CHAPTER XVI

19 1 0
                                    

Hindi makatingin ng diretso si Ace kay Art habang pina-practice nila ang gagawin. Para siyang masamang tao na ayaw tumingin sa ginawan niya ng krimen. Ang lalaki naman ay ngingisi-ngisi lang. Napakalaki ng ipinagbago ng boss niya mula noong kumain sila ng hapunan magda-dalwang buwan na ang nakalipas. Kung dati ay ni hindi man lang siya nito tapunan ng tingin kapag binabati niya ito sa opisina tanda ng paggalang, ngayon ay ito pa ang unang ngumungiti sa kanya. Mga ngiting tumutunaw sa kanyang mga tuhod.

                “Are you ready? Pareho naman nating kabisado ang script mo. I think it wouldn’t be a problem.” Sinimulan na nitong basahin ang script. Inilapit nito ang mukha sa mukha niya dahil kasama iyon sa linya. Ngunit habang lumalapit ito ay lumalayo naman siya.

                “A-ah, e...” Ngayon niya pinagsisisihan ang paglalagay ng intimate scene sa script na iyon. Siya tuloy ngayon ang nahihirapan.

                “I think this would be the problem,” anito na ang tinutukoy ay ang pag-iwas niya ng tingin dito at ang pagkailang niya sa pagkakalapit ng kanilang mga mukha. “You should be at ease with me, Ace. Ikaw ang gumawa ng script na ito. Comm’on. We have to convince the clients. Let’s break a leg.”

                Baka break a knee. Nanghihina na ang mga tuhod ko!

                Unti-unti siyang nag-angat ng mukha upang salubungin ang tingin nito. Nagtama ang mga mata nila. Hinaplos nito ang kanyang pisngi tanda ng paghanga sa makinis niyang kutis. Iyon ang resulta ng bagong facial wash ni Mr. Lacson. Lalong nawawalan ng lakas ang mga tuhod niya habang papalapit nang papalapit ang mukha ni Art sa mukha niya. Ang paghawak ni Art sa kanyang baywang ay nakatulong upang hindi siya tuluyang mapaupo sa sahig dahil sa epekto ng lalak. Gahibla na lang ang lapit ng mga labi nila sa isa’t-isa nang biglang bumukas ng pinto.

                “Ready na ba?” Pinaglipat-lipat ng istorbong baklita ang tingin sa kanilang dalawa. Inulit pa nito. “Ready na?”

                “Oo, Sir Poy. Reding-redi na.” Nanggigigil na sagot niya. Hindi niya maintindihan kung bakit parang nanghinayang siya na hindi natuloy ang halik na iyon. Kumalas siya sa mga bisg ni Art at nauna nang naglakad para pumasok sa conference room. Nagbigay naman ng daan si Poy sa kanya. Bubuksan na lamang niya ang pinto nang biglang may humila sa kanya.

                Nanlaki ang mga mata niya nang kabigin siya ni Art pabalik dito at halikan sa mga labi. Napasinghap naman si Poying sa nakita. Mabuti na lamang at ito lang ang tao roon maliban sa kanila ng kanyang mapagsamantalang boss.

                Gusto mo naman. Bulong ng utak niya.

                Nakanganga pa siya ng bitiwan ni Art ang kanyang mga labi.

                “Mukhang naasar ka din dahil hindi natuloy iyan kanina. Part din pala ng rehearsal natin ‘yan.” Ngumiti pa si Art nang bitiwan siya at saka dire-diretsong pumasok sa conference room.

                “’Yung bibig mo baka pasukan ng langaw,” si Poy bago tinapik ang baba niya para sumara ang kanyang bibig. “Hoy! Mamaya ka na managinip tapos na ang five minutes.” Hinila pa siya ng kaibigan para ipasok sa kwarto kung saan naghihintay ang mga kliyente at ilang kasamahan para sa kanilang live performance.

………………………………………………………………………………………………………………………

My Boss' Kiss (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon