CHAPTER XXIV

18 1 0
                                    

“You really can’t resist my charm, can you?” An old woman gladly welcomes Art with open arms. Agad namang lumapit ang binata dito upang bigyan ito ng halik sa pisngi.

                Kung pagmamasdang mabuti, ito ang babaeng version ni Art. Simple ngunit pusteryosa si Mrs. Aurora Oliveroz. Kahit matanda na ay balingkinitan pa rin ang katawan nito, halata ang pagiging maalaga sa katawan. Hindi siya magtataka kung malalaman niyang aktibo pa ito sa ehersisyo. Nakangiti ang mga mata nito na parang laging nangungusap.

                “How can I resist a very beautiful lad in front of me?” SI Art na sinalubong ang yakap ng matanda.

Matapos yakapin si Art ay nabaling ang tingin ni Mrs. Oliveroz sa kanya.

                “Hello, young lady!” Nakangiting lumapit sa kanya ang ina ni Art. “Welcome to my humble resort! My son’s friend perhaps?” The old woman held her hand warmly.

                “I-I’m…” Hindi niya malaman kung anong sasabihin.

                “Ma…” Simula ni Art. Lumapit ito sa amin at ipinalibot ang mga kamay sa aking baywang. “Her name is Annie Claire Macalintang. She’s my girlfriend.” Then, he look at the old lady with a sweet smile.

                “You’re girlfriend?!” Shoch was written all over her face. Nabitiwan nito ang kamay na nakahawak kay Ace. Habang ang isang kamay naman nito ay napahawak sa puso. Ang hitsura ni Mrs. Oliveroz ay tila aatakihin ilang segundo na lamang.

                Napayuko si Ace. Pakiramdam niya ay lalamunin siya ng lupa sa nakita niyang gulat sa mukha ng matanda. Matapos ang halos labinlimang minutong katahimikan ang umugong ang isang halakhak.

                “You children! You should have seen your faces.” Anang matanda habang pulang-pula pa rin ang mukha nito kakatawa. “I was just playing with you. Of course, I’m glad to know that someone finally broke those walls my son built for years. What can I say? I am more than happy! Welcome to the family, Annie Claire.” Then, a tight hug followed that outburst.

                “Did I miss something?” Isang tila anghel na bumaba sa lupa ang nagsalita. Lahat ay natuon ang atensyon sa kanya.

                “Marrae, you’re just in time for a little welcome.” Sagot ng matanda at nilapitan ang anghel.

                “H-hey!” Si Art.

Ang halos pabulong na bati ni Art ang nagbigay sa akin ng pansin bukod pa sa babaeng nag-ngangalang Marrae.

“Don’t I deserve a welcome hug, Art?” Ngumiti ng matamis ang babae at lumapit kay Art. Nang hindi makakilos ang binta ay ito na mismo ang yumakap dito.

                Nagkaroon sila ng tinatawag nilang ‘awkward moment’. Hindi dahil sa presensya ni Marrae kundi dahil sa pwesto nilang tatlo. Ang kanang kamay ni Art ay nakahawak sa bewang ni Ace habang sa kaliwang bahagi ng katawan nito ay nakayakap si Marrae. Ang ina ni Art ang agad nakabawi.

                “Why don’t you give a hand to Ace and tour her around, Marrae. Art and I will just talk for a while.”

                “Ma, I’ll tour my girlfriend myself”

                “You’re girlfriend?!” Halos ikataas ng kilay niya ang mataas na boses ni Marrae.

                “Yes. Ace here is my girlfriend.” Then, he purposely turns to me. “Honey, remember Marrae? She’s Jed’s fincee.” May diin ang salitang ‘fiancee’ sa tinig ng kasintahan.

                Tanging tango lang ang naisagot niya. Ang assuranace sa mga mata ni Art ay nagsilbing langit na nagpapatunay na siya ang mahal ng binata. Hindi ang sino pa man. Hindi ang babaeng nasa harap nila. Ang tanging gumugulo lang sa isipan niya ay ang sinabi ni Jed na si Art ang ama ng dinadala ni Marrae. Sa isiping iyon ay bumaling ang kanyang mata sa maimpis na tiyan ng dalaga. Mukha naming nailing ito sa ginawi niya.

                “ Nice to meet you, Ace.” Marrae extended her hand towards me. “Ace, right.”

                “Y-Yes. I’m Annie Claire. Ace for short.” Tinanggap niya ang kamay ng dalaga. Ang kamay nila ay tila north pole at south pole na nagtagpo. Parehong malamig ang mga iyon dahil sa tensyon.

                “I hope we can be good friends. I badly need a sister at this moment.” May halong lungkot ang tinig ni Marrae habang sinasabi ang huling kataga.

                Tinitigan niya ang dalaga. Halatang sinsero naman ito. Ang mga mata nito ay mabibilog ngunit napapaligiran iyon ng malalantik na pilik-maya. Ang mga labi nito ay mapupula, at ang mga ngiti niyon ay pagkatamis-tamis. Ang tindigan nito ay parang sa isang modelo. Balingkinitan ang pangangatawan at nagtataglay ng maputing balat. Ang suot nitong bestida ay nagpapakita ng makinis na balat.

                “Since we are done for the introduction and intimate welcomes, why don’t we proceed in the garden for our snacks.” Anang ina ni Art na nagpabitiw ng aming mga kamay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Boss' Kiss (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon