa niya kaya lang hindi ko maalis yung titig ko sakanya kasi naman bakit ang ganda ng mata niya?

"Alam mo kahit 24/7 mo pa kong titigan hindi ko magiging kamuka si Tiffany"

Nung isang araw kasi tinitigan niya rin ako ng matagal tapos sinabi niya yung pangalan ni tiffany. Ang layo kaya ng itsura ko sa babaeng yun, kasi yung muka ko panglalaki yung muka naman ni Tiffany mukang anghel, kaya malayong maging kamuka ko yun.

"Maganda ka pala" Aba'y gagu to ah! Maganda naman talaga ako in my own way

Everyone has beauty, but not everyone sees it. Sinabi yun ni Confucius.

"Alam kong maganda ako, hindi mona kailangan pang sabihin yan"

"Hindi ka naman maganda eh, para kang Tomboy sa kilos at pananamit mo babae ka ba tala... ARAY!!"

Binatukan ko siya ng pagkalakas-lakas bago niya pa matapos ang sasabihin niya, siraulo to ginawa pa akong Tomboy, ano bang magagawa niya kung ganito ako manamit. Tss.

"It's called fashion dude, hindi ka ba marunong mag-appreciate ?"

"Fashion? I don't think it's a fashion. Tiffany doesn't wear that kind of shit"

Tss. Tumahimik na lang ako nakakainsulto na tong mokong na to eh. Hindi niya ba alam na nakakasakit na siya. *BEEP* Kinuha ko yung cell phone ko sa bulsa ng marinig ko ang ring tone ng message ko

[From: Unknown number] Hi my dear, 2 AM Santiago's mansion. Location sa dati nating tinitirhan, tatlong kanto pa-kaliwa pasukin mo yung eskinita dun na yon. Aasahan ko ang iyong pagdalo.

Hindi na ako nagtanong kung sino man ang nagtext na to, kasi obvious naman na ang tatay ko ang nagtext sakin.

Anong oras na ba? Tinignan ko yung wrist watch ko and it's say 12:40, ilang oras na lang at kailangan ko ng umalis. Paano tong mokong na to? Hala bakit siya nakayuko wag mong sabihin...

"Hoy unggoy natutulog kaba?" Tinapik ko yung braso niya at hindi siya nagreresponse.

Tang*na tulog na nga paano ko to iihatid? Hindi ako marunong mag-drive ng kotse. Ay nako bahala na nga marunong naman ako sa play station baka pwede kong i-aadapt yung alam ko. Kinuha ko yung braso niya at inakbay ko sakin hindi ko siya kayang buhatin noh halimaw kaya yan ang laki ng katawan tapos ang tangkad pa.

Loving Justin GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon