CHAPTER XII

31 1 0
                                    

Lumingon si Art kay Ace nang mapansin niyang nakatitig ito sa kanya. Nagbawi naman agad ito ng tingin. Hindi din niya maintindihan kung bakit niya ito hinalikan kanina. Marahil ay dala iyon ng espirito ng alak na kapiling niya magdamag. Iyon na din halos ang almusal at tanghalian niya.

His long-time girlfriend broke up with him almost two years ago because she said she cannot understand him anymore. She initiated that they are not compatible at all. Ilang beses na niyang binago ang sarili para dito pero talaga sigurong hindi na siya nito mahal kaya hindi na rin sila magkaintindihan. Three months ago, nagbackout ang dalwang investors sa steel company nila dahil hindi daw maintindihan ng mga ito ang gusto niyang mangyari. Three days after that, he had a fight with his father because of it. Napilitan tuloy siyang um-attend ng isang international seminar for steel company owners. Bukod kasi sa advertising na ipinakiusap lang sa kanya ng nakatatandang kapatid, siya rin ang namamahala sa steel company na siyang tunay na negosyo ng pamilya. Ang advertising ay itinayo lamang ng ate niya dahil iyon ang hilig nito. Ngunit nang mag-asawa ay nangibang bansa na lamang upang makaiwas sa mga pakialamerong biyenan. Sa kanya iyon ipinasa dahil wala namang maasahan sa kapatid niyang lalaki.

Ang lahat ng mga nagdaang problema ay halos wala lang sa kanya. Nakaya niyang hawakan ang mga iyon ng maayos hanggang sa masolusyonan. Ngunit kagabi na yata ang pinaka nakakapikong gabi sa buhay niya. Nabalitaan niyang ikakasal na ang nakababata niyang kapatid. Okay lang sana iyon kung hindi lang ang babaeng pakakasalan nito ay ang babaeng umiwan sa kanya almost two years ago. Hindi niya matanggap kung paanong ang babaeng hindi siya maintindihan ay naintindihan ang kapatid niyang iresponsable at walang ginawa kundi mambabae at makipagkarera sa iba’t-ibang bansa. How could life be so unfair for him? He was the responsible son. Bakit hindi siya ang masaya ngayon?

                His only sixteen when his father taught him the word ‘work’. Habang abala ang kapatid niyang lalaki sa pag-attend ng mga disco tuwing weekend at ang kapatid niyang babae sa pag-aaral sa ibang bansa, nagpa-part time work siya sa kanilang kompanya. Nang maghiwalay ang mga magulang niya, siya na ang namahala sa resort na iniwan ng ina. Umalis ito dahil hindi nito matiis ang pagkababaero ng kanilang ama. Labing-siyam na taong gulang lamang siya noon pero para na siyang may dalwang pamilyang pinapakain kung magtrabaho. Hindi naman niya maiasa ang resort sa kanyang ate dahil anak ito ng kanyang ama sa ibang babae. Tatlo silang magkakapatid na may iba’t-ibang ina.

                Ang ate niya ay anak ng kanyang ama sa pagkabinata. Ang ina nito ay ang childhood sweetheart ni Artemio, ang kanyang ama. Labing-limang taong gulang pa lamang ang dalwa nang maging magkasintahan. Nang mag-aral si Artemio sa ibang bansa ay naiwan ang kasintahang si Laila, ang ina ng kanyang Ate Lia. Dahil may pagkamahilig sa babae ang ama ay nakalimutan bigla nito ang naiwang kasintahan sa Pilipinas at nagliwaliw sa ibang bansa nang apat na taon. Pagbalik nito sa Pilipinas, nag-asawa na ang naiwang kasintahan. Ngunit dahil mahal pa rin ng babae ang buhemyong lalaki, nang muling magkita ay nagkaroon ng lihim na relasyon ang dalwa at nagbunga iyon. Walang kaalam-alam ang asawa ni Laila na ang ipinagbubunitis ng asawa ay anak ng ibang lalaki. Namatay si Laila sa panganganak kay Lia kaya ninakaw ni Artemio sa ospital ang sanggol at dinala sa Maynila. Dahil maimpluwensya ang mga Oliveroz sa norte, hindi na nakapaghabol pa ang asawa ni Laila.

                Isang taon matapos ang pangyayari ay ipinagkasundo si Artemio sa kanyang ina na si Aurora. Dahil ayaw ng kanyang ama na dinidiktahan ng iba, nagrebelde ito sa pamamagitan ng patuloy na pambabae. Unang umalis nang kanilang mansion si Aurora nang tatlong taong gulang pa lamang siya. Doon nakilala ni Artemio ang ina ni Jed na ni hindi na niya maalala ang pangalan. Tumira ito sa mansyon ng wala pang dalwang taon. Pagkapanganak kay Jed ay basta nito iniwan ang bata sa kanyang ama at sumama sa mas batang lalaki. Makalipas ang dalwang taon ay muling nagbalik sa kanilang tahanan si Aurora at siyang itinuring na ina ng nakababatang kapatid. Madalas ay parang ang dalwa pa ang tunay na magkadugo dahil malambing si Jed sa kanyang ina. Maayos na sana ang lahat ngunit dahil sadyang makisig ang kanyang ama kahit may edad na, nahulog ang loob dito ng sekretarya. Nahuli ni Aurora ang dalwa sa hindi magandang tagpo na naging dahilan sa tuluyang pagkasira ng pamilya ni Artemio Oliveroz.

                Nagbalik siya sa kasalukuyan nang muling marinig ang busina ng nag-iingay na mga sasakyan. Muli niyang tiningnan ang babae sa kanyang tabi. Marahil ay unfair din naman dito na basta na lang niya itong hinalikan dahil may gusto siyang patunayan sa sarili.

                “Miss Macalintang, I’m sorry. ‘Wag na sana itong makakarating sa opisina. If you want, I’ll treat you to dinner.”

                “Hindi n’yo na ako kailangang suhulan, Sir. Wala talaga akong balak ikwento sa opisina na hinalikan n’yo ako dahil sa trip n’yo kanina.” Umungos pa ito pagkatapos sabihin iyon. Para tuloy gusto ulit niya itong halikan. Napadami yata talaga ang inom niya kaya kung ano-ano na ang iniisip niya.

                “Kung ganoon, ihahatid na kita. Saan ka ba pupunta?”

                “Ibaba n’yo na lang ako sa d’yan sa babaan, Sir. Kanina pa ako lumampas sa pupuntahan ko.”

                “Ihahatid na nga---“

                “Thank you na lang, Sir pero itigil n’yo na po ang sasakyan sa tabi.”

                Tiningnan uli niya si Ace. Halos mabali na ang leeg nito sa pagkakatingin sa harap ng bintana. Nawala na ang kakambal ng baba nito na nakita niya bago siya umalis papuntang Boston. Pumayat na din ito pero voluptuous pa rin ang pangangatwan. He couldn’t take his eyes of her as he couldn’t stop the car. Hindi niya alam kung dahil masyado siyang nalulungkot at kailangan niya nang kasama, o gusto lang talaga niyang kasama ito.

                “I suggest that we eat first.”

                “Pero---“

                “We’ll be eating or you’ll be loosing your job today.”

                “That’s blackmail!”

                “I know.” Napangiti siya sa reaksyon ng mukha nito. Nanlaki ang butas ng ilong nito. And for the second time, he felt how dangerous a chubby girl could be. Though, she isn’t that chubby anymore.

………………………………………………………………………………………………………………………………………………

My Boss' Kiss (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon