[11.] Pranks 101

936 14 2
                                    

Chapter 11: Pranks 101
 

Katsumi's POV

Kahit kelan talaga 'tong medyo matandang prof namin ang tagal magpalabas wala namang pinapagawa. Ano tambay nalang dito? Tsk!  Dami daming makabuluhang bagay ang pwedeng magawa sa oras na nilulustay neto ni Sir Alberto sa pag-upo at pakikipagusap sa mga babae kong blockmates na may itsura. Damoves ang tawag dun mga bregs.

Tumingin nalang ako sa may labas naghihintay na i-excuse sana ako ng music club o kahit sino. Batong bato na ako dito.

"Katsumi, may nagtext." Sabi bigla ng katabi kong si Shalcy sabay abot ng phone ko.

"Pano nga ulit napunta sayo yung phone ko?" Tanong ko sakanya.

"Baka pinahiram mo sakin, baka lang? Mygad, alzheimer's! Hahahaha!"

"MYGAAAD~" Pang-gagaya ko sakanya tapos nahampas pa ako. Tss. -__- =))

1 new message from: DJ Padilla

HOY KABE. ANTAGAL MONG LUMABAS!! SIBAT NA BREGS. Laro tayo X-Box sa bahay! Dalian mo antayin ka namin dito sa labas ng room mo.

Reply to: DJ Padilla

Tang*na naman pare! Lunes na lunes tatambay tayo? Hindi niyo ba naiisip na dapat nag-aaral tayo ngayon?

1 new message from: DJ Padilla


Wow heavy wala kang naloko dun ah. Alam kong nababato ka na jan. Labas na dali dito na kami ni Sed at Lester. BILIS

Saktong pagkabasa ko nun lumabas na si Sir Alberto kaya binitbit ko agad yung bag ko sabay labas at tignan niyo nga naman. Sinalubong agad ako neto ni Seth. Atat lang?

"Hoy Kabe ano yang nalalaman mong aral-aral? San mo napupulot yan ah?" tanong sakin ni Seth.

"Gago bregs nagiging mabuting anak, estudyante, at kaibigan lang ako." Siguro mga 30 seconds din nila akong tinitigan sabay batok nila sakin ng sabay sabay kaya naman napahawak ako sa ulo ko. 

"Tara na nga mga bregs puntahan na natin si JC, nagkakalokohan na e." yaya samin ni DJ sabay akbay niya kay Lester tapos umakyat na sila papunta dun sa second floor kasi andun mga classroom ng freshmen.

--
 

"Shemaaaay! Hindi ko na 'to kaya!! Ang gwapo talaga nila!!"

"Oh my gosh!! Yung Parking Five!!"

"Ang hot talaga nila oh!!

Yan lang naman yung mga naririnig namin sa paligid namin tuwing dadaan kami sa mga lower years. Hindi naman sa nagyayabang kami ah pero sinasabi lang namin yung totoo. Pagdating namin sa classroom ni JC nagulat kami kasi naman sa lahat ng pwedeng gawin pagwawalis pa ng classroom ang ginawa niya! 

"Bregs! Tang*na pigilan mo nga yang kapatid mo. Tawagin mo na nga ng makauwi na tayo." sabi naman ni Lester kay DJ.

Perfect Chance // H I A T U STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon