CHAPTER XI

24 1 0
                                    

Lumipas ang halos pitong buwan mula nang dalhin si Ace sa ospital dahil sa sobrang pagod at panghihina. Tiningan niya ang sariling repleksyon sa salamin. Napakalaki na ng inihulog ng kanyang katawan. Bumalik na rin sa wakas ang dating hubog at sukat niyon. Matapos muling pasadahan ang sarili sa salamin, lumabas na siya ng kwarto upang magtungo sa gym. Doon na niya ipinagpapatuloy ang kanyang pag-eehersisyo kasama ang kanyang Kuya Gin. Hindi na niya muling nakita pa si Jed mula nang isinugod siya nito sa ospital kaya parang tinamad na din siyang mag-jogging sa circle. Mabuti na lang at nagmagandang loob ang pinsan niya na i-enroll at samahan siya sa isang gym malapit sa bahay nila.

                Paglabas niya ng kwarto ay sinalubong siya ng maingay na tugtog mula sa taas ng bahay.  Nagpapatugtog na naman ang magaling niyang kapatid. Isang buwan na itong nakatira kasama niya dahil nagsimula na itong magkolehiyo. Naiinis na umakyat siya para pagsabihan ito.

                “Gabe, ano ba?! Ang ingay ng tugtog mo. Patayin mo nga ‘yan at nakukulili ang tainga ko.”

                “Ate ‘yang bunganga mo nga, e, mas malakas pa sa mp3 player ng cellphone ko,” sagot nito pagkatapos i-off ang player.

                “Aba’t sasagot ka – “

                “’Wag kayong mag-away dito sa taas,” saway ng tiyahin niya na noon lang nagising sa pagkaka-idlip samantalang kanina pa nag-iingay ang cellphone ni Gabe. “Humayo kayo sa baba at doon kayo magsabunutan. Tahimik lang ha. Kamay lang ang gagalaw hindi bibig”

                “Kita mo, ate. Ebidensya ‘yan na mas malakas ang bunganga mo kaysa dito sa player ko.” Ngingisi-ngisi sa pamimilosopo ang kapatid niya.

                “Ewan ko sa’yo. Maldita ka. Hindi kita bibigyan ng allowance.” Tinalikuran na niya ang kapatid para pumunta sa gym.

                “Ate, ang bait-bait mo. Love na love kita kasi ang tahi-tahimik mo. Ay lab yu, ate! Da best ka! Wuuu!” Hinabol pa siya ng kapatid hanggang sa gitna ng hagdanan. Napapailing na lumabas na lang siya ng bahay.

                Siya ang panganay sa apat na magkakapatid. Nakaatang sa kanya ang responsibilidad na paaralin ang mga kapatid pagkatapos ng kolehiyo. Seaman ang tatay niya. Hindi na ito maaari pang sumakay sa barko. Bago siya matapos sa kolehiyo ay nagsisimula na silang magtipid dahil ayaw nang pasakayin ng kumpanya ang tatay nila. Matanda na ito para sa mga trabaho sa barko. Mabuti na lamang at matalino ang nanay nila. Nakatapos ito ng kursong Accounting kaya magaling itong humawak ng pera. Kahit paano ay may naipundar silang maliit na grocery sa Quezon. Sa pamamahala na ng grocery nakatuon ang pansin ng mga magulang niya kaya todo kayod siya para matulungan ang mga kapatid na makatapos sa pag-aaral.

                Aeronautical Engineering ang kursong kinukuha ni Gabe. Bata pa lang ay iyon na ang gusto nito kaya sinuportahan na nila. Medyo mahal tustusan ang kursong iyon kaya tumutulong din ang tiya niya sa mga gastusin ng iba pa niyang kapatid. Matandang dalaga ang kanyang tiyahin kaya silang mga pamangkin ang nakikinabang sa sahod nito. Assisstant chef ito sa isang five star hotel kaya sobra-sobra para sa sarili ang kinikita.

                Nagulat si Ace nang isang malakas na busina ang kanyang narinig. Napatalon pa nga yata siya. Hindi niya namalayan na may sasakyan na paparating habang tumatawid siya sa kalsada papuntang gym. Isang itim na ford ang tumigil sa harapan niya. Bumaba ang driver niyon at halatang mainit ang ulo dahil sa nangyari. Nang tingnan niya ito ay napakuot ang noo niya. Ganun din ang reaksyon ng lalaki.

                Matangkad ang lalaki. Mapusyaw ang kulay nito na bumagay sa tsinitong mga mata na nang mga sandaling iyon ay lalong naningkit sa galit. Ang mapupulang labi nito ay pamilyar hindi dahil kamukha nito so Jang Geon-Suk kundi dahil kilala niya ang lalaki. Halos tatlong buwan niya itong hindi nakita sa opisina nila dahil um-attend ito ng business conference sa Boston. Dumating na pala si Adan.

                “Miss Macalintang, wala ka sa sarili mo.” Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang braso niya. Ang paglapat ng balat nito sa kanyang mga balat ay nakapagbigay ng bolta-boltaheng kuryente sa kanyang sistema. Iyon ang unang bese na nagdaiti ang mga balat nila. Pupusta siya na lampas isang dosena ang paru-parong lumilipad sa kanyang sikmura. Sa pagkakalapit ng kanilang mga katawan ay napansin niyang amoy alak ang lalaki.

                Ano na bang oras? Ang aga namang uminom nito.

                “S-sir Art. Hehe!” Medyo nakangiwi pa siya ng sinalubong ang tingin nito. “Mukhang ang aga n’yong nag-happy-happy. Maaga pala kayo kung uminom?”

                Dumilim lalo ang mukha nito at humigpit ang pagkakahawak sa braso niya. Napangiwit siya sa sakit niyon. Kung nagsasalita lang siguro ang mga mata nito, sinabihan na siya na wala siyang pakialam. May bumusinang sasakyan sa likod nila kaya napilitan itong bitiwan siya.

                “Hoy! ‘Wag kayo ditong maglampungan ng syota mo!” Inis na sabi ng driver ng sasakyan sa likod nila. Akala siguro nito ay magkasintahan sila na naglalambingan sa gitna ng kalsada dahil hawak siya ni Art sa braso nang dumating ito.

                “Mind your own business!” Pasigaw na ganti ni Art habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Nagulat pa siya nang hapitin nito ang baywang niya at halikan siya ng marubdob. Tumagal lang iyon ng tatlong segundo dahil hindi lang mga paru-paro sa sikmura niya ang mabilis na lumipad. Kasabay niyon ay mabilis ding lumipad ang bulong-bulungan at busina ng sasakyan sa paligid.

                “Ang laswa n’yo!”

                “Hindi na kayo nahiya!”

                “Hindi ba at pamangkin ni Lilia ‘yung babae?”

                Halos hindi niya maintindihan ang mga sinasabi ng tao sa paligid dahil sa epekto ng halik ni Art. Para siyang namatanda. Hindi lang paru-paro ang nasa katawan niya. Meron na ding sampung daga at hindi mabilang na sipa ng kabayo sa dibdib niya. Hinahalikan naman siya ni James dati pero hindi ganito ang epekto sa kanya. Parang nawala siya sa kanyang sarili. Hindi na din yata niya matandaan ang pangalan niya.

                Sino nga ba ako?

                “Annie Claire Macalintang, let’s go. Mukhang kilala ka pa ng mga tao dito.” Hinila siya ni Art habang natatawa ito sa alin man sa dalwang dahilan: sa reaksyon niya o sa mga sinasabi ng mga tao sa paligid. Nang makapasok sila sa sasakyan, pinaharurot nito iyon pagkatapos ay humalakhak ito na parang nababaliw. Siguro nga ay nakakabaliw ang halik na naganap sa pagitan nila kanina.

                “Okay din pala na mangtrip paminsan-minsan. Have you seen their faces?”

                Trip? Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nito. Oo nga pala! Wala naman talagang dahilan kaya hinalikan siya nito kanina. Basta ang natatandaan lang niya ay tinutulungan siya nitong makatabi sa kalsada kanina nang may magalit na driver dahil sa kabagalan niyang kumilos. Marahil ay epekto din ng alak na nainom nito. Sa naisip ay naigising siya sa kabaliwan dulot ng halik ni Art. Tumingin siya sa lalaki. Naiinis na ipinukpok niya ang kamao sa dashboard ng sasakyan.

                “Bakit mo ako hinalikan?!”

                “Whoah! Isn’t that too late for a reaction?” Tumingin pa ito sa kanya na parang gulat na gulat. “Wala ka yata talaga sa sarili mo. Anyway, if you’re offended, I’m sorry. Napagkatuwaan ko lang naman ‘yung driver kanina. I hate it when people misjudge me and misunderstand what I am doing.” Umiiling-iling pa ito.

                “I’m tired of people who cannot understand me well. Since pagod na ako, tinotoo ko na ang PDA na sinasabi nung lalaki kanina. Nakakatuwa din pala minsan na gawin ang mga bagay na akala nila ginagawa mo.” Bumuga ito ng hangin na tumama sa medyo mahabang bangs nito. Tinitigan niya ang ‘The High and Mighty Arthuro Oliveroz’. How can she not notice that behind his perfect and handsome face, there is pain hiding in his eyes.

……………………………………………………………………………………………………………………

My Boss' Kiss (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon