[16.] M E S S

294 8 4
  • Dedicated kay everyone ♥
                                    

A/N: Dedicated to everyone! Thank you for reading Perfect Chance! :)

So sorry po for the super slow update. Sobrang busy lang talaga. Anyway, sana magustuhan niyo po! 

____________________________________________________________

Chapter 16: Mess

DJ’s POV

“Pare, talagang dinayo mo pa ako dito ah? Sweet” pang-aasar sa’kin netong mokong na ‘to. Binatukan ko nga.

“Tangna pare, ‘di ikaw pinunta ko please lang. Notes mo lang kailangan ko, kaya kung ayaw mong mabulok ako dito…ibigay mo na notebook mo ng mapa-photocopy ko na” sabi ko sa kanya tapos napakamot ako sa batok ko.

“Wow, hiyang-hiya ako sa’yo. Ako may kailangan ng notebook ko e” sarkastiko niyang sabi. Pucha. Nagmamadali kasi ako e. Daldal pa ng daldal.

“Kupal ka talaga e. Ibibigay mo ba o ibibigay mo?” pagtatanong ko sa kanya. “Sabi ko nga ibibigay ko e” sabi niya tapos napakamot siya sa batok niya at umakyat na sa kwarto niya.

Pagbaba niya, dala-dala na niya binder at mga modules niya. Pucha sipag neto magsulat e, tsaka wag kayo… yung sulat niyan hindi mukhang kinayod ng manok. Maganda sulat neto e.

“Oh, sige na pa-photocopy mo na. Atat na atat ka e” sabi niya tapos inabot sa’kin yung dala niya. Tumango ako at lumabas na.

Naghanap ako ng malapit na computer shop. Siguro naman meron silang Xerox machine diba? Punyemas, kung wala iuuwi ko talaga ‘tong mga binder niya tsaka yung ibang modules niya.

Nakakita naman ako sa kabutihang palad. Tsk kaso sobrang tagal naman, nakakapikon. Ang dami dami naman kasi.

Halos isang oras akong naghintay, dahil may pila pa. Tsk, malayo pa naman ‘tong bahay nila Niko sa nilipatan nila Kath. Paano na kaya ‘to?

Bumalik na agad ako sa bahay nila Niko. Nagpasalamat lang ako at umalis na rin ako. Kailangan magmadali e. Walang tutulong kay Kath, alam kong kailangan niya ako.

Tinext ko na siya.

Kath

[Baby papunta na ako diyan.]

Ilang minuto na lumipas, pero wala pa rin siyang reply. Halos malapit na ako sa kanila pero ‘di niya pa rin ako sinasagot. Nag-missed call pa ako pero dir in naman sinasagot. Nag-aalala na tuloy ako.

Tinawagan ko si Kats, baka kasi nagpatulong si Kath o ano e pero sabi naman nila wala naman daw silang natatanggap na text o tawag tsaka may group study daw sila… Si Lester daw, umalis naman. Kawawa naman baby ko. Tsk.

- - -

Mga 4pm, nakarating na ako sa kanila. Dumaan muna ako ng Ministop para bilhan siya ng pagkain, sigurado akong gutom na yun. Baka mabilisan yung pag-aayos nun ng gamit e.

Papasok palang sana ako nang may marinig akong nag-uusap. Sigurado ako… si Lester yung kausap niya. Sa mga sinasabi nila, ‘di ko maiwasang maramdamang may iba.

“Hindi Les, thank you.” Sabi ni Kath kay Lester.

“Wala yun, ikaw pa.” sagot ni Les sa kanya kaya natawa si Kath at sinuntok pa ‘to sa braso. Nakaramdam ako bigla ng inis. Selos, yun ang tama lalo na sumunod na sinabi sa kanya ni Kath…

“Namiss kita, Les. Sobra” sabi niya. Nagtago lang ako sa likod ng pintuan. Parang ‘di rin naman nila ako napansing pumasok e.

Perfect Chance // H I A T U STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon