[07.] Milk tea

1.1K 13 11
                                    

Author's Note: Hi there, this chapter is for you yssaalmonte20 :) Thanks for reading Perfect Chance! Enjoy! 

____________________________________________________

Chapter 7: Milk tea

DJ's POV

"Ano ba nangangamoy ka na pare! MALIGO KA NA UY!" Sigaw ko kay Lester na feel na feel ang upo sa sofa namin. Hindi na nga siya nakaupo e. Mga brad, nakahiga na siya! Nakapatong pa yung paa sa lamesa sa gilid. Bahay niya e. Nahiya naman ako.

"Bakit ba atat na atat kang maligo ako. Eh sa ayoko pa eh! Tsaka pang-ilalim lang nadala ko. Sabi mo kasi basketball lang e, barbero ka talaga, pupunta pala si Kath! Bakit kailangan nandito pa ako? Tss." Sagot niya naman sakin.

Pinapunta ko kasi talaga si Les dito sa bahay para sana magbasketball kaso sabi ni Kath ngayon na daw namin simulan yung tutor-tutor na pakana nung dean. Nagulat nga ako na kailangan pa ng ganito-ganito e. Sina Les din nagkwento na magpapatutor din daw sila sa mga dean's lister eh sakto, girlfriend ko dean's lister. Angas diba. Hahahaha! Nung una dapat iba yung magtuturo eh nagpagood-shot ako sa dean para pumayag na si Kath nalang.

Sa English ako bumagsak. Grabehan. Pareho kami ni pareng seth. Nakakahiya nga eh. DJ Padilla? Bagsak sa ENGLISH?! Is my english not fluent enough? HAHAHAHAHA! Wait, iinom lang ako ng tubig. Medyo heavy yun eh.

"Eh basta, jan ka nalang. Papuntahin mo yung tutor dito para masaya. Ano nga pangalan nun?" Sabi ko sakanya.

"Sungit. Hahahahahaha. Joke. Isabelle ata. Hindi nga ako sinasabihan nun kung ano nang meron eh. Alam mo pare ang labo nun, kung yung iba matutuwa pang turuan ako tas siya, parang asar na asar sakin wala naman akong ginagawa. Labo talaga men."

"Di nga pare? Sa gwapo mong yan? Tsk.. Talaga namang maiinis yun. Di kasi kasing gwapo ko. Pare ayos lang yan. Tanggap-tanggap lang din." Sabi ko naman tas binatukan ako. Putek. Hahahahaha. 

"Kapal ng mukha mo. Bahala ka nga dyan, maliligo na ako." Pagkasabi niya nun, tumayo siya tas hinagisan ako ng unan sabay palabas na dapat siya ng bahay tapos saktong dating ni Kath. Tumingin lang sakanya si Kath tas sabi nalang ni Les na, "Uy. Una na ako." Pagkasabi niya nun, dumiretso na siya palabas.

Minsan napapaisip ako kung ayaw ba ni Lester kay Kath eh. Pero parang hindi naman.. Siguro baka kinikilala niya pa.

"Goodmorning. Kumain na ba yun?" Tanong ni Kath. Sumimangot ako.

"Siya lang tinatanong mo? Ganon?" Natawa siya sakin. Pano inuna pa yung tropa ko. Tampo ako. Hahaha. Baduy. Pero seryoso, matampuhin ako.. Pag dating kay Kathryn...

"Eto naman.. Syempre, ipagluluto kita eh. Idadamay ko sana siya. Parang di pa nga naliligo eh. Hahaha." 

"Naamoy mo rin? Hahahaha!" Pagbibiro ko.

“Ikaw talaga! Ang sama mo kay em—Lester! Sige na, ihanda mo na yung mga libro mo sa English Proficiency tas yellow pad ha. Pagkatapos kong magluto, kain tayo saglit tas aral na ha? Makikipagkita kasi ako kay Mikka mamaya.” Sabi naman ni Kath sabay ngiti. Ang ganda, ganda talaga ng girlfriend ko.

“Opo ma’am. Hahaha. Sige, luto ka na jan. Mag-ingat ha? Baka mapaso ka o ano.” Ngumiti lang siya sakin tas umakyat na ako para kuhanin yung mga ipinapakuha niya.

--

“Sasabog na utak ko Kath. Time pers. Mahina ang kalaban! Hahahaha!” Pagbibiro ko. Pero seryoso, nauurat na ako sa mga grammar grammar na yan! Basta marunong mag-english, pwede na. Hahaha!

Perfect Chance // H I A T U STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon