CHAPTER IV

32 1 0
                                    

“Ayyyy!!!” Tili ni Poying nang makita siyang pumapasok sa kanilang department. Kahit ito ang namumuno sa kanilang grupo, isa ito sa malalapit niyang kaibigan sa opisina. “What happened sa tsinitang mata mo,  Mama?! Parang lalong lumiit. Kaloka, ‘Day!”

                “Good morning, Sir Poy, “ bati niya dito. Wala siyang balak sagutin ang tanong nito dahil baka ma-badtrip lamang siya sa opisina. Hindi puede iyon dahil tiyak na masisira ang trabaho niya.

                “So, talagang in-snab mo ang tanong kong bruha ka? Sige na, fly na kay masungit na Adan dahil kanina ka pa niya hinihintay doon sa kanyang kweba.”

                Poying is referring to their boss, Arthur Oliveroz. Rough, rude, but with a single H. Handsome. Everyone in the office including Poying had a crush on him, well, except her. Pintasero kasi ito. Since she’s the scriptwriter, she’s always the criticized one. Isa pa, si James lang ang ikino-consider niyang lalaki sa buhay niya.

                Noon ‘yon!

                She’s working in Oliveroz & Big Ideas Advertising for more than a year. It is just a small company but it is starting to create name on advertising because of their unique story plot on commercials. Thanks to her.

                When she first saw Arthur Oliveroz, she knew he’s handsome. Naglaho lang iyon nang sungitan siya nito sa unang araw ng trabaho niya. Tama ba naming unang araw palang ng trabaho niya ay bigyan siya nito ng over time work para mag-ayos ng script ng pinalitan niyang scriptwriter. Sinabi pa nitong hindi daw porke bago siya ay magiging rason iyon sa hindi magandang pag-ayos ng script.

                That started the silent war between them. She doesn’t know if it was really a war. ‘Sir Arthur the Adam’ is seated to criticize her story plot, her script and her ideas. But maybe, it helped her improve her masterpieces. Siguro nga ay maganda ang tandem nila. Iyon nga lang,  hindi talaga sila masyadong magkasundo. Ang tingin nito sa kanya ay atrabida. Ang tingin naman niya dito ay kontrabida. Subalit alam niyang alam nito na malaki ang naitulong niya sa kompanya. He was a master of criticism, but he has a heart full of appreciations.

My Boss' Kiss (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon