Chapter 17

10 2 0
                                    


Kasalukuyan akong nakaupo sa pinaka dulong upuan kung saan kahit isa ay walang nakaupo, dumating na ang unang prof namin bakit parang ang bata pa nito para maging isang professor?

"Where's Myrthel Kate Lim?" Bungad ng lalaking guro. Nagtaas ako ng kamay at agad naman niya iyon napansin.

"Can you gladly introduce yourself ms. Lim?" Ngumiti ako sa prof bago tumayo at humarap sa mga classmate ko na ngayon ay nasa akin na ang atensyon.

"Sure. Myrthel Kate Lim 19 year old I hope we all be a good friends" Sandaling katahimikan ang bumalot sa silid ng bigla silang sabay sabay na nagtawanan. What the fuck are they problem? Anong mali sa sinabi ko at kailangan nila akong pagtawanan.

"The fuck was that? Very nerd naman ang pagpapakilala mo" Sabi nung babae sa may unahan na namumutok ang muka sa kapal ng make-up. Damn I'm really pissed

"Ok class that's enough, Ms. Lim you may now sit" Hindi ko na lang sila pinansin at sinalpak ang earphone sa tenga ko, hindi ko naman kailangan pang makinig kasi for sure naman alam ko na ang itinuturo ng prof namin. Sa first year pala ako inenrol ni Justin nagtataka ako kung bakit?

Patapos na ang music na pinakikinggan ko at nang lumipat na ito matagal bago tumunog ang intro. Bakit ang tahimik ng room? Tinanggal ko ang earphone ko at saktong pagtanggal ko ay narinig ko ang pangalan ko mula sa prof namin muka itong galit.

Huli na nang malaman ko na tinatawag pala ako ng prof at ang mga nakakainis kong classmate ay nakitingin nanaman sakin habang pigil-pigil ang tawa nila.

"It seems you're physically present but mentally absent. Now Ms. Lim can you answer the question that I will ask for you?"

"Ok" tipid ngunit kampante kong sagot.

"Why you enroll here? As far as I know you already graduated in Bachelor of Science Major in Management? " Natuod ako sa kinauupuan ko sa tanong ng prof namin bakit ganito ang tanong niya? hindi related sa itinuturo niya. ngunit hindi ako nagpatinag at sinagot ang tanong niya.

"Oh! Thank you nag-abala pa kayong i-check ang record ko, but I would not consider your question Mr. I don't fucking know who you are. So if you will excuse please ask me about your fucking major subject because that's all the matter why are we here I am right?"

Natahimik ang buong classroom marahil hindi nila inaasahan ang isinagot ko sa prof namin. Bakit anong mali dun? Normal na saakin ang magmura lalo na at kinukutuban ako sa prof na ito, kaya kailangan kong ipakita na matapang ako.

Sa ngayon kasi may nabubuo ng paghihinala sa utak ko at sigurado ako na ang dalawang lalaking naguusap kanina sa cafeteria at si Iggsy Egerton at maging itong prof namin, ay ila sa mga assassins na ipinadala para pabagsakin si Justin.

"I like your silly attitude young lady" Ngumisi muna siya bago niya ipagpatuloy ang pagdi-discuss ngunit wala akong panahon para makinig sakanya kaya't isinalpak kong muli ang earphone ko.

Nangmatapos mag discuss ang prof ay may biglang sumulpot na babae sa harapan ko tinanggal ko ang earphone ko at tinignan ng matalim ang babaeng nasa harapan ko, teka ito yung babaeng makapal ang make-up na nagphiya sakin kanina.

"Ang lakas naman ata ng loob mo para ganunin ang kagalang-galang na si Mr.santos? bakit sino kaba sa akala mo? Isa ka lang baguhan kaya umasta ka ng naaayon" Payback time darling you wouldn't want to see my bad side but it seems na gusto nitong maghanap ng gulo.

"You are first year collage right? So you must know how to put yourself out in trouble, Anong pakialam mo kung ganun ako umasta?"

Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa clown na babae na ito, fuck ang sakit hindi nanaman ako na-orient.

Loving Justin GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon