CHAPTER XXI

16 1 0
                                    

                Ace is running in a garden full with yellow bells and tulips. Ang puti niyang damit ay bumabagay sa tahimik na paligid. Ang tanging marirnig ay huni ng mga ibon sa paligid at ang paghampas ng hangin sa mga sanga ng punong mangga. Patuloy sa pagtakbo ang dalaga nang may marinig na ugong ng sasakyang paparating.

                Nakita niyang pumarada ang isang Pajero apat metro mula sa kanya. Umibis doon ang isang matangkad na lalaki at nakangiting lumapit sa kanya. Habang lumalapit ang binata ay nakatingin lamang siya. Tila ayaw kumilos ng buo niyang katawan.

                “I think I loss my way.” Anito nang makalapit. Sinalubong niya ang tingin nito at nakipagtitigan dito. Ang masaya nitong mukha ay lalo pang nagkakakulay nang pagmasdan pa siyang lalo. Parang nabibighaning hinawakan nito ang kanyang pisngi. Dahan-dahang inilapit nito ang sariling mukha sa kanyang mukhang nagni-ningning sa sikat ng araw.

                Naantala ang paglalapat ng kanilang mga labi nang bigla na lamang bumuhos ang ulan. Sa halip na itago ang mukha sa ulan ay nakatingalang sinalubong ni Ace iyon. Humahangang pinagmasdam siya ng lalaki. Nagtatakang hindi nasisira ng ulan ang makinis niyang kutis. Muli ay dumako ang kamay nito sa kanyang pisngi upang haplusin iyon. Hindi nagtagal ay tuluyan nang naglapat ang kanilang mga labi.

                “Find a way to his heart. Pamp’s Facial Cream. Pamper your face as you find your way to your man’s heart.” Tuwang-tuwa ang nagsasalita habang kinikilig. “Perfect! Cut!”

                Umugong ang malakas na palakpakan sa pagtatapos ng huling eksena nila ni Art. Ang magkahinang nilang mga labi ay napilitang maghiwalay. Hindi magkamayaw ang mga tao sa pagkamay sa kanila. Natigil lamang iyon ng lumapit si Mr. Lacson. Nagbigay kasi ng daan ang mga staff at crew ng production para mabati sila ng kliyente.

                “Congratulations! You never failed to show that spark. Hindi ako nagkamali sa inyong dalawa.” Anang matanda at kinamayn silang dalawa. “Mr. Oliveroz mukhang namana mo kay Aurora ang galing niya sa pag-arte.”

                Ngiti lang ang itinugon doon ng binata. Bago magpakasal ay artista sa teatro ang ina niya. Nakapagpalabas na ito sa iba’t-ibang teatro sa London bago nagretiro dahil sa pag-aasawa. Noong bata siya ay madalas ikwento ng ina ang mga naging karanasan bilang sikat na artista at mang-aawit sa ibang bansa. Si Jed lang ang madalas natutuwa sa mga kwentong iyon. Siya ay madalas na napipilitan lamang. Hindi niya akalain na may namana pala siyang talento sa ina.

                Ang sumunod na lumapit ay ang director. “Sigurado akong magiging patok ang patalastas na ito. Maswerte si Mr. Lacson at nakumbinsi ka niya, Mr. Oliveroz. Namana mo sa iyong ina ang galing mo sa pag-arte.” Sa kanya naman ito bumaling. “Hindi naman nagpahuli si Ms. Macalintang sa pag-arte. Dahil sa husay ninyo ay isang party ang ipinahanda ni Mr. Lacson para sa buong produksyon. Inaasahan naming kayong dalawa roon.”

Tango lang ang isinagot ni Art samantalang si Ace ay hindi alam ang isasagot. Nang magpaalam na ang director ay hinarap siya ni Art.

“’Wag mong ipagkait sa akin ang first dance ko, Ace.” Iyon lang at likod na nito ang nakita niya. Nagtataka man ay napatingin na lamang siya sa likod nitong unti-unting lumiliit sa paningin niya.

“Hoy!” anang boses sa likuran niya. Sa halip na magulat ay nairita siya roon dahil tili iyon at hindi panggulat na sigaw. “Bitin ka na naman sa kissing n’yo, ano?” Dagdag nito na may pagkurot pa sa tagiliran niya.

“Yeah, right.” Walang ganang tugon niya. Bukod sa nawala ang tuhod niya sa eksena nila ni Art kanina ay mukhang pagod talaga siya.

“Uyyy, umaamin ka na ngayong bruha ka. Magpakipot ka naman ng konti.”

“Sa susunod na. Gusto kong lumantad ngayon.” Sinakyan na niya ang baklita para tigilan siya. Lumakad na siya palabas ng lugar na iyon. Hindi niya alam na humabol pala si Poying.

“Talaga? Lalantad ka na? Tara habulin natin!” Hinila siya nito kaya patakbo siyang napasunod dito. Nangmalapit na sa mga hanay ng sasakyan ay tila may kinawayan ito.

“Dali! Dali!” Sigaw pa ni Poying.

Nang lumingon siya ay laking gulat niya na si Art pala ang kinakawayan ng kaibigan. Nagtataka ang mukha nito pero mukhang papalapit na ito sa kanilang dalwa. Kumawala siya sa hawak ni Poy para lumihis ng daraanan pero hindi siya nito pinayagan. Parang piyesta ng mga daga at kabayo kung kumabog ang puso niya. Ngumiti si Art nang makalapit sa kanilang dalawa.

“Is there a problem, Mr. Camandag?” Swabe ngunit nagpakaba pang lalo sa puso niya.

“Sir!” Pumapalakpak ito at mejo tumalon pa yata. “Si Ace may sasabihin.”

“Ha?!” Doon siya natauhan. Napatingin siya sa kaibigan pagkatpos ay kay Art.

“Yes?” Si Art. Lalo pa siyang tinitigan.

“A-ano… W-wala.” Kung maluwag ang garter ng suot niyang panty ay baka nahulog na iyon sa panginginig ng katawan niya.

“Akala ko ilalantad mo na ang buo mong pag-ibig, Ace?!” Nakialam ang bading.

“Really?” Amused na sabi ni Art. Hinawakan nito ang kamay niya at lumingon sa paligid. “This is not the right place to do it. Treat me to dinner. There you can confess how much you love me” Kumindat pa ito sa kanya.

“Ay! Winner!” Sigaw ng kaibigan niya na halos hindi na niya maintindihan. Hindi din niya namalayan na sumasakay na pala siya sa kotse ni Art.

……………………………………………………………………………………………………………………………………………..

My Boss' Kiss (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon