CHAPTER XIX

18 1 0
                                    

                Alas tres na ng madaling-araw ngunit ayaw pa rin siyang kawayan ng antok. Napagod siya sa shooting kahapon idagdag pa ang suntukang naganap sa magkapatid na Oliveroz. Subalit parang balewala sa katawan niya ang mga nangyari. Pati ang antok ay nagwelga kasama ng mga bituka niya na hindi na niya nalamnan kagabi. Sa halip na sa shopping mall ay dumiretso sila ni Poying sa kani-kanilang mga bahay. Anniversay nito at ni Biboy. Ginawa lamang dahilan ng kaibigan ang pagsa-shopping kunwari para mailayo siya kay Jed at Art. Pagdating sa bahay ay tinamad na siyang kumain.

                Hindi niya akalain na magkapatid pala sina Jed at Art. Ni hindi niya naisip na magkamag-anak ang dalawa kahit alam niyang pareho ang mga ito ng apelyido. Hindi kasi magkahawig ang mga ito maliban sa hugis ng mga mata. Ngunit kahit ganoon ay iba pa rin ang paraan ng pagtitig ng isa’t-isa. Si Jed ay may mga matang parating nakangiti samantalang si Art ay parati na’y seryoso.

                ‘You’re the father. You should marry her yourself.’

                Iyon talaga ang tunay na bumabagabag sa isip niya. Anong ibig sabihin ni Jed nang sinabi nito na si Art ang ama? Bakit parang nagagalit si Jed sa kaisipang ikakasal ito sa babaeng nabuntis ng kapatid? May babae bang nabuntis si Art nang magtungo ito sa Boston? Sa pagkakaintindi niya ay sa bansa ding iyon nanggaling ang nakababatang Oliveroz. Ang kaisipang iyon ang tumama sa kanyang puso. Parang may pumiga roon. Hindi niya matanggap na mas masakit isipin na may nadisgrasya si Art na ibang babae kaysa sa kaalamang ipinagpalit siya ni James sa ibang babae noon.

                Hindi na niya namanlayan ang paglandas ng luha sa kanyang mga mata. Impit ang hagulhol niya hanggang sa makatulog siya.

………………………………………………………………………………………………………………………

My Boss' Kiss (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon