[12.] Revenge 101

832 10 7
                                    

A/N: Hello guys! Grabe, sorry po for being so inactive.. Sobrang marami lang po talagang ginawa at inasikaso. Tagal ko rin palang absent sa wattpad. Grabe talaga. (-/\-) 

Anyways, here's the update for you guys! 

Enjoy~

______________________________________________________

Chapter 12: Revenge 101

Maxine's POV

Aish! Grabe talaga yung lalaking pancit canton na yun! Ang sarap ilublob sa bagong kulong mainit na tubig na todong-todo yung apoy! NAKAKABWISIT! Ang sarap sakalin at lahat na! Hindi ko talaga siya mapapatawad sa ginawa niya sa'kin! PANCIT CANTON...

.

.

.

MAGTUTUOS TAYO! HUMANDA KA SA'KIN! BWAHAHAHAHA. Akala niya siya lang ang may kayang gumawa ng ganun? Pwes, nagkakamali siya! Apo ako ni Aristotle kaya wag niya akong minamaliit!

Tinakot niya ako, kaya hindi yun yung gagawin ko sa kanya. Hahaha. Syempre, may originality ako kaya iba talaga gagawin ko sa kanya. 

Humanda ka, Pancit Canton. 

- - -

"Tengene talaga friend! Nakakagigil si Lester! BWISIT! BWISIT! Grrr! Nanggagalaiti talaga ako! Sobrang hindi ko kaya 'to!!" reklamo ni Yel. Halatang galit na galit talaga siya. 

Nagpunta kasi sila dito ni Chelsea sa bahay e. May ikukwento daw sila sa'kin na sobrang ikabubwisit ko. Well sabi ko sa kanila, ako rin meron.. Hay. Mga kalokohan talaga nung tatlong yun, grabe lang.

"AKO DIN PUCHA! ANG SARAP NILANG PATAYIN! WAAAAHHHHHH! Max, pwede kong basagin 'tong maliit mong vase? Pwede?" pagpapaalam niya sa'kin. Um-oo naman ako. Wala naman akong magagawa e. Gusto niya e. Nabili ko lang naman kung saan yan e kaya ayos lang.

*BLAG* 

Ay gagi, sa pintuan ng kwarto ko binato. -_- Sana sa sahig nalang. Kawawa naman pintuan ko. Ako pa naman ang nag-design ng kwarto ko.. Huwaaahhhh! Dejoke lang. Okay lang yun. Pagbigyan na. Ako naman kasi kanina pa ako tapos magdabog dabog e.

"Okay, tama na mga kaibigan. Huminahon na kayo. Mamaya sabay-sabay pa tayong atakihin sa puso niyan e. Gusto niyo bang hindi tayo makaganti sa kanila?" tanong ko sa kanila.

"Syemre ayaw! Gusto kong gumanti!" magulong sabi ni Yel. Hahaha. 

"Ako rin! Gusto ko silang gantihan! Di ako papayag na ginagawa lang nila satin yung mga ganitong bagay! Grr! Mga apo tayo nila Einstein, Newton at Aristotle kaya wag tayong papatalo!" pagmamalaki ni Chels. Hahaha. Nakakatawa talaga siya kapag sinasabi niyang mga apo kami ng mga matatalinong nilalang na yun. 

.

.

.

"Sige, so eto ang plano.." 

- - -

Monday

Ngayon namin uumpisahan ang mga kanya kanya naming pranks! WAHAHAHA. Humanda sila samin! Akala nila porket mga babae kami, mahina kami? Oh well papel... nagkakamali sila! 2 days na ang nakakaraan kaya sigurado akong hindi nila kami paghihinalaang may gagawin kaming 'di kanais-nais.

May klase kami ngayon. Nandito kami sa Science Laboratory. Gagawa kasi kami ng experiment para sa subject naming Physics... at dahil irregular students sina Seth, Lester at Katsumi.. Kaklase ko ang isa sa kanila at yun ay si Pancit Canton! Kapag sinuswerte ka nga naman oh! 

Perfect Chance // H I A T U STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon