CHAPTER VII

26 1 0
                                    

“I don’t like it, but maybe it would be okay”

“Ang alin, Sir?”

He was about to speak when his secretary open the door and told him there is a call waiting to be answered. The poor charming chubby Ace has no choice but to go out of his office. Maybe she thought he wasn’t like her voice.

                “Bakit ka ipinatawag ng masungit na si Adan sa kanyang kweba, Ace?”

                Matinis na boses ni Poying ang sumalubong sa kanya pagkalabas na pagkalabas niya sa opisina ni Sir Art.

                “Ipinakanta n’ya sa akin ‘yung Kiss Me dahil hindi daw n’ya alam ‘yun.”

                “Ay, winnie the pooh ka! Ginawa ka n’yang stereo, ‘Day!” Humalakhak pa ito pagkatapos sabihin iyon. “O, e ano namang say ni Sir Art matapos ka n’yang gawing Stereo Queen?”

                “Bigla n’ya akong pinalabas ng opisina n’ya, Sir Poy!” Nagngingit-ngit na sumbong niya dito.

                “Ay, natsugi ang Stereo Queen!”

                “Sir, naman, e!” Nagmamaktol na tinungo niya ang cubicle matapos niyang talikuran ito.

Friendly naman si Poying kahit mas nakakataas ito sa kanya ng posisyon sa opisina. Isa pa, siya ang paborito nitong alagad. Madalas ay sila ang magkasamang gumimik sa bar kapag nakakatakas siya kay James.

Buwisit na James ‘yan! Anang isip niya.

Nang makarating sa cubicle ay sinimulang niyang gawin ang presentation na ipepresinta nila bukas sa mga kliyente bago pa tuluyang masira ang araw niya sa pagkaalala sa taksil na nobyo. Iyon ang presentation na naging dahilan kaya naging Stereo Queen siya  sa kweba ng masungit na Adan ng Oliveros & Big Ideas Advertising. Adan, dahil ito lang ang masasabing tunay na lalaki. Halos lahat sa departamento nila ay berde ang dugo tulad ni Poying.

“’Day, ready na ba ang bala natin bukas?” Poying is referring to the story plot of the commercial they are going to present.

“Sir, ginagawa ko na. Baka naman puede na pakiutusan iyong isang personnel na magdownload ng Kiss Me sa net. Baka mapahiya na naman ako pag pinakanta uli ako ni Sir Art bukas habang nagpapaliwanag sa mga kliyente .”

“Nagawa ko na ‘yan. I’m wondering why he asked you to sing it. I’ve attached a cd containing that song when I submitted the proposal”

“He said I should sing it because he thinks it doesn’t fit the story plot.”

Bigla na lang humalakhak si Poying. “Inaakusahan ako ng Adan n’yo na hindi ko alam ang ginagawa ko. He’s thinking I wasn’t able to understand either the lyrics of the song or the story plot itself.”

“So, what’s new?”

                “I’m wondering why he’s always against me.”

                “He likes you.”

                Gulat na napatingin siya sa kausap. He continued. “He likes to tease you because you’re guillable.” Bumunghalit na naman ito ng tawa. Lumabas tuloy ang malagong na boses ng tunay na lalaki. “Akala mo ha.”

                “’Kainis ka, Sir Poy!”

“O sige, etcha pwera na ang pagiging Stereo Queen mo. Pag-usapan na lang natin ang problema mo,” ani Poying sa kanya. Sumeryoso na ito.

“Sir, puede mamaya na ‘yan? Masisira ang mood ko, eh.”

“Inom tayo mamaya?”

“Hindi puede, Sir. Diet ako.”

“Ay! Bahala ka nga.” Iyon lang at iniwan na siya nito.

My Boss' Kiss (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon