CHAPTER XXIII

15 1 0
                                    

Ang maingay na musika sa paligid ay hindi naging hadlang sa tugmang puso ni Art at Ace. Kapuwa nakaupo lang ang dalawa habang halos lahat ay nagsasayaw sa dance floor. Ang gabing iyon ay hindi lang naging selebrasyon ng matagumpay na commercial shoot nilang dalawa, selebrasyon din iyon ng puso nilang ngayon ay halos iisa na.

                “I smell something, something!” Si Biboy na hindi nila namalayang lumapit sa kanila mula sa dance floor.

                “Hindi ko naman sasabihing fishy kasi parang sweet” Si Shiela na nakabalik na rin sa upuan nito.

                “Parang Candy Crash! Uhm, you’re crashing my heart!” Humihingal ngunit patili si Poying.

                “Babe, may bago!” Pumitik pa si James sa ere. Parang may umilaw pa na bumbilya sa gilid ng ulo n’ya.

                “Oo nga, oo nga!” Tango ng tango si Shiela habang sinasabi ‘yun. Mukha s’yang lucky charm na inilalagay sa sasakyan. ‘Yung ulo n’ya sunod-sunod ang tango.

                Taas kilay muna si Poying at baklang-baklang sinabi na: “Bagong lovers ba ‘yan?!”

                “Hindi, Babe! Bagong laro sa App Store. ‘Yung Jelly Burst.” Si James.

                “Ano ba ‘yan?! Anong connect?” Si Shiela.

                “E, anong tinatango-tango mo kanina e magkaiba pala tayo ng iniisip?!” Pinandilatan ni James ng mata si Shiela.

                Natawa na lang ako. Alam ko na hinihintay ng tatlo ang pag-amin ko sa kanila. Tiningnan ko muna si Art. Ang bahagya n’yang pagtango ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob na magsalita.

                “Okay, tama na ‘yan guys. Oo na, may bago nga.” Hindi muna ako nagsalita dahil hinihintay ko ang reaction nila. Nakatingin sila lahat sa akin.

                Nung hindi na ako nagsalita nagtinginan silang tatlo at sabay sabay na nagsalita.

                “Ano?!”

                “Knock, knock…” Biglang singit ni Art.

                “Who’s there?!” Bibong sagot ni Poying.

                “We’re official----“ Si Art.

                “We’re official who?!” Kulang na lang magtitili ang tatlo habang sabay-sabay nilang sinabi ‘yun. Magkakahawak-kamay pa silang tatlo. Maihahalintulad sila sa tatlong contestant sa beauty pageant kung saan ia-announce na ang second runner-up.

                “Ace and I are already together…officially!”

                Nagsimula nang magtitili ang tatlo. Talon pa sila ng talon.

          “Teka, teka…” Pinipigilan ni Art ang tatlo. Agad naming umayos ang mga ito sa pag-aakalang napipikon si Art sa mga pinag-gagagawa nila.

                “Hindi n’yo pa binubuksan ‘yung pinto.”

                Toinkz. Mas bagay kay Art ang seryoso kesa clown. Nung nagsabog yata ng humor ang diyos, mahimbing na mahimbing ang tulog ni Art.

My Boss' Kiss (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon