[09.] First Month. First Date

983 14 6
                                    

Chapter 9: First Month. First Date

Daniel’s POV

“Pare, eto na yun! First month na oh. Ay put--! Gwapo ko talaga! Teka nga bilib na bilib na naman ako sa sarili ko. Lumayas ka na nga diyan sa bahay niyo, baka naghihintay na si Kath.” Sabi ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin.

Grabe ang alam ko chill lang ako sa mga ganitong bagay pero bakit ngayon parang nawala ata yung self-confidence ko ah! Nilamon ata ng kung ano. Tsk. Kinakabahan ako, pero alam kong kaya ko ‘to dre! Whoo!

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na. Dumiretso na ako sa kotse ko at tinext ko si Lester. Tinanong ko kung okay na ba lahat.

Sinabi ko lang kasi yung mga gagawin sa kanya tapos siya na ang bahala sa lahat. May tiwala ako sa kanyang kayang-kaya niya pagandahin yun! Yun pa ba, e matinik sa chicks yun! Hahaha.

Maya maya lang, nandito na ako sa tapat ng bahay nila Kath. Huminga muna ako ng malalim at lumabas na. Kumatok na ako.. “Whoo! Kalma DJ, kalma.”

Ilang saglit lang, pinagbuksan na ako ng pintuan ni Kath.

“Ah DJ? Akala ko ba kakain lang tayo?” tanong niya sa’kin habang tinitignan ako mula ulo hanggang talampakan, dejoke lang hanggang paa lang naman.

“Di mo ba nagustuhan yung itsura ko? Ang pangit ko ba?” tanong ko naman sa kanya.

“Ah hindi hindi, ayos na ayos ka kasi eh. Oh ano tara na?” lumabas na rin siya at sinara yung pinto.

Lumakad na kami papunta sa kotse ko at pinagbuksan siya. Pumunta kami sa isang paboritong kainan ni Kath. Nag-lunch lang kami at dinala ko na siya sa may seaside. Nagpunta muna kami sa Milk Tea Place. Nag-stay kami doon hanggang mag-five na.

Nag-bike kami dun din sa may seaside. Tuwang-tuwa naman siya. Mukha kasi ‘tong bike e. Hahaha. Habang natatawa tawa pa ako kasi muntik ako mahulog sa bike, naramdaman ko na nag-vibrate yung phone ko.

1 New Message from: Captain Zildjian

Bregs, dalhin mo na dito si Kath.

Ayos! Eto na. Grabe kaya proud ako sa tropa ko e. Niyaya ko na si Kath.

“Saan na naman tayo pupunta? Maggagabi na ah.” Tanong niya sa’kin.

“Wag na madaming tanong sumunod ka nalang sa’kin.”sabi ko naman sa kanya.

Naglakad na muna kami kasi may kalayuan yung port ng mga yate dito. Nung nagtanong kasi ako sa tropa kung saan pwedeng dalhin si Kath, mga sagot nila sinehan, ice skating, dinner, eh puro common na yun e.

Sabi pa nga ng kupal na Katsumi sa Luneta ko daw dalhin tapos manood kami nung Lights and Sounds. Yung re-enactment ng pagbaril kay Jose Rizal. Hayup talaga eh! Okay na sana eh, humirit pa eh nabatukan ko tuloy.

Kaya kay Lester ako humingi ng tulong, alam niyo naman yun maraming alam sa ganito. Sinuggest niya na manood daw ng sunset sa yate. Maganda sana kaso wala akong pera sa mga panahong yun, buti nalang pinahiram ako ni ninong Eleuterio. Hayup makalumang makaluma yung pangalan! Hahaha pero malakas naman ako doon e lalo na kay ninang Christina. Kaya dun na kami papunta ngayon.

“San mo ba talaga ako dadalhin DJ?” tanong na naman niya sa’kin. Paulit-ulit talaga ‘to. Unli ata. Dejoke. Hahaha.

“Wag nang madaming tanong.. Basta magugustuhan mo dun, promise! Cross my heart!!” Sabi ko pa sa kanya.

Perfect Chance // H I A T U STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon