[05.] W i i

1.3K 24 10
                                    

Author's Note: I dedicated this chapter to grappeess :) Thanks for the comment sa previous chapter! Sana magustuhan mo! 

______________________________________________________

Chapter 5: W i i

Maxine's POV

Grabe, kagabi umuwi din agad kami. Kasi naman pagod na pagod talaga kami sa dami ng inasikaso para dun sa concert na yun. Ayaw pa sana kaming pauwiin ni Ate Lea kasi daw, magpe-perform pa yung band ng school namin pero ang sabi namin ayos lang kahit di na namin mapanood. Ang totoo niyan, di naman kasi namin kilala yung mga yun. Malay ba namin sa kanila. Tsaka One Direction talaga ang gusto namin at wala ng iba pa! Loyal kami dun, as in! Hahaha.

Papasok na kami ngayon sa school, dahil di naman excuse yung event kahapon para mawalan ng pasok. Huhuhu. Pero ayos lang masaya naman e, tsaka may meeting din kami sa isa pang club namin.

Pagpasok namin, naku mukhang may bago na namang pinagkakaabalahan at pinag-uusapan yung mga schoolmates namin.

"Grabe, ang swerte nilaaaa! Sino kaya yung mga yun?" random girl 1

"Nakakapagtaka naman at di man lang nila kilala ang Parking 5!" random girl 2

"Pero ang swerte talaga nila! I-dedicate daw ba ang mga kanta sa kanila? Di ako makapaniwala! At si Seth pa talaga ang nagsabi! OMG, it's like OMG to the nth power!!" random girl 3

Ano at sino naman kaya yung pinag-uusapan nila na yun? Parang bago kasi sa pandinig ko e. Hindi rin ako maka-relate. >___<

"Friends, ano kaya yung pinag-uusapan nila?" tanong ko kina Yel na kasabay kong pumasok ngayon. Actually halos araw-araw kaming magkakasabay. Depende kung may mag-aabsent samin o ano. Pare-pareho kasi ang sched namin sa umaga eh. Sa hapon nagkakatalo. Hahaha. :)

"HA? Kelan ka pa naging chismosa friend? Yung totoo talaga?" tanong sakin ni Chels. 

"Oo nga friend, kelan pa ito? Pakisabi nga. Now na! Hahahahaha." at nakipag-apir si Yel kay Chels. 

"Kayo ang sama niyo talaga sakin forever! Palagi niyo akong kinakawawa. Bahala na nga kayo." nagsimula na akong maglakad. 

Hinabol nila akong dalawa at nag-sorry. Mga baliw din 'tong mga 'to e. May saltik talaga! Hahahaha. Nakakaloka grabe! Bakit ganito ang mga binigay mo saking friends, Lord? De joke lang. Mahal ko yang dalawang yan! =)))))

Habang nagtatawanan, pumunta na kami sa kanya-kanya naming mga klase. Syempre magkakaiba kami ng course.

Pagkarating ko ng classroom ko, sinalubong agad ako ng blockmate ko. 

"Max!! Diba wii ka? May dumating ditong officer ng English Department ata yun, pinapatawag ka. ASAP!" 

"Ah oo, hala talaga? Wait paano yan diba 1pm darating na yung prof. natin?" wrong timing naman yung officer namin e.

"Eh importante daw kasi talaga e. Pumunta ka na dun agad ako ng bahalang magsabi kay Prof. Santos."

"Sige sige, salamat Celine! Alis na ako ah!"

Tumakbo na agad ako papunta sa room ng wii, jusko kinakabahan ako. Feeling ko may ipapagawa na naman sa'kin 'tong si ate Anica e. Pagdating ko ng clubroom, lumapit siya sa'kin. 

"Maaax! Buti naman dumating agad! Naku kailangang kailangan kasi talaga kita e. Wala na kasing available na magtuturo e. Alam mo namang konti lang tayo sa English Department diba, dahil mga rich kids ang nag-aaral dito kaya bihira ang nagpapaturo ng English. So ikaw nalang ang maaasahan ko kasi si Kath may pumili na sa kanya e. Sorry talaga." sabi ko na nga ba e. Naku lagot.. isang beses pa lang naman akong nakakaranas na mag-tutor. 

Perfect Chance // H I A T U STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon