CHAPTER XIII

20 1 0
                                    

“So, anong iniisip mo kanina habang tumatawid ka ng kalsada?”

                Tiningnan ni Ace ang lalaking maganang kumakain sa harap niya. Hindi pa ‘ata ito kumakain buong araw. Medyo ngumunguya pa ito nang tanungin siya. There’s still pain in his eyes pero hindi na kagaya kanina. If it isn’t because of those sad eyes she will never go with him on this restaurant. Natatakot siya sa nararamdaman niya tuwing kasama ito. Pagdikit pa lang ng init ng balat ni Art sa balat niya tuwing tatawirin nito ang kaunting distansya sa pagitan nila, nawawala na siya sa sarili. And those sad eyes made her want to ease his pain sa hindi niya malamang dahilan. Kaya hangga’t maaari ay ayaw niyang salubungin ang tingin nito. Nalulunod siya sa kakaibang pakiramdam ng titig at presensiya ng boss niya. Kailan nga ba niya huling naramdaman ang ganoon? O mas tamang sabihin na naramdaman na ba niya ang ganoon noon?

                “Galit ka pa rin sa akin, Miss Macalintang?” Sinalubong nito ang tingin niya. Siya naman ang umiwas ng tingin at nagpatuloy sa pagkain.

                “Bakit mo naman nasabi ‘yan?”

                “Parang ayaw mo kasi akong kausapin.” Hindi na ito kumain pa. Tinitigan na lang siya na parang masarap na ulam.

                “H-hindi naman. ‘Wag mo kasi akong titigan ng ganyan, Sir. Parang sinisipa ng sampung kabayo ang dibdib ko.”

                Malakas namang tumawa ang lalaki. His gloomy eyes suddenly sparkled. Mukhang noon lamang uli ito tumawa nang ganoon pagkatapos ng mahabang panahon. Kung nung una ay sampung kabayo lang ang sumisipa sa dibdib niya, nang tumawa ito ay sumipa na rin pati ang baka sa beef steak na kinakain niya. Wala sa oras na napainom tuloy siya ng tubig.

                “Thank you, Ace. It’s been a long time since I had that laughter,” maya-maya’y sabi nito.

                “A-ace?”

                “Hindi ba’t ‘Ace’ ang tawag sa iyo ng mga kaibigan mo sa opisina?”

                “K-kaibigan?”

                “Yes. After that laughter, I found a new friend. I hope you don’t mind.” Ngumiti pa ito. Para tuloy ayaw na niyang kainin ang dessert na in-order nito. Sapat na sa kanya ang ngiting iyon para patamisin ang araw niyang walang lasa. At kelan pa ako nagandahan sa ngiti ng boss kong masungit?

                Ngayon. Sagot ng puso niya habang nagchi-cheer ng mga kabayong walang-humpay na pumapadyak doon.

………………………………………………………………………………………………………………………

My Boss' Kiss (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon