CHAPTER I

146 1 0
                                    

“HI!”

                Gulat na napatingin si  Ace sa hindi kilalang lalaki na biglang sumulpot sa tabi niya.

                Muy gwapo ang lolo mo!

                Pero dahil ‘no pansin’ sa kanya ang mga estranghero, kahit gaano pa kagwapo ang mamang ito, pasensyahan na lang. Nagpatuloy siya sa pagdya-jogging na tila walang narinig na pagbati mula dito. Reasonable naman iyon dahil may nakasingit na earphone sa magkabilang tainga niya. Dangan lamang at malaki ang boses nito at malakas ang dating kaya kapansin-pansin.

                Ang kagwapuhan ng estrangherong mama ay iyong hitsura ng mga bida ng mga Asian nobela sa tv. Matangkad, maputi, may katangusan ang ilong, at higit sa lahat, tsinito. Aba teka nga, kamukha n’ya iyong kaibigan ng bida sa Korean version ng Meteor Garden!

                Naputol ang pagmumuni-muni niya ng biglang sumulpot sa harapan niya ang mamang version ni Kim Bum. “Miss, puedeng sumabay mag-jogging?” anito. Nagulat pa siya dahil ang buong akala niya ay naiwan na niya ito kanina.

                Dahil mukhang wala itong balak tigilan siya ay huminto siya sa pagtakbo at tumingin dito. Nakatingin din ito sa kanya habang nakalabas ang pantay-pantay na mga ngipin. Mas napagmasdan niya ito nang husto dahil magkaharap na sila. Mas gwapo pa pala ang estranghero kaysa kay Kim Bum, at may biloy pa ang loko. Dyusme! Nagbabantang malaglag ang panty niya kung hindi siya nagbawi ng tingin.

                Bago siya makatakbong muli ay nagsalita agad ang pinoy na Kim Bum. “I’m Jed. Jed Oliveroz.” Hmn, sounds familiar. “ Almost two months na akong nagdya-jogging dito sa circle pero ngayon lang kita nakita dito.” Patuloy nito.

                Nang tingnan niya ang lalaki ay hindi na niya napigilang magsalita. Nakakadala yata ang makalaglag panty na ngiti nito.  “Ace Macalintang. “ Ngumiti ang lalaki. “Kahapon lang ako nagsimulang mag-jogging dito.”

                “Ah, ganun ba? Kaya pala. Perhaps, a new hobby to do?” Ikiniling pa nito ng bahagya ang ulo na parang curious nga talaga ito.

                Hindi niya alam kung nang-iinsulto o nagtatanong lang talaga ito. Tiningnan niya ang katawan ng kaharap at pagkatapos ay sarili naman ang tiningnan. She’s not fat, but she’s really chubby. ‘Ika nga, hindi siya puedeng rumampa dahil sa bilugang katawan. Siya iyong tipong kagaya ni Katrina Halili. Volutptous as her friends described her. Mas mabilog at may laman nga lang ang katawan niya.

                ‘Yun naman talaga ang rason kaya naisipan niyang mag-jogging. Hindi naman kasi ganoon ang katawan niya noon. Lamang at mahilig kumain ang nobyo niyang si James. Sa loob ng dalwang taong pagiging magkasintahan nila, halos tatlong pulgada na ang nadagdag sa katawan niya. Swerte na lang at nasa lahi nila ang malaking balakang. May hubog pa rin ang katawan niya kahit medyo malapad na.

                Hindi man siya maputi, masasabing may hitsura siya. Bonus pa ang mga tsinitang mata na nadagdag sa pagiging cute niya. Maraming nagsasabi na cute siya, ‘yun nga lang, cute LANG siya.

                Atleast, cute ako ‘no!

                Tumikhim si Kim Bum este Jed kaya napilitan siyang ibalik ang tingin dito. Nagtaas muna siya ng kilay bago sumagot. “Obviously, I want to loose weight.”

                Nagsalubong ang tingin nila. Parang may dalwang dagang lumundag sa kanyang puso. “You are sexy to me,” anito. Siguradong kinilig pati ang dalwang daga sa puso niya.

                “Believe me. You are sexy, Ace.”

                Lalong tumalon ang mga daga!

                “Shit! ‘Wag kayong masyadong tumalon natataranta ako!” She thought she just murmured the words. Nakarating pala iyon sa tainga ng kausap.

                “What did you just said?”

                “A-ahm. I-I want to continue jogging.”

                He smiled. “Oh, that. Let’s go?”

                “H-ha?” Parang wala na siya sa sarili.

                “Let’s continue running, Ace.”

                “O-okay”

                They ran for almost an hour together with the two rats running at her heart.

My Boss' Kiss (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon