CHAPTER XVII

18 1 0
                                    

                Nagpalakpakan ang mga tao sa conference room nang matapos ang skit. Tumayo pa ang mga kliyente para bigyan sila ng isang outstanding na marka.

                “That’s good. Acting really runs to your blood, Mr. Oliveroz.” Kinamayan pa sila ni Mr. Lacson. Kitang-kita sa mukha nito ang salitang ‘satisfied’. “I think that commercial would make a noise.”

                “Thank you po,” ani Ace sa matanda.

                “But..” Pinaglipat-lipat ni Mr. Lacson ang tingin sa kanilang dalwa. “I think no other actors can do what you did a while ago. The spark, as what they call it, would be different on other couples.”

                “W-what do you mean by that, Sir?” Kinakabahan siya sa kislap ng mga mata ng matanda. Parang alam na niya ang nais nitong iparating.

                “I will give you the account but you should do the commercial yourselves.”

                Tumahimik ang buong kwarto sa sinabi nito. Ang tanging naririnig lang niya ay ang kalabog sa kanyang dibdib. Si Art ang unang nakabawi sa sinabi ng kliyente. Tumikhim muna ito bago nagsalita.

                “It’s fine with me. I will never fail a client like you, Mr. Lacson.”

                “I’m glad, Mr. Oliveroz. How about this young lady?” Tumingin ang matanda sa kanya.

                “O-of course, Sir. I will do it for you.”

                “Good. Hindi ako nagkamali sa pagpili ng agency ninyo. The account is now yours.”

                Nagpalakpakan ang lahat ng tao sa conference room. Pati puso niya ay parang pumapalakpak din dahil sa lakas ng kabog niyon. Kinamayan siya ng mga kliyente at mga katrabaho bago lumabas ng conference room. Nanunukso ang tingin ni Poying at ni Shiela sa kanya. Tinapik naman ni Biboy ang balikat niya.

                “Ano? Mukhang nanghihinayang ka na hindi natuloy ang kissing scene, ah.” Si biboy na bumulong lang sa kanya pero rinig naman ng dalwa pa nilang kaibigan. Ang kissing scene na tinutukoy nito ay ang skit kanina. Kung nung rehearsal ay hinalikan siya ni Art, kanina sa harap ng mga kliyente at kaopisina ay pinitol nila ang pag-arte bago maglapat ang kanilang mga labi.

                “Anong hindi natuloy?  Kani –“

                Bago pa maituloy ni Poying ang sasabihin ay nakurot na niya ang tagiliran nito. Nagtitili ang bakla. Mabuti na lang at lima na lang silang natira sa conference room. Natigil ito sa pag-iingay nang lumapit sa kanila si Art.

                “I hope the deal is really okay with you, Ace. I’ll be giving you a bonus.”

                “That’s okay, Sir. There’s no need to give me an extra. An Italian lunch for five is enough for me” Aniya rito.

                “Good. See you on lunch time, guys.” Kumaway pa ito sa kanya bago tumalikod.

                “’’Di ba ang lakas ni Ace kay Sir Art? Kung hangin, parang ipu-ipo lang!” ani Shiela an nakatingin sa magdyowa.

                “Nadadala ako ng hangin. Help me, Babes!” Si poying na hindi naman mukhang pinapalad ng malakas na hangin. Mas mukha pa itong inaatake sa puso.

                Nagtawanan ang tatlo. Matapos kurutin ni Biboy ang kasintahan ay humarap ito sa kanya. “Close na talaga kayo ni Sir Art, ano?”

                “Hindi. Open na open kami.” Asar na sagot niya.

                “Open mag-kiss sa harap ko.” Pagkatapos ay malakas tumawa si Poying. Naisahan siya nito. Nabuko na siya ni Shiela at Biboy. Nanunukso na naman ang tingin ng tatlo.

                “Nag-kiss kayo?”

                “Kailan? Share naman. Kayo na?”

                “Tigilan n’yo ako. Nagre-rehearse lang kami kanina.” Dinuro pa niya ang mga ito.

                “O, e, bakit hindi namin nakita sa live performance ang kissing scene?” Pinalibutan na siya ng tatlo.

                “Hindi ko rin alam kay Sir Art.” Nagkibit siya ng balikat at tinalikuran ang mga ito. Umakto siyang lalabas na para hindi makita ang kanyang pamumula. Tuwing maiisip niya ang mga halik ni Art ay para siyang inaatake ng allergy sa sobrang pula.

                “Bakit namumula ka?”

“Bakit parang gusto mo ulit ng kiss?”

“Bakit parang inlove ka na?”

Kaya?

………………………………………………………………………………………………………………………

My Boss' Kiss (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon