A/N: Dedicated ‘to kay itsmadeline! Mag-update ka na ng Strangers In Love! HAHAHAHAHA. I miss you!____________________________________________________________
Chapter 14: Detention
Isabelle’s POV
♪♫ If you don't wanna take it slow and you just wanna take me home, baby say yeah a yeah a yeah, yeah a yeah and let me kiss you! ♬♬
Napapakanta nalang kami nila Chels dito kesa tuluyan kaming mabadtrip. Pasalamat yung mga kasama namin dito at 1D yung tumutugtog kundi nilayasan na namin sila pano pinipilit magpatawa, ubod naman ng kakornihan. Sarap batuhin netong mga can goods e.
“Bregs, knock knock!” biglang sinabi ni Lester. Hay nako. Korni nanaman yan, pustahan pa!
“Ay eto, siguradong nakakatawa nanaman ‘to!” sagot ni Katsumi kay Lester habang natatawa na agad. OA lang? Wala pa nga yung joke eh. Pero naiintindihan ko naman si Kats, mukha palang ni Les joke na e. HAHAHAHAHAHAHA. Sama ko talaga =)))
“Bobits amputek! Kelan pa naging yan ang sagot sa knock knock? Who’s there kasi bro. Utak naman!” wow nagsalita ang matalino. Genius eh. -___-
“Oo na, magjoke ka nalang pwede? Pag yan di nakakatawa…” pagbabanta ni Katsumi, pikon talaga ‘to. Kanina lang natatawa na siya wala pa yung joke ngayon naman porket nabasag, nagbago na yung ihip ng hangin. Haaaay napaka-hopeless ng mga lalaking ‘to.“Tuna Pie.” sagot ni Les.
“Sige lang. Di pa ko gutom.” sabi ni Kats tapos bigla akong natawa…
“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!” sabay takip sa bibig ko. Ugh nahuli tuloy akong nakikinig para kasing sira ‘tong mga ‘to e. Nagbasagan na. HAHAHAHAHAHA!
“Wow Yel, salamat sa suporta ha.” biglang sabi ng kumag na si Lester sakin. Sinamaan ko lang siya ng tingin. At bakit naman ako makiki-ride sakanya, kasalanan niya kung bakit ako nandito sa detention na ‘to! Imbis na pinapanuod ko yung Up All Night Live Tour ng 1D ngayong SABADO na WALA DAPAT KAMING PASOK, nagpa-pack ako ng mga sardinas dito! Buti nalang at sa charity ‘to ibibigay kaya okay lang pero kasi bakit kasama pa namin sila sa isang kwarto! Nakakaasar talaga!
“Oy nag-knock knock pala si Lester e! Pakinggan na yan! Ulitin mo brad!” sabi ni Seth tapos sumunod naman sila Chels at Max.
“Epal kasi si Kats eh, nambabasag ng trip e! Sige ikaw nalang Seth. Knock knock!” paguulit ni Lester sa joke niya.
“Who’s there?” sagot ni Seth.
“Tuna pie.”
“Tuna pie who?”
Nakatitig kaming lahat kay Lester ngayon bago siyang nagsimula….kumanta. =____=”
BINABASA MO ANG
Perfect Chance // H I A T U S
FanfictionLahat tayo ay may chance at love. And these 5 girls believe that may tamang panahon para sa lahat ng bagay including love. Pero parang lahat ata ng yan ay magbabago nung pinagtapo sila ng tadhana sa isang banda na posibleng makapagpabago ng buhay ni...