CHAPTER XX

16 1 0
                                    

                Pabiling-biling si Art sa kanyang higaan. Galit na galit siya kay Jed. Nang magsimula ang pagkakaibigan nila ni Ace ay unti-unti niyang natanggap na hindi para sa kanya si Marrae – ang dating kasintahan at ngayon ay kasintahan na ng kapatid. Marrae is his childhood sweetheart. He met her when he was ten. She was still chubby that time. Ito naman ay halos kasing edad lamang ni Jed. Magkaibigan ang pamilya niya at ang pamilya ng dalaga. Unang kita pa lamang niya rito ay ipinangako na niya sa sarili na liligawan niya ito. Noon pa man ay alam na niya na si Jed ang gusto ni Marrae ngunit hindi siya napigilan niyon upang hindi ito ligawan nang magdalaga ito. Nang umalis Jed patungo sa ibang bansa para makipagsapalaran sa larangan ng car racing, sa wakas ay nakuha niya ang atensyon ni Marrae. Hindi naglaon ay naging magkasintahan sila. Gayunpaman ay madalas silang magtalo dahil magkaiba sila ng gustong gawin. Isang dahilan pa ay si Jed lagi ang binabanggit nito kahit silang dalawa ang magkasama.

Nagulat siya kanina sa biglaang pag-uwi ni Jed. Ang alam niya ay isang linggo na lang at ikakasal na ang dalwa. Nagagalit siya na matapos niyang tanggapin ang relasyon ng mga ito ay bigla namang umurong si Jed sa kasal. Subalit mas nagagalit siya sa posibilidad na si Ace ang isa sa dahilan ng biglang pagbabago ng isip ng kapatid.

                “Why are you here?,” Si Art sa kapatid nang makitang sumakay na si Ace sa kotse ni Poy.

                “I came back to get what I left nine months ago.” Humarap ito sa kanya. “No one can stop me.” Halos ilang segundo din silang nagtagisan ng titig ni Jed sa sinabi nito.

Hindi siya papayag na maagawan sa huling pagkakataon. Hindi na niya pagbibigyan si Jed sa puntong iyon. Isa pa ay ayaw niyang maagrabyado si Marrae. Kahit nawala na ang pagtingin niya dito ay mahalaga pa rin ito sa kanya. Kilala niya si Jed. Pareho lang silang hindi napipilit sa hindi nila gustong gawin. Alam niyang hindi napilitan si Jed sa pagpapakasal sa dating kasintahan. Kung bakit ay hindi niya alam. Kung bakit bigla itong nagbago nang isip ay mas lalong hindi niya mawari.

Agad ang pagtungo niya sa opisina ng ama matapos ang engkwentro nila ng nakababatang kapatid. Nais niyang malaman ang totoong nangyari. Nang malaman niyang magpapakasal na sina Jed at Marrae, ni hindi niya inalam kung paano iyon nangyari dahil nasasaktan pa siya nang mga panahong iyon. Ngayon ay handa na siya para doon. Sa ayaw at sa gutso ni Jed ay matutuloy ang kasal nito kay Marrae. He would never let his woman to end up with his brother for the second time.

                Sa pagkakaintindi niya sa sinabi ng ama kanina, ang hinala ng kapatid ay siya ang ama ng ipinagbubuntis ng nobya. Pumasok sa isip niya na minsang nahuli siya nito na lumabas sa silid ni Marrae isang umaga. Iyon ay nung mga panahong dumalo siya ng seminar sa Boston. Wala siyang kaalam-alam nang mga panahong iyon na may namamagitan sa dalawa. Sa pag-aakalang walang katipan ang dalaga ay pumunta siya sa pad nito nang huling araw ng seminar. Nais niyang hilingin dito na pagbigyan muli siyang manuyo.  Naabutan niyang umiinom si Marrae sa kwarto at lasing na lasing na. Inasikaso niya ang dalaga hanggang bumuti ang pakiramdam. Alas singko na nang madaling araw nang umayos ang paghinga nito tanda ng mahimbing na pagtulog. Ang paglabas niya sa pinto ng kwarto ni Marrae upang umalis ay ang pagpasok sana ni Jed roon.

                “She’s already asleep,” aniya. “May alam ka bang problema ni Marrae?” Tanong pa niya sa kapatid.

                Walang ekspresyon ang mukha nito ng sumagot. “No, I don’t know anything yet.” Ngunit napansin niya ang pagkuyom ng mga kamay nito.

                “’Umuwi ka na, Jed. Kung may kailangan ka kay Marrae ay mamaya mo na lang ikonsulta. Napagod siya kagabi sa pag---“

                “Oh, I bet!” Si Jed at dire-diretsong lumabas ng pad. Bahagya pa nitong nabunggo ang balikat niya.

                Ang tunog ng kanyang telepono ang nagpabalik sa huwisyo niya. Dinampot niya iyon at tamad na sinagot. “H-hello.”

                “Art, hijo. Miss mo na ba ang mama mo, ha?” Ang malambing na tinig ni Aurora, ang kanyang ina. Mahigit isang taon na nang bumalik ito sa Pilipinas upang sa resort na tuluyang manirahan. Kasama nito ang matandang Amerikano na ayon dito ay halos tatlong taon nang kasintahan. Mukhang kaunting oras na lang ay mamamatay na ang lalaki.

                “’Ma, may problema ba?” Kabisado na niya ang ugali ng matandang babae. Naglalambing ito pag may kailangan. Isang beses sa isang buwan lang niya ito dalawin. Pupusta siyang mas madalas pa itong tawagan ni Jed kaysa sa kanya.

                “Bakit ba naman ganyan ang tanong mong bata ka? Hindi naman laging ganoon. Nami-miss ko na kayo ng mga kapatid mo. Matagal akong nawala pagkatapos pagbalik ko ay nakalimutan na ninyo ako. Kung hindi dahil sa babaerong si Artemio ay – “ Bumuntong-hininga ito. “Ayaw mo bang bisitahin ang mama mo? Nung isang buwan ka pa huling nagpunta dito sa resort samantalang ang mga kapatid mo ay linggo-linggo kung tumawag sa akin. Be a good boy and give your mother a visit. May bisita tayong kailangan ng presensya mo.” Sinasabi na nga ba niya at may rason ito sa pagtawag.

                “Sure, ‘Ma.” How can he turn down the old lady’s request?

              Tuwang-tuwang nagpaalam na ito sa kanya. Ni hindi niya naitanong kung sino ang bisitang kailangan niyang pakiharapan.

………………………………………………………………………………………………………………………

My Boss' Kiss (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon