A/N: This chapter is for you NikkiAnonuevo! :-)
_________________________________________________________
Chapter 13: Final Battle
Maxine’s POV
“Cedric, aalis na si ate.” Paalam ko sa kapatid ko na busy sa paglalaro sa iPad niya. Wow, ‘di niya na talaga ako pinansin..
“Manang, alis na nga ako. Bye po.” Lumapit pa rin ako kay Cedric at kumiss sa noo niya.. Si manang naman napatawa nalang dahil sa pagiging snob ng mahusay kong kapatid sa’kin..
Lumabas na ako ng tuluyan sa gate.. Grabe, nakakapagod. Inaantok pa talaga ako e. Nakakatamad ang araw na ‘to tapos sobrang init pa. 9am kasi ang klase ko. Sabi nila Yel sabay sabay kami pumasok e, kaya lang may kinailangan silang ayusin kaya nauna na sila sa school. Doon nalang daw kami magkitakita.
Pagdating ko sa university, hinanap ko agad sila. 8:10 palang naman e. Ang aga ko pa pala. Hahaha. Excited lang? Tinawagan ko nalang sila at sabi nila pumunta nalang daw ako sa SC office, nandun daw sila e.
Matapos ang pagkahaba-habang lakaran… nakarating din ako sa wakas!! Si Chels nakaupo lang, tapos si Yel naman may inaayos. Ewan ko ba dun. -___- Binati ko lang sila at as usual inasar na naman nila ako kasi hindi daw sila sanay na maaga ako. Hahaha! Anyways, may inaayos lang kami ngayon para sa club namin, para sa gaganaping pageant. Since sa Art-Com kami, ayun kami ang nag-aasikaso para sa mga dapat na ilagay sa stage, lights and sounds, effects and whatsoever.
Nagdadaldalan lang kami dito at napag-usapan din namin yung kalokohan namin sa tatlong mokong. Hahahaha! Sobrang tawang tawa pa rin kami at the same time, medyo kinakabahan…
“Alam niyo, sa tingin ko talaga babawian tayo niyang mga ‘yan e. ‘Di ako naniniwalang wala silang gagawin laban satin. Nako nako..” bigla kong sabi sa kanila. Natawa naman si Chels at biglang naningkit yung mata.
“Ako rin e, nava-vibes ko rin talaga ‘yan Max. E loko-loko pa naman yung mga yun kaya I’m sure sa mga oras na ‘to e nag-iisip na sila ng “Master Plan” nila laban satin! Syempre, hello? Mga sikat kaya sila tapos mahuli ba namang may Men’s Mag sa bag, magkaroon ng mala-Nicki Minaj na buhok at mahuling bumibili ng sanitary napkin… MALAMANG KAHIHIYAN SA KANILA YUN! WAHAHAHAHA omg, ‘di pa rin ako maka-get over!!” tawang tawang sabi ni Chels. Adik talaga e. Natawa din kami ng sobra ni Yel.
“Oo nga! Kaya tayo din dapat mag-isip na ng “Master Plan” natin. WAHAHAHA! ‘Di naman tayo pwedeng magpatalo noh!” sabi ko sa kanila. Si Yel naman biglang inalis muna yung tingin dun sa ginagawa niya sa laptop niya at tumingin samin..
“Ano ba kayo, wag na kaya? Mamaya kung ano pang mangyari satin! Mapatawag pa tayo neto ng Dean, patay patay pa tayo. Sabihin pa mga hindi tayo mabuting impluwensya. Alam mo naman yun e bilib na bilib satin since mga DL tayo.” Seryosong sabi niya.
Sabagay, may point naman siya doon kaya lang kasi ayoko nga magpatalo! Hindi porket mga babae kami e magagawa nila samin yun! Mga bruhong yun!!!
“Alam mo Yel, tama ka diyan pero last na naman ‘to e. Promise! After nito, wala na tayong gagawin. Mananahimik nalang tayo. Okay?” sabi ko sa kanya tapos ngumiti ako.
“Tama tama! Shet excited na akooo!!” sabi naman ni Chels. Hahaha baliw talaga ‘to.
“Sige na nga. Pero wait… ano namang gagawin natin?” tanong ni Yel.. uhm, oo nga noh? Ano nga kayang gagawin naming “FINAL PRANK” para sa kanila?
BINABASA MO ANG
Perfect Chance // H I A T U S
FanfictionLahat tayo ay may chance at love. And these 5 girls believe that may tamang panahon para sa lahat ng bagay including love. Pero parang lahat ata ng yan ay magbabago nung pinagtapo sila ng tadhana sa isang banda na posibleng makapagpabago ng buhay ni...