The End

437 10 1
                                    

Sikat ng araw ang gumising sa akin. Tumingin ako sa aking Kaliwa inaakalang nakahiga din siya, pero wala kaya agad akong napabangon.

"Nakatulog ba ako??, imposibleng di pa siya nakauwi?, at wala man txt at tawag?" sagot ko habang iniipit ang buhok ko. Pag tayo ko tumambad sa akin ang nakakalat na Petals ng red rose.

"Ay... Ano ito??, Naku biseral nag kalat ka pa dito ahh!!" sigaw ko at sinundan ito hanggang sa buksan ko ang pinto at meron paring ganun kaya sinundan ko iyon.

(Mga readers kung sino nakakaalam ng kantang to puwede niyong patugtugin habang nag babasa okay...
Title: Tulad Mo
By: TJ Monterde... Salamat :> )

Habang sinusundan ang petals ng rose nakarinig naman ako ng isang tugtog at biglang lumabas si Bong at Anne na may dalang Basket at si Bong na man ay 3 pcs of White Roses.
"This is for you" sagot ni Bong sabay abot ng kanyang dala, habang si Anne sinuotan ako ng Belo.

Ano iyong pangngalan, nais niyang malaman.
At kung may nobyo kana ba, sana'y nama'y wala.
Di' mo siya masisi, sumusulyap palagi.
Sa'yong mga matang o kay ganda o binibini....

Bigla namang nawala si Bong a anne habang ako sinundan ko ang mga petals kung saan lumabas naman sina Luis, Angel, Kaye at ang asawa niya. Si Luis at ang asawa ni kaye ay may dalang tig-tatlong white roses katulad ng kay Bong. Si Angel naman at Kaye pinasuotan ako ng High heels at minake-upan ako..

"Huy!!!, sumagot naman kayo ako ang kinakabahan sa inyo..." sagot ko pero ngumingiti lang sila...

Oh ang isang katulad mo,
Ay di na dapat pang pakawalan.
Alam mo bang pag naging kayo,
Hinding-hindi ka niya bibitawan.
Aalagaan at di pa pabayaan,
Pagkat sa kanya ikaw ang PRINSESA.

Nawala nanaman sila ng makarating sa Hagdanan may Petals nanaman kaya dahan dahan akong bumaba nagulat naman akong nasa baba si Mama, Zia at Coco. Si Zia at Coco ay may dalang tig-tatlong puting rosas ulit at si mama sinuotan ako ng Palda at lumuluha...

"Coco, zia, Mama ano ito?? Sagutin niyo ako please" pag mamakaawa ko.

Hindi rin sumagot at kumakanta sila. habang si mama di na makakanta kasi umiiyak na, naiiyak na rin tuloy ako.

O magandang diwata, sana may pag-asa.
Pag-ibig niya'y kanyang sinulat at ikaw ang pamagat.
Sana naman ay mapansin himig ng kanyang damdamin.
Na walang iba pang hinihiling kundi na ikaw ay maging sa kanya...

Niyakap ulit ako ni mama at lumabas, sinundan ko naman ang petals papalabas papuntang garden kung saan nakaisang linya sila sa labas sina: Bong, Anne, Luis, Angel, Kaye and her Husband, Mama, Coco and Zia na kumakanta umiiyak na rin sila Anne at Angel, si Kaye at siyempre si mama na kanina pa umiiyak.

Di siya naglalaro, di siya na bibiro.
Pagbigyan mo lang sinta at sa'yo ay mapakita....

Bigla namang lumbas sila Terrence na may kasamang Babae at ang mga Team bays na may hawak na tig-isang puting Rosas at ibinigay sa akin habang si Terrence at ang kasama niyang babae ay niyakap ako.

"I'm very Sory Karylle, sa lahat ng ginawa ko sa inyo ni Bays" sagot ni Terrence. Tanging pag luha ko lang ang sinagot ko.sa kanya at niyakap ulit siya.
Kumanta nama ang Team Bays.

Oh ang isang katulad mo ay di na dapat pang pakawalan.
Alam mo bang pag naging tayo,
Hinding-hindi kita bibitawan aalagaan at di pa pabayaan.
Pagkat ikaw ang kanyang prinsesa..

All This Time {VICERYLLE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon