Chapter 13

32 2 3
                                    


A/N:

Pasensya napaaga Authors note hahaha dedicated to sa friend ko na araw-araw nagtatanong kung may update na ba, at kapag sinabi kong wala pa, pinag-aupdate na niya ako agad thanks to you alam mo na kung sino ka hahaha number one supporter talaga kita eh. So yun lang enjoy reading guys :*



*************************************************************************************



Dun ka sa yaya mo sumama.

Bitch sinabi kong wag kang lalabas ng kwarto mo kapag nandito na si Karl.

Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag mo akong tatawagin nanay kapag na sa labas tayo.

Kahit kalian hindi kita matatanggap bastarda ka.

Stupid hindi ka pwedeng lumabas hanggat hindi pa nakakaalis ang mga bisita ko.

Pamilyar ang lahat mamamatay na ba ako? Hindi bat ganito ang nararamdaman ng mga taong mamamatay na nagpa-flashback sa kanila ang lahat. Ganito ang nararamdaman ko ngayon ang mga nakaraang pilit kong kinalilimutan, ang masasakit na salita at pangungutya kalian ba maayos ang lahat.

Iminulat ko ang aking mga mata na sana ay hindi ko na lang ginawa.

"Kamusta ang pakiramdam?" He said while smirking.

"Anong ginagawa mo dito?" Mahina ngunit may bakas na tapang kong sagot.

"You still tough ha, magpasalamat ka at parehas tayo ng direksyon tinatahak ng araw na iyon kung hindi baka bangkay kanang natagpuan."

"Thanks, you may now leave I can handle myself"

"Ok yung bill mo bayad na pwede ka nang lumabas ngayon."

Pagkatapos niyang sabihin yun ay agad din siyang lumabas, nag-ayos ako ng sarili ko at agad na lumabas ng Ospital, mabuti na lang at tulog ako ng mga panahon na-admit ako rito dahil paniguradong ang ikamamatay ko ay ang amoy dito hindi ang damage na nakuha ko sa car accident.

And speaking of car accident kamusta na kaya yung sasakyan ni Justin? *BEEP* kinuha ko mula sa bulsa ang cell phone ko at tinignan kung sino ang nagtext. Patay!

WHAT THE HELL DID YOU DO TO MY CAR? YOU FREAKING BITCH!!!

Wow hanep naka-caps lock lahat, ano to galit na galit? Hayaan na nga lang hindi na muna ako magpapakita sakanya at baka barilin ako nun.

Pumara ako ng taxi at sinabi ang location ng condo kung saan ako namamalagi. Nang makarating kami sa tapat nito ay agad ko rin siyang binayaran. Bumaba ako ng taxi at agad na nagtungo sa unit ko, pagkabukas ko ng unit naka-off lahat ng ilaw shit hindi kaya may magnanakaw?

Pinakiramdaman ko ang loob ng unit kung may tao nga ba. At tama nga ang kutob ko, kinapa-kapa ko ang gilid ko upang humanap ng bagay na pwedeng ipanghampas, luckily nakahawak ako ng mahabang bagay na sa tingin ko ay ang walis tambo. Ok na to pwedeng ipangdepensa sa masamang nilalang na naririto ngayon sa unit ko.

At dahil sa hindi ko kabisado kung saan nakapwesto ang switch ay nanatili akong naglalakad patungo sa kwarto ko at kahit madilim ay sinigurado kong hindi ako makagagawa ng kahit na anong ingay mula sa.... *BOGSHHHH!* damn it! Sinabi ko na nga ba at hindi ako marunong sa mga ganitong bagay.

Loving Justin GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon