CHAPTER XIV

19 1 0
                                    

Abala si Ace sa pagtatype ng bagong script. Tuwang-tuwa siya dahil parang ilog sa pagdaloy ang kanyang creative juices. Kailangan niya iyon dahil kailangan na niyang matapos ang ginagawa mamayang hapon. Maya-maya ay natigil siya sa ginagawa dahil parang may nakamasid sa kanya.

                “Hi, Ace!” Galaw pa lang ng mga hayop sa dibdib niya ay alam na niyang si Art iyon. Isama pa ang boses nitong kabisadong-kabisado na niya.

                Nilingon niya ang lalaki at gayon na lang ang pagtigil ng mundo niya nang makita ang madalang na ngiti nito. Ang ngiting umaabot sa tsinito nitong mga mata. Parang namamalik-mata na napanganga pa yata siya kaya muli ay nagsalita ang lalaki.

                “I guess I’m on the right time. Mukhang gutom na gutom ka na kaya natutulala ka na d’yan.” Kumunot pa ang noo nito sa pagkakatingin sa mukha niya. Ilang sandal pa ay dumako na ang mga mata  nito sa mga bibig niyang nakabukas pa rin. Hinaplos nito ang kanyang kanang pisngi pababa sa kanyang baba. She thought he thinks she’s beautiful, only to realize that he caress her face to close her open mouth. “Look at your mouth. It’s already open. Naghahanap na yata ng pagkain. Come on and get up. Let’s grab lunch!”

                Sa sinabi ng big boss ay natahimik ang mga taong malapit sa cubicle niya. Alam niyang nagulat ang lahat dahil ni minsan ay hindi ito nagyaya sa sinuman ng tanghalian. Maliban na lamang kung isa iyong lunch meeting. Lalo tuloy siyang hindi makakilos dahil naiilang siya at hindi malaman ang gagawin.

                Ilang segundo pa ang lumipas at ito na ang kumilos para sa kanya. Dinampot nito ang bag niyang nakapatong sa kanyang lamesa. Isinunod nito ang cellphone na katabi lamang niyon. “Are going to carry this as well?” Hindi pa man siya sumasagot ay naisilid na nito ang cellphone sa bag niya pagkatapos ay hinawakan siya sa braso para itayo. Napansin siguro nitong hindi niya alam ang gagawin.

                Nagsimula ang bulungan nang isukbit ni Art sa balikat ang kanyang bag at magkahawak kamay silang lumabas ng opisina. Nag-init tuloy ang kanyang pakiramdam lalo pa at nakasalubong nila si Poy patungong elevator. Si Art ang unang nakita nito.

                “Sir Art! Good –“ Hindi na nito naituloy ang sasabihin ng mapadako ang mga mata nito sa kanya at sa magkahawak nilang kamay.

Pinilit niyang bawiin ang kamay kay Art ngunit humigpit pang lalo ang hawak nito. Bumaling ito kay Poy. “Mr. Camandag, Ace will have a two or three hour lunch today. Don’t expect her to come back before one in the afternoon.”

Sa halip na sagutin ng kaibigan ang sinabi ng big boss ay parang kinausap na lamang nito ang sarili. “A-ace? Bakit hindi Ms. Macalintang?” Saglit na natigilan ang bading na siya namang pagbukas ng elevator. Sumakay na silang dalwa roon bago pa muling makapagsalita si Poy. “A-ace? Ace!” Aktong hahabulin sila nito ngunit nakasara na ang elevator.

Dinala siya ni Art botanical-theme restaurant. Nasa loob iyon ng isang mall na pag-aari ng mga Araneta. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Nasa munting kubo ang mga lamesa. Mukha tuloy nasa isang probinsya ang mga kumakain doon, ngunit mapapansin din na hindi basta-basta ang mga parokyana. Halatang mga kilala sa larangan ng negosyo ang mga kumakain doon. Ilang customer ang binati ni Art bago sila nakarating sa nakareserbang lamesa para sa kanila. Alam niyang suplado si Art pero pagdating sa negosyo ay napipilitan itong batiin ang kapwa negosyante.

“How was your day?” It was Art trying to make a conversation.

“O-okay lang.” Hindi talaga mawala ang mga hayop na bunuhay ni Art sa dibdib niya. Hindi na siya magtataka kung aani siya ng titulong ‘Babaeng may pinakamaraming alagang hayop’ sa guiness book world records. Ang kaibahan nga lang, nasa loob ng katawan niya ang mga hayop na iyon at nagliligalig lamang sa mga pagkakataong kasama niya ang lalaking nasa harapan. “Ikaw, kumusta?”

“I had a busy morning. I even forgot to eat breakfast. I’m revising the proposal I made for the steel company’s future investors. Sana sa pagkakataong ito ay maintindihan na nila iyon.”

“I’m sure they will.” Ngumiti siya dito. Muntik na siyang himatayin ng gumanti ito ng ngiti sa kanya. Napainom tuloy siya ng tubig.

“Kung alam ko lang na ang pagiging kaibigan mo ang magbabalik ng kulay sa buhay ko, matagal ko nang ginawa ‘yon. Thank you for accepting me as you friend, Ace.”

“Wala ‘yon. Ako pa nga ang dapat magpasalamat dahil nakikipagkaibigan ka sa isang tulad ko.” Mula sa pagkakatingin dito ay nagyuko siya ng paningin.

“Look at me.” Hinawakan nito ang baba niya at muli ay nagliparan ang mga paru-paro sa kanyang tiyan. Ang mga daga at kabayo sa dibdib niya ay hindi lang tumatalon, gumugulong-gulong din ang mga iyon. “You are not just ordinary, Ace. You are special to me. You made me laugh in my gloomiest day, which only few can do. Don’t look anywhere, please. Just look at me so you can see how happy I am to be you friend.”

Friend. Bakit parang nagmaktol ang puso niya roon?

………………………………………………………………………………………………………………………

My Boss' Kiss (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon