CHAPTER XXII

15 1 0
                                    

                “Go tell me your piece now, Honey” tinig ni Art na nagpagising sa kanya. Noon lang niya napansin na nasa loob pala sila ng isang restaurant. Ang restaurant na iyon ay ang mismong botanical-themed restaurant na una nilang kinainan. Hindi niya napigilan ang sariling ilibot muli ang mga mata roon. Tila nagbalik sa kanya ang unang beses na kumain sila roon. Ang unang beses na tinawag siyang kaibigan ng lalaking kaharap.

                “Ace.” muli ay tinawag siya ni Art sa tonong may lambing. Halos ikalukso ng puso niya ang lambing sa tinig na iyon.

                Nang ilipat niya ang mga mata mula sa mga bulaklak sa paligid ng kubo patungo sa mga mata nito, hinawakan ng binata ang mga kamay niya. Ang mga bulaklak sa paligid ay tila naging mga ibong umaawit.

                “I-I…” Hindi n’ya malaman ang sasabihin dahil hindi s’ya prepared. Ano ba naman kasing pumasok sa malanding utak ng baklitang kaibigan n’ya at napapunta s’ya sa ganitong sitwasyon.

                “Yes, honey?” Halos mapatalon si Ace sa pagsasalita ni Art.

                Honey? Saan nanggaling ‘yun? Sa bubuyog?

                “I l-love…”

                “You love?”

                “I love my job, Sir!” Sabay napatingin siya kay Art dahil napabitaw ito sa pagkakahawak ng kamay n’ya. Nakapinta sa mukha nito ang mga salitang: Ano raw?

“I mean, nag-enjoy po talaga ako sa paggawa ng commercial, at natutuwa talaga ako dahil nakagawa tayo ng commercial, at sobrang proud ako dahil kayo pa of all people ang nakasama ko sa paggawa ng commercial—“

“Will stop that f@cking commercial thing ‘coz we are not here to talk about that!”

“The commercial, Sir?”

“Shit!” Pagkatapos ay inilang hakbang in Art ang pagitan nila at walang sabi-sabing itinayo s’ya sa upuan. Kinabig nito ang kanyang bewang at marahas siyang hinalikan.

Nagmistula naman iyong go signal sa lahat ng alaga ni Ace na hayop sa katawan. Nagrambulan at nagkagulo na naman sila sa loob. Siguradong allergy ang kasunod niyon.

Halos ilang minute ding naglalaban ang kanilang mga dila kaya halos maubusan sila ng hininga pagkatapos ng halik na iyon. Tatlong pulgada lang ang layo ng mukha nila sa isa’t-isa ng magsalita si Art.

“If you are not yet ready with your piece, I am ready with mine.” Lalong humigpit ang hawak ni Art sa kanyang bewang. “For long I was chained in a lonely, dark cave until I kissed you. That very first kiss I had with you did not only unchain the loneliness, it also molded a key which opened my heart.”

Ang pagdaloy ng mga salitang iyon sa labi ni Art ay sinabayan ng pagdaloy ng mga luha sa kanyang pisngi. Hindi niya malaman ang pinaghalong pag-ibig at kagalakang nararamdaman ng sandaling iyon.

“I brought you here because this is the first place I appreciated the flowers after you reach my hand and guide me out from the dark cave I am in.” pagpapatuloy ng binata. “I love you, Annie Claire Macalintang. Oh God! I really do, Honey”

Mula ay inilapat naglapat ang kanilang labi na parang sabik na sabik sa isa’t-isa. And, those red-blush that looks like allergies  are meant to be with Ace everytime she feels his kisses. Her boss' kiss.

………………………………………………………………………………………………………………………

My Boss' Kiss (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon