CHAPTER XVIII

17 1 0
                                    

                “Cut!” sigaw ng director. Sa wakas ay tapos na ang isang eksena matapos ang ilang ulit na take. Dahil ilang na ilang si Ace kay Art, hindi siya makaarte ng maayos kapag sobrang lapit nila sa isa’t-isa. Pakiramdam niya ay hinaharangan ng mga kabayo sa dibdib ang kanyang paghinga.

                “Ace, let’s eat. I’m starving,” ani Art na umakbay pa sa kanya. Hindi niya alam kung sa pagkakalapit nila ay naramdaman nito ang panginginig niya. Nagbigay din sa kanya ng kakaibang sensasyon ang amoy nito. He smells like a mixture of baby cologne and masculine sweat. “Treat kita ha. Mukhang pinahirapan kita kanina.”

                “Hindi naman, Sir. Medyo naninibago lang ako.” Dahil ang totoo naman talaga ay siya ang may problema.

                “Art na lang. ‘Pag tayong dalawa lang puede mo akong tawagin sa first name ko. We’re friends, right?”

                “Yes, S—“

                “Art.”

                “Okay, Art”

                “That’s good. I’ll kiss you if you’ll call me ‘Sir’ when we are alone.”

                Nagulat na tiningnan niya ang lalaki. Naintriga siya dahil seryoso ang mukha nito ng sabihin ang parusa niya. Parang gusto niyang magwala sa ideyang nag-e-enjoy din itong halikan siya. Naramdaman na naman niya ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi.

                “So, you’re still allergic with me.” Nilingon niya ang lalaki. “You’re blushing, Ace. You’re pretty when you blush.” A hint of desire cross his eyes as he look at her. It’s like a magnet which leads her to look at him. Sinalubong niya ang tingin nito. They both didn’t realize that they already stopped walking. Nawala ang lahat ng tao sa paligid nila. Tumahimik din ang mga ingay na naririnig niya kani-kanina lang. Ang kamay ni Art na nakaakbay kay Ace kanina ay nasa baywang na niya habang magkaharap na ang kanilang mga katawan. Slowly, Art’s face lowers down to meet hers. Tumingala naman siya upang salubungin ang halik nito.

                When his lips met hers, it was like forever. She was suddenly came into a world they call ‘Milky Way’. She opened her mouth to taste more of his lips. There is gentleness in his kiss, but it’s like he was marking her lips as his possession. Ang bawat galaw ng mga labi nito ay parang nagsasabing ito lamang ang may karapatang halikan siya.

                Naputol ang halik na iyon nang naramdaman nilang pareho na mauubusan na sila ng hininga.

                “I don’t know why I love the feeling everytime I kiss you.”

                “A-art ---“

                “Libog lang ‘yan, Kuya,” anang isang lalaki sa likuran niya. Sabay sila ni Art na napalingon dito. Kung iritado ang mukha ni Art sa nakita, shock naman ang mababanaag sa mukha nila ni Jed.

                “Jed!” Sabay pa silang dalawa ni Art pagbanggit ng pangalan nito.

                “Ace! Ikaw ang bagong girlfriend ni Kuya?” Halata ang pagkabigla sa boses nito. Mahigit siyam na buwan niyang hindi nakita ang lalaki. Ni wala siyang balita o anumang komunikasyon dito.

                “She’s not my girlfriend, Jed.” Ouch! Sabi ng puso niya. “Why are you here? Aren’t you supposed to be at Boston for your wedding tomorrow?” Dumilim ang mukha ni Jed sa sinabi ng kapatid nito. “And why do you know Ace?” Bumaling si Art sa kanya na tila nagkaroon ng galit sa mga mata. “Is he your ex-boyfriend?”

                “No!”

                “No!” Halos magkasabay sila ni Jed sa pagsasabi niyon.

                Si Jed ang unang nakabawi. “Ace was my jogging buddy before I went to Boston. I met her first.” Makahulagang sabi nito sa nakatatandang kapatid. Nagtitigan ang dalwa.

                “I doubt that. She’s been my employee for more than two years now. And unfortunately, you are already engaged.”

                Humalakhak si Jed kahit alam nilang lahat na hindi totoo ang tawa nito. “You wish. You’re the father. You should marry her yourself.”

                Napasigaw siya hindi dahil sa pagkugulat ngunit dahil sa malakas na paglapat ng kamao ni Art sa pisngi ng kapatid. Bumalandra ito sa sahig ngunit agad ding nakabawi at gumanti ng suntok. Tumama iyon sa kanang mata ni Art. Naka-tatlong pagpapalitan pa ng suntok ang mga ito bago siya nakakilos upang umawat. Ang mga tao sa paligid ay halatang nagulat din at basta lang nanood sa dalwa.

                “Tama na!” sigaw niya at nilapitan si Jed na akmang susuntuking muli ng kapatid. “Art, tama na!” Tiningnan niya ang mga tao sa paligid. Akala yata ng mga ito ay may shooting ang isang action film. “Awatin n’yo sila, ano ba! Hindi ito kasama sa script!”

                Saka pa lang may lumapit kay Art para awatin ito. Si Jed naman ay tinulungan niyang tumayo. Ngunit bago pa man tuluyang makatayo ang binata ay marahas na hinila ni Art ang kanyang braso.

                “Samahan mo ako sa ospital!’

                “Ako ang samahan mo!” Si Jed na hinawakan naman ang kabilang kamay niya na hindi hawak ng nakatatandang kapatid.

                Nagpalipat-lipat ang tingin ng dalaga sa dalawang lalaki. Siya yata ang kailangang dalhin sa ospital dahil nahihilo siya sa pagsuri sa mga ito. Nagdurugo ang bibig ni Jed samantalang mukhang panda naman si Art dahil nagkaroon ng black-eye ang isang sa mga mata nito.

                “Excuse me! Excuse me lang, boys, ha. Pasensya na kayo pero sa akin sasama itong friend ko. Magsa-shopping kami ngayon.” Hinawakan ni Poying ang kamay ni Jed upang tanggalin iyon sa braso niya ngunit humigpit pang lalo ang hawak ng lalaki.

                “Ay, ‘wag kang ganyan, Sir Jed. Baka matupad na ang pangarap kong makatikim ng first kiss pag hindi mo binitiwan ang kamay ni Ace.”

                “Kiss Ace and I’ll throw you out of my company, Mr. Camandag.” Malamig na wika ni Art.

                “Dito kay little brother ko balak kunin ang first kiss ko, Sir Art. Pero kung hindi n’yo rin bibitiwan si Ace ay baka sa inyo lumanding ang birhen kong mga labi.”

                Sa sinabi ni Poying ay sabay na bumitiw ang dalwang lalaki sa mga braso niya.

                “I’ll see you, tomorrow,” panabay pang wika ng mga ito.

                 Parang walang narinig na tinalikuran niya ang magkapatid. Bigla siyang napagod. Hindi na rin niya napansin ang sinasabi ng kaibigan sa kanya habang naglalakad sila palayo sa mga tao.

“Ang swerte mo namang bruha ka. ‘Yung magkapatid parang kambal na. Hindi lang mga dila nila ang pareho ang sinasabi ha, pati puso identical na rin.”

……………………………………………………………………………………………………………………

My Boss' Kiss (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon