Chapter 18

10 2 0
                                    

Nagre-search ako ng pangalan ng mga assassins na sinabi ni Justin kanina. Nabigo ang pagtingin ko sa mga assassins ngayon dahil sa mga nalaman ko tungkol sa kanila, well lahat naman tayo ay may kanya kanyang galing ngunit ang mga katangian nila ay lahat mayroon ako.

Si Tiffany at Iggsy ay parehas ang professional skills magaling sa self defense at sharp shooter. Mayroon kaming mga ilan na pagkakapareho.

Yung Lani at Bryan ang professional skills naman nila ay best sniffer shooter. At yung mag-asawang Santos naman ay may roong din parehong professional skills yun ay ang paggamit ng swords.

Seriously? Yun na yun mga skills nila? Eh lahat yun katangian ko rin eh baka pwede na akong mag-apply bilang secret assassins? Pasok naman siguro ako sa mga kakailanganin diba?

*****

Nagpasya akong pumunta ng bar, dahil kailangan ko munang magpalipas oras at magisip-isip. Kinuha ko ang susi ng motor at agad na lumabas ng unit ko.

Nandito ako ngayon sa favorite kong bar, ang resto bar. Humanap ako ng magandang pwesto upang makita ko ang lahat medyo marami narin kasing tao kasi maggagabi na. pumuwesto ako sa second floor ng bar at tumawag ng waiter upang umorder ng drinks.

Ilang minuto lang ay dumating din agad ang inorder kong martini. Nakakailang baso pa lang ako ng may makita akong isang lalaking pamilyar ang muka, kinusut-kusut ko pa ang mata ko upang matiyak na siya nga iyon nakikita ko.

Nang hindi nagbago ang itsura ay duon na ako nagtaka, bakit magkasama sila ni Tiffany? nagkaka mabutihan nanaman ba sila? Langya hindi to pwede, at ito namang si Justin may patawa-tawa pang nalalaman palibhasa ay tanga at bulag sa pag-ibig.

Teka saan sila pupunta? Nang hindi ko na sila makita ay agad akong dumukot ng 2,000 peso sa wallet ko at inilpag sa lamesa, kailangan ko silang sundan baka mamaya ay dalhin ni Tiffany si Justin kay Karl. Takte kapag nagkataon ay si Justin din ang gumawa ng dahilan ng ikamamatay niya.

Nang makalabas ako ng bar ay nilinga-linga ko ang paligid at agad din silang nakita sa parking lot nitong bar, dahan dahan akong naglakad patungo sa pwesto nila at nag-tago sa malapad na puno hindi kalayuan sa kanila. Eavesdropping in the night

"Spill now what do you want to say" Saad ni Justin

"Hmm, Babe I just want to tell you that I'm resigning being a member in Lion Organization. In fact ay nakatanggap din ako ng threat katulad ng kay Myrthel" Malungkot na pahayag ni Tiffany habang nakayuko.

Tama ba ang narinig ko? Oh baka palusot niya lang ito para mahulog si Justin sa bitag niya? hmm ano kaya ang plano mong bruha ka?

"How can I be sure?" Tanong ni Justin. Sumilip ako ng bahagya at nakita kong may ipinakita si Tiffinay kay Justin hindi ko naman malaman kung ano yun dahil nahaharangan ni Justin ang pwestong kinatatayuan ni Tiffany.

Nakita kong biglang umiyak si Tiffany agad naman itong niyakap ni Justin at hinaplos-haplos ang likuran nito na para bang sinasabi ay huwag na siyang umiyak. Nagulat ako sa reaksyon ni Tiffany, bakit siya naka-smirk?

Mukang tama nga ang hinala ko sa babaeng ito. Pinasasakay niya lang si Justin upang maging madali ang lahat para sakanya. Tsk naiinis ako sa sarili ko dahil bukod sa wala akong magawa ay nasasaktan din akong makita na nagpapakatanga si Justin sa babaeng wala naman alam kung hindi ang gamitin siya

Paano ko ie-explain sakanya na niloloko lang siya ni Tiffany? tiyak naman ay hindi maniniwala sakin yun sino ba naman kasi ako para sakanya? Isa lang akong tauhan sa paningin niya.

Nang magbitaw sila sa pagkakayakap patuloy parin si Tiffany sa pag-arte niya ito naman si Justin may kinuha sa likuran ng pants niya isang panyo'ng puti at ipinahid sa pekeng luha ni Tiffany. Hayy Justin kalian kaba matatauhan sa katangan mo? Akala kopa naman ay matalino ka hindi pala, magaling ka lang sa labanan ngunit sa labanan ng pag-ibig ay hindi ka marunong.

Loving Justin GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon