Dalawang linggo na simula ng bigyan ako ni Karl ng isang buwan na palugit. Hindi ko alam ang gagawin ko ilang araw na akong nagkukulong dito sa condo unit ko, ano na kayang balita? Gumagawa na kaya sila ng aksyon kung paano nila ako papatayin? Kailangan ko muna puntahan ang nanay ko bago ang lahat.
Tumayo ako sa pagkakahiga ko at nagayos ng aking sarili. Matapos ang ilang minutong pagaayos nagpasya na akong lumabas at tunguhin ang puntod ng aking nanay.
Malayo-layo narin ang byahe ko at nakakaramdam ng kaunting pagod dahil wala akong ginawa buong gabi kung hindi magsanay, kailangan kong maging malakas dahil malapit ko nang harapin si kamatayan ayoko naman mamatay ng hindi lumalaban. I'm not a loser, duhhh!
Nang makarating ako sa pinaka main gate ng sementeryo ay agad kong ipinarada ang dala-dala kong motor. This is it! Huminga ako ng malalim at tsaka nagtungo sa office kung saan maaari kang magtanong kung saan lugar nakalibing ang iyong hinahanap.
Lumapit ako sa front desk at kinausap iyong babae
"Ah, miss mayroon bang nakalibing rito na Myrthe Lim Navarro?"
"Wait lang po mam, hahanapin ko lang po"
Habang busy siya sa paglilipat at paghahanap ng pangalan ng nanay ko, ako naman ay palingalinga sa paligid, feeling ko kasi kanina pa may sumusunod sakin wala naman akong nakikitang kahinahinalang nilalang dito maliban sa babaeng nakajacket na itim na nagwawalis sa entrance nitong office.
"Mam, column number4 at the right side po"
"Sige miss thank you" Lumabas ako ng office at agad na tinungo ang sinabi nung babae.
Hindi naman ako nahirapan hanapin kasi may sign board naman ang bawat eskinita at ang nakalagay doon ay ang column number. Nahirapan lang talaga ako hanapin yung puntod ng nanay ko. Lumapit ako sa tumpok-tumpok na mga sanga, inalis ko isa-isa ang mga sanga at agad kong nakita ang pangalan ng nanay ko.
Mangiyak-ngiyak akong napaupo kasabay ng pag-ihip ng malakas na hangin, napaluha ako ng tuluyan ng biglang umulan ng malakas at dumilim ang paligid, mag gagabi narin kasi kaya siguro grabe yung dilim ng paligid.
Pinunasan ko ang lapida ng aking nanay gamit ang mga palad ko, gusto ko siyang yakapin at sabihin sakanya na mahal na mahal ko siya, gusto ko siyang halikan at humingi ng patawad sa mga kasalanan ko bilang anak.
"M-mom I'm sorry... I'm really sorry kung nabubuhay kapa sana ngayon ipaparamdam ko sayo kung gaano ka kaimportante sa buhay ko g..gusto ko man bumawi kaya lang wala ng pagkakataon"
Lalong lumakas ang buhos ng ulan, mukang nakikiayon sa nararamdaman ko. Ilang minuto narin akong hindi umaalis sa pwesto ko kahit lamig na lamig na ako gusto ko kasing makasama ang nanay ko kahit ngayon lang kasi mukang hindi narin ito muling mauulit pa.
"Don't worry bitch hindi kana magdudusa sa mga kasalanan mo sa nanay mo dahil tatapusin na kita ngayon"
Hindi na ako nagaksaya ng panahon para lingunin siya, dahil sa boses niya pa lang ay kilala ko na siya. Tumayo ako at matapang na hinarap ang taong tatapos ng buhay ko. Nagulat ako dahil siya yung babaeng nakaitim na nagwawalis sa may entrance nung office kanina sinasabi kona nga ba't may sumusunod sakin .
"Akala koba isang buwan ang ibinigay na palugit, dalawang linggo pa lang ang naaksaya ko at mayroon pa akong tatlong linggo'ng natitira. Tapos ngayon bigla kang susulpot at sasabihin tatapusin mona ako?"
"I don't fucking care. I hate waiting maikli ang pasensya ko sa mga ganyan."
Kinuha niya ang baril mula sa kanyang bulsa, ikinasa niya ito at sabay na itinutok sakin, hindi na ako nagulat sa ginawa niya dahil alam kona na mangyayari to. Kaya nga lang nagsisisi ako kung bakit hindi ako nakapagdala ng baril o kahit kunai man lang.
BINABASA MO ANG
Loving Justin Grey
FanfictionThis story content matured scene due to an open imagination of the author . #LJG