Author's Note: This chapter is dedicated to parisseisinlove! Sana magustuhan mo! :)
______________________________________________________
Chapter 4: Y e s
Kath's POV
Naglalakad---- este tumatakbo na ako ngayon papasok ng school grounds. Parking 5 na daw yung tutugtog eh. Galing kasi ako sa Art-Com eh. Tumulong akong gumawa nung banner daw na gagamitin nila DJ ngayon. Daming pakulo eh. May pa-I love you-I love you pa sa mga fans nila. ^__^Pagkarating ko sa may stage, dito ako pumuwesto sa may likod tapos nakita ako ni Mycko. Kumaway ako sakanya tapos bigla siyang tumakbo sa pwesto ko.
"Mycko! Buti nakapunta ka! ^___^" Sabi ko kay Mycko tapos nakipag-apiran siya sakin. Si Mycko pala yung dating drummer ng Parking 5. Siya yung pinalitan ni.............Lester.
Hindi siya dito nag-aaral kaya naman nagulat ako na nakapunta pa siya ngayon. :)"Syempre, suportado ko yang mga yan eh. Tunay na tropa lang. Hahahaha. Teka, dito ka lang sa likod?" Tanong niya naman sakin.
"Ah.. Okay naman na ako dito eh. Kita ko pa naman mga mukha nila. Hahaha." Sabi ko naman sabay tawa.
"Di pwede na mukha lang! Da't pati katawan---- aray naman Kath!" Nakakaasar 'to si Mycko, kung ano-anong pinagsasabi kaya naman hinampas ko. Pabiro lang naman =))
"Ewan ko sayo. Hahaha." Sabi ko naman tapos bigla niyang hinawakan yung wrist ko sabay hila sakin tapos "Tara na Kath dali! Di pwedeng sa likod ka, mawawalan ng inspirasyon si DJ!" bigla niyang sinabi.
Napangiti naman ako dun.. :)
Sumunod na ako kay Mycko nang biglang may kumalabit sakin. Napahinto kaming dalawa sa paglalakad at nilingon ko yung nangalabit sakin."Uy.. Maxine!" Bigla kong sabi pagkakita ko kay Maxine tsaka kina Isabelle ata yun at Chelsea..
"Kath, di na kami mag-sstay nila Yel at Chels ha. Una na kami sayo. Bye-bye! Ingat ka ha!" Sabi ni Maxine sakin sabay hug sakin tapos ngumiti na lang ako at ayun, umalis na silang tatlo. :)
Naglakad na kami ni Mycko tapos dun niya talaga ako pinuwesto sa harap na harap. Nakakahiya naman ata.. >__<
"Maiwan na muna kita Kath ha. Alis lang ako saglit." Sabi niya sakin. Ayos naman 'to si Mycko, dadalhin ako dito sabay alis. Para tuloy akong loner........................ -___-
Nagpakilala sila isa-isa na hindi ko alam kung bakit nila ginawa kasi kilala naman na sila dito ng HALOS lahat eh. Kahit nga yung mga hindi dito nag-aaral kilala sila eh. After nun, nagsimula nang tumugtog sila Katsumi, DJ, Lester............. tapos biglang kinuha ni Sed yung mic.
"Sa mga HINDI NAKAKAKILALA samin.. para sainyo 'to! :)" Wow Sed ha, may ganyan talaga? Parang wala namang hindi nakakakilala sainyo eh. Tsk tsk tsk. Hahahaha.
BINABASA MO ANG
Perfect Chance // H I A T U S
FanfictionLahat tayo ay may chance at love. And these 5 girls believe that may tamang panahon para sa lahat ng bagay including love. Pero parang lahat ata ng yan ay magbabago nung pinagtapo sila ng tadhana sa isang banda na posibleng makapagpabago ng buhay ni...