Chapter 6: First Day
Lester's POV
Kapag sinuswerte ka nga naman oh.
UMAGANG-UMAGA EH.
Nandito agad ako sa dean's office. Tsk. Ano nanamang ginawa ko? Goodboy na nga 'to e. Badtrip talaga.
Imbis na mamayang tanghali pa ang pasok ko, napaaga dahil tumawag yung secretary ng dean. Kailangan daw ako. Tss.
Nakakailang bisita na ako dito kay tanda ah. Baka sabihin ng iba, suki ako ng dean's office. Konti nalang bullseye na ako eh. Lagi kaya akong napag-iinitan ni dean tas pag nagkukwento sila Katsumi, DJ, mabait daw sakanila tas sakin, suplado?! Gwapo ko kasi e. Bwisit.
Eto tuloy ako ngayon, nakaupo lang dito. Naghihintay na matawag. Tignan niyo, hindi pa pala tapos pinagmamadali ako kanina tas yun pala paghihintayin lang rin ako dito. Bulok talaga sistema dito sa academy eh. -_____-
Ano bang pwedeng gawin? Matawagan na nga lang si.... Patricia? Ayoko, sobrang arte nun eh. Si Kimberly nalang kaya? Kaso hindi naman nagsasalita masyado. Ah! Si Nicole nalang! Tama!
Tatawagan ko palang sana si Nicole, biglang may naglakad sa harapan ko. Yung secretary ni dean. "Mr. Giri, you may now enter the dean's office." Sabi niya sabay alis. Angas. Hahahahahaha. Joke.
Pumasok na ako ng office tapos upo agad syempre. Batas eh. =))))
"Mr. Giri, do you have any idea about your standing in the academy?" Biglang sabi ni tanda---este dean. Magalang na bata 'to kala niyo. Hahahahaha!
"Hindi po dean eh." Sagot ko. Pero seryoso na yan ah. Wala akong kaalam-alam sa mga grade ko o ano. Busy ako eh. Madami akong gustong kalimutan.
"Well then, let's get to the point Mr. Giri. You will have to repeat your science subject this sem. Because if not, you will be kicked out of the academy."
Teka..
Anong sabi ni tanda?! REPEAT?! SCIENCE?! KICKED OUT?! AGAD-AGAD?!
"Teka lang tand--dean! Bakit naman po ako makiki-kickout? Tsaka bakit ko po kailangang mag-repeat? Nagsa-submit naman po ako ng requirements ah! Nakakuha naman po ako ng midterms noon. Finals nalang po tas okay na!" Bigla kong nasabi. Anak ng. Mapapatay ako ng nanay ko neto eh.
"Pasang awa ang grade mo sa midterms mo for science and for math! Buti nalang at nagpapapasok ka sa math course mo kung hindi pati yun, kailangan mong irepeat! As for your science course, it has been reported that you are not attending your classes and your class standing is not satisfactory! Mr. Giri you have no other choice. It's either you repeat or you'll get kicked out because you failed two of your major courses." Sagot niya sakin.
"Sir kaya lang naman po ako hindi nakakaattend ng science class ko kasi may mga gig. May excuse form po kami dun! Tsaka di po ba pwedeng mag-aaral nalang ako ng mabuti? Pramis na yun. Ayoko pong magrepeat o makick-out. Dali na sir. Wala na po bang ibang paraan? Please naman po." Sabi ko naman.
"Well.. There is another way. But I doubt that you will settle with it, Mr. Giri." Sabi nung dean. Pang-asar naman 'to.
"Pwede na yun sir, kung community service, kung extra class hours sige lang dean basta ayoko pong mag-repeat."
"Ipapatutor kita sa mga dean's lister."
"Yun lang pala eh! No problem! Case closed! Di na ako magrerepeat! Dean wala nang bawian yan ah."
BINABASA MO ANG
Perfect Chance // H I A T U S
FanfictionLahat tayo ay may chance at love. And these 5 girls believe that may tamang panahon para sa lahat ng bagay including love. Pero parang lahat ata ng yan ay magbabago nung pinagtapo sila ng tadhana sa isang banda na posibleng makapagpabago ng buhay ni...