[15.] F R I E N D S

329 7 4
                                    

A/N: Dedicated ‘to kay jhadahj! Thank you for reading Perfect Chance! :)

Sorry po for the slow update. Sobrang busy lang talaga. Anyway, sana magustuhan niyo po! 

____________________________________________________________

Chapter 15: F R I E N D S

2 weeks after: Finals Week

Maxine’s POV

“Itext mo na si Yel, friend. Sabihin mo hinihintay nalang natin si Seth at Kats.” Sabi ko kay Chels habang inaayos yung mga gagamitin namin para sa group study.

“Okay na friend. Nasabi ko na. Nandun na din si Les, since silang dalawa ang nakatoka para sa pamimili ng mga kakainin natin mamaya na iluluto ko naman.” Sabi naman niya sa’kin. Tumango tango nalang ako.

Humanda talaga sa’kin ‘tong dalawang lalaking ‘to. Sila pa ang late? #MedyoMakapalAngFes nila dito. Hahahaha. Paghintayin daw ba ang dalawang dyosa? KAPAL.

Maya maya pa, natatanaw ko na ang nakakainit ulong mukha ni Seth Gothico. -_____- At aba! Kumakaway-kaway pa, idagdag mo pa ang nakakabuwisit nilang ngiti… tsaka yung lakad nilang “FEELING MODEL” pucha… sarap ipatumba!

“BAKA PWEDENG BILISAN? KUNG MAGLAKAD AKALA MO MAY KARO NG PATAY SA HARAPAN E!!!” sigaw ko sa kanila habang nakapamewang pa. Si Chels, nakaupo pa rin sa may waiting shed tapos tawa lang ng tawa.

“EASY MAX, EASY!! Chill ka lang. Makakarating din kami diyan sa pwesto niyo.” Maloko niyang sabi sabay ayos ng shades niya.

“GANDA NG SHADES AH! FEELING MO, KINAGWAPO MO YAN? LUL, MUKHA KANG BULAAAG!!! At ikaw Katsumi baka pwedeng bilisan ang lakad!” sigaw ko ulit sa kanilang dalawa tapos inirapan ko sila. Bumalik ako sa upuan namin ni Chels kanina.

Tinignan ko ulit sila at pucha tawa pa ng tawa habang nag-uusap. Mukhang ako ata ang pinagtatawanan ng mga kupal. -______- May nakakatawa ba doon?? E buwisit na buwisit na ako sa kanila!!! 10am ang usapan, e past 11 na!! KUDOS PRE, KUDOS!

Nasa may gitna palang sila ng street at mukhang bukas pa makakarating. Kaya tumayo ulit ako at sumigaw sa kanila. “MGA KUPAAAL, MAMAMATAY BA KAYO KAPAG BINILISAN NIYO ANG LAKAD NIYO?? WOW, KUNG GANUN NGA PAKIBILISAN NA!!!!” pang-aasar ko. Naiinis ako pero natatawa na din ako. Parang mga sira kasi ‘tong mga ‘to e.

Samantalang sabi nila sa group chat namin kagabi, ang male-late daw mamamatay ng maaga. -_______- Sila na yun. Nahulog sila sa mga sarili nilang patibong.

“Max, chill. Nandito na kami, wag ka ng matakot—aray! Sakit nun ah!” sinuntok ko nga sa braso, puta umarte pang parang superhero na savior ko e. KAPAL NG MGA MUKHAAAA!!!

“Tigil-tigilan niyo ‘ko ah. Etong si Chels, naiinis na yan hindi lang nagsasalita…at sinasabi ko sa inyo kapag sumabog ‘yan, malala pa yan sa Oil Depot!!!!! Ililibre niyo kami ng pamasahe, parusa niyo yan!” sabi ko sa kanila tapos hinila ko na si Chels papunta sa sakayan.

“Pre, lakas tama ng magkaibigan na ‘yan no?” narinig ko pang sabi ni Kats, pero di ko nalang pinansin. May araw din siya sa’kin. Lintik lang ang walang ganti. Dejk. HAHAHAHAHA.

Isabelle’s POV

Nag-aayos na kami ni Les dito sa may kusina. Ang aga niya kasing dumating e. Mga 8:30 siguro nandito na siya. Ewan ko dito, nagprisinta siya kagabi na siya nalang daw ang tutulong sa’kin maghanda ng pagkain. Ayaw ko kasing abalahin si manang e, day off niya rin kasi ngayon. Tuesday kasi at palagi yung nasa bahay ng anak niya kapag ganitong araw.

Perfect Chance // H I A T U STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon