CHAPTER II

43 1 0
                                    

Medyo pawisan pa si Ace nang pumasok siya sa bahay. Galing siya sa Quezon City circle. Halos tatlong araw na s’yang nagdya-jogging roon at ganun na rin katagal siyang sinasabayan ni Jed. Hindi niya malaman kung sadyang gusto lang nito ng kasama o may iba pa itong rason bukod doon. Kung tutuusin ay mabait naman ito at makwento. Mas tama sigurong sabihin na matanong. Sa tatlong araw na paglibot niya roon, alam na yata nito ang lahat ng bagay na gusto niyang gawin maliban na lamang sa mga personal na impormasyon tulad ng kanyang buong pangalan, tirahan, numero ng telepono, at pangalan ng kompanyang pingtatrabahuhan. Hindi nila pareho binubuksan ang mga paksang iyon. Ang tanging alam nila ay ang mga bagay na gusto nilang gawin at gusto pa nilang gawin sa mga darating na araw.

Nagulat siya nang pagpasok sa pinto ay makita ang nakaupong kasintahan.He looked tensed when he saw her coming so she smiled at him, but his eyes moved away. She wondered why. Then she came to notice that he looks uneasy.Parang may surot sa inuupuan nito dahil hindi ito mapakali sa kinatatayuan. Kung noon, si James ang unang lumalapit para gawaran siya ng halik, sa pagkakataong iyon ay siya ang lumapit upang humalik dito. He froze with that act and for the second time, she wondered why.

Alam na kaya ni James na may kasama akong lalaki habang nagdya-jogging sa cirle? Ano naman ang masama don? Jed and I were just friends…

Pero kinakabahan pa rin siya sa kaisipang iyon dahil sadyang seloso si James. Minsan pati pinsan niya, pinagseselosan pa nito. Kahit noong kolehiyo pa siya, sumasama ang aura nito kapag may kagrupo siyang lalaki sa mga proyekto nila.

Nasa ikalwang taon siya ng kolehiyo nang sagutin niya ito matapos ang isang buwang panliligaw. Para sa kanya kasi, hindi dapat pinapatagal ang panliligaw ng isang lalaki kung gusto din naman niya ito dahil doon din naman ang punta niyon. Hindi man ito ang una niyang kasintahan ay masasabi niyang ito ang pinakamatagal at seryoso sa lahat ng naging nobyo niya.

Sa susunod na buwan ay mag-ta-tatlong taon na sila ni James. Matanda ito ng limang taon sa kanya. Magkabarkada ito at ang pinsan niya sa kanilang barangay kaya nagkakilala sila. Mabait si James at may hitsura kaya mabilis siyang na-inlove dito.  Iyon nga lang, may pagkamayabang. Lalo na nung mga panahong ang ganda pa ng katawan niya.

Nagtatrabaho si James sa isang call center kaya marahil mahilig itong kumain lalo na sa gabi. Pero dahil nga lalaki ito, balewala ang dami ng pagkain. Tiyan lang yata ang naapektuhan ng pagiging matakaw ng nobyo niya. Pagdating naman sa kanya, malaki ang naging pagbabago ng katawan niya dahil hindi siya sanay kumain ng marami lalo na sa gabi. Nasira ni James ang diyeta niya.

                Siya ang pinakaseksi sa kanilang magpipinsan, bago naging sila ni James. Pero ngayon, siya na yata ang pinaka mabilbil sa angkan nila na walang asawa. Lahi talaga sila ng tabain pero tumataba lang kapag nakapag-asawa na. Siya, hindi pa man sila kasal ng kanyang nobyo ay may dalwang maliit na bilbil na sa tiyan. Iyon marahil ang problema kaya napapansin niya ang panlalamig ni James sa kanya. Naaalala pa niya noon na ipinagmamalaki siya ng lalaki dahil maganda ang katawan niya at mayaman ang kanyang mga dibdib. Kaya naman ngayon ay sinisimulan na niyang mag-ehersisyo.

                “What’s wrong, babes?” Tanong niya kay James nang tumabi siya rito. Hindi ito makatingin ng diretso sa kanya.

                “Ang kapal ng mukha mong pumunta pa ditong hayup ka!” Nagulat siya sa biglang pagbukas ng pinto at pagluwa sa galit na galit niyang pinsan. Tuloy-tuloy ito hanggang matapat ito sa nobyo niya at… Blaggg…!!!

                Timulapon si James sa gilid ng inuuupuan niyang silya. Napanganga siya sa paghuhurumentado ng mahinhin niyang pinsan. Though, hindi naman ito bakla. Susuntukin pa sana nito si James pero tumayo na siya at maagap na pinigilan ang pinsan.

                “Ano bang problema, Kuya Gin?” Tumayo siya at pinaglipat-lipat niya ang tingin sa kanyang pinsan at sa kanyang nobyo.

                “’Wag ako ang tanungin mo, Ace. Itong hayop na lalaking ito ang tanungin mo!”

                Natuon ang atensyon niya kay James na sa wakas ay nakatayo na. Nais sana niyang pahirin ang dugo sa gilid ng ilong nito ngunit pinigilan niya ang sarili. Nais muna niyang malaman kung anong ipinaghihimutok ng butse ng pinsan niya.

                “Babes,” aniya na nang-aarok na tumingin sa nobyo na hindi agad nakasagot. “Anong problema?”

                “I-I’m s-sorry, A-ace” anito. Ace ang ginamit nito, hindi ang nakasanayang nilang tawagan na Babes. Dahil doon alam niyang may problema nga.

                “I-I’m really sorry. I-I ---“

                “He cheated on you.” Diretsong sabi ng pinsan niya.

                Naramdaman niyang ang panghihina ng kanyang tuhod. May kung anong tumadyak sa puso niya. Dahan-dahang umupo muli siya at doon ay halos mawawalan ng malay na huminga ng malalim. Hindi niya matanggap ang sinabi ng pinsan niya, lalo na ang ekspresyon sa mukha ni James nang tingnan niya ito. Kitang-kita doon ang pinaghalong pagsisisi at awa sa kanya, ngunit mas matingkad sa mukhang iyon ang guilt nito sa ginawa.

                She wasted almost three years of her life in believing that this man would be his future husband. Ang masakit pa, ito rin ang ipinapaniwala nito sa kanya kasama ang pangakong papakasalan siya nito sa oras na maayos na ang posisyon niya sa pinagtatrabahuhang kompanya. He even told her that she would be the last woman in his life. So, she put in her mind that he would be the last man in her life as well.

                “Y-you have changed, Ace” Sabi ng taksil na kasintahan niya. No, ex-boyfriend to be exact.

                “Ikaw ang nagbago, James.” Aniya at namumuhing tumingin dito. “Nagsimula kang magbago nang lumabas ang mga bilbil sa tiyan ko. Tama ba?!” Hindi niya napigilang isigaw ang tanong na iyon.

                Naging uneasy ang taksil na lalaki. Lalong nag-init ang tuktok niya kaya marahil nakakuha siya ng lakas na tumayo sa kinauupuan at lumapit dito. Presto, nasampal niya ito. Mag-asawa pa.

                “Ang kapal mong sabihin sa akin noon na hindi naman ako tumataba. Panay pa ang pagpipilit mong kainin ko ang meriendang dinadala mo dito tuwing alas dose ng madaling-araw pagkagaling mo sa trabaho. Ginawa mo akong eating-companion pagakatapos gaganituhin mo ako ngayong mataba na ako?!”

                Hindi na niya napigilan ang pagsabog ng puso niya. Partly ay kasalanan din nito kaya tumaba siya. Nawala siya sa routine diet niya dahil sa pagdadala nito ng pagkain pagkatapos magtrabaho, which is midnight. She was very accommodating that time that even she was tired from work, she woke up to be his eating companion. Now what? He cheated on her because she developed some fats. Yes, some fats dahil hindi naman siya masyadong katabaan. Chubby lang. Now, she’s thinking how sexy the woman who made James cheated her. Nag-unahan pang lalo ang mga luha niya sa pagpatak. Parang may marathon ang mga iyon. Hindi niya namalayan na lumalakas na pala ang hagulhol niya at nagsibabaan na ang mga kasambahay nila na nanood ng tv sa itaas.

                “Anong nangyayari dito?” Humahangos na tanong ng tiya niya.

                Sa pinagsama-samang sama ng loob at awa sa sarili ay patakbong umakyat na lamang siya sa itaas ng kanyang silid. Doon niya ibinuhos ang lahat ng hinanakit sa mundo. Ipinangako niya na hindi siya titigil sa pag-eehersisyo hanggang hindi niya naibabalik ang kanyang dating katawan.

My Boss' Kiss (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon