CHAPTER VIII

22 1 0
                                    

“Why are you becoming gloomier each day, Ace?”

                She looked at Jed. It’s been a month since he met him. Isang buwan na din silang magkasamang nagdya-jogging. Every afternoon, he always asked why she is sad. In return, she always smiles bitterly as an answer. Kahit matagal na silang magkakilala ayaw pa rin niyang magbukas ng personal na buhay dito. Kampante na siya na may kausap at kasama siya sa pag-eehersisyo pagkatapos ng trabaho.

                “Ace, I think you should let it out. I know there’s a problem.” He stopped running and held her arm. It made her stop. Hindi niya ito matingnan ng diretso. Natatakot siya na baka makita nito kung gaano kalungkot ang buhay niya ngayon. Pati ang mga daga sa puso niya sa tuwing kasama  ang lalaki ay nagluluksa na rin.

                She smiled at him bitterly just like her previous answers. But now, he did not let her go. When they’re eyes met, she knew he needed an answer.

                “My boyfriend cheated on me.” Pumiyok na siya. “I am too chubby to love” She said and turn her back at him.

                “You what?!” He almost shouted.

                “I’m too chubby, Jed” She repeated. That’s what she doesn’t want to happen. Kaya ayaw na ayaw niyang pag-usapan ang paghihiwalay nila ni James dahil para sa kanya ay sariwa pa iyon. Hindi niya matanggap na dahil lang sa sukat ng katawan niya ay nagawa siyang lokohin ng kasintahan. Napakababaw niyon sa halos tatlong taon nilang pinagsamahan. Nakakahiya sa parte niya. Isa pa, sa tuwing maaalala niya si James, nasisira ang buong araw niya.

                “That’s insane! Who—“

                “I know! I don’t want to talk about it. Please!”

                “Pero ---“

                Tumakbo si Ace ng mabilis na mabilis upang hindi na marinig ang ano pa mang sasabihin ni Jed sa kanya.

…………………………………………………………………………………………………………………………………………....

My Boss' Kiss (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon