Lumabas ako ng kwarto. Naguguton na kasi ako, pagkababa ko wala na dun yung babaeng Angel nasan na kaya sila? Wala din kasi si Justin dun sa kwarto niya.
Habang papunta akong kusina may narinig akong parang nagtatalo.
"Fuck" Boses ni Justin yun ha.
Lumapit pa ako ng konti para marinig ko sila ng maigi nagtago ako sa likod ng vase. Ang galing ko talaga mag eavesdrop .
"I still love you Justin, I came here for you"
Sumilip ako ng kaunti para makita kung ano na ang ginagawa nila. Nagulat ako sa ginawa ni Justin niyakap niya yung babaeng Angel. Anong meron sa kanilang dalawa? At bakit parang may kakaiba akong nararamdaman.
Umalis nako dun ayoko ng marinig pa kung ano man ang paguusapn nila. Bakit ganito? Feeling ko may relasyon akong sinira.
Umakyat ako sa kwarto para kunin yung susi at wallet ko at lumabas na ng mansion. Gusto kong uminom ayoko ng nararamdaman kong ito. Ayokong maging dahilan ng pagkasira ng isang relasyon dahil alam ko ang pakiramdam ng ganun.
Sumakay na ako sa motor ko at pinatakbo ito ng mabilis patungo sa Bar. Kahit saang bar basta may maiinom.
Nandito na ako sa tapat ng bar kaya pumasok na ako, masyado pang maaga kaya sobrang konti pa lang ng tao dito. Lumapit ako sa bartender at umorder ng pinaka hard na alak nila.
Nakakailan shot na ako pero feeling ko hindi pa rin ako tinatamaan. Hard ba yung binigay sakin parang hindi naman?
Bakit kaya ako pinakasalan ni Justin kung may naghihintay pa lang Angel sa kanya? Sana nga dun na lang siya kasi hindi naman siya bagay sakin. Yung Angel kanina yun yung bagay sakanya girly type kasi yun ako naman boyish tignan.
Fuck it bakit koba kinukumpara yung sarili ko sakanya? This is not so me, lasing na ata ako.
"How much?" Tanong ko sa bartender.
"2,500 po mam."
"What? Seriously ilan ba nainom ko?"
"20 shots po mam" Damn ang dami naman ata?
"Ano ba yang alak niyo ginto? Ni hindi nga ako nalasing" Tinignan ko yung wallet ko damn it 3000 na lang laman ng wallet ko? Paano yun nangyare.
Inabot ko nalang sakanya yung bayad ko, 500 na lang pera ko huhuhu poor me.
Gabi na pala hindi ko man lang namalayan. Kinuha ko yung di-keypad na cell phone ko, nawawala kasi yung isa kong cell phone na miss place ko ata. i-tetext ko muna si Clark.
[To: Clark] Clarky boy, may race ka bang alam ngayon?
Wala pang seconds nag beep na agad cell phone ko. Ang bilis naman nito magreply.
[From: Clark] Oo. Dun sa high way malapit sa underground, why?
[To: Clark] Wala naman natanong ko lang. Sige
Hindi ko na sinabi sakanya na pupunta ako dun, kasi panigurado sasama yun. Ayoko muna ng makulit ngayon, sumakay na ako sa motor ko tsaka nagpunta sa sinabi ni Clark na lugar.
Damn medyo nahihilo ako, ngayon lang ata umipekto yung alak fuckshet bakit ngayon kapa umipekto? Nang makarating na ako sa high way, lumapit agad ako sa organizer ng event.
"Boss can I join?" Tanong ko sa bruskong lalaki.
"Sure, kulang kami ng player sakto pala dating mo. Pumuwesto kana dun sa may line 3"
"Alright. Thanks man" Sumakay ako sa motor ko at lumapit sa line 3.
"Good evening ladies and gentleman. Sa ilang Segundo lamang at magsisimula na ang racing, kapit lang at baka tangayin tayo sa bilis ng ating mga manlalaro"
BINABASA MO ANG
Loving Justin Grey
FanfictionThis story content matured scene due to an open imagination of the author . #LJG