What??!!

254 8 0
                                    

Umuwi ako sa bahay na luhaan, yung parang feeling na ang sama ng pakiramdam mo dahil kahit Txt wala man lang ako natanggap pero bago man akong tuluyang makapasok sa bahay biglang tumunog ang cellphone ko kung saan may Message galing sa kanya.... Nawala naman ang pag kalungkot ko dahil sa txt niya:

From: Pobang ko..
Hi malot!!!! Sorry dahil di na kita nahatid pasensiya na ha may emergency kasi eh pero don't worry babawi ako promise inggat ka sa pag uwe I Love You :*

Ahhhhh apologize accepted ahhh nawala na yung lungkot ko babawi naman siya bukas eh....

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Vice ...

Habang nag uusap nagulat na lang kami ng biglang atakihin si lolo ng sakit niya at dahil dun nataranta na ako kaya ipinag utos ko muna na hindi ko na mahahatid si karylle at siyempre nag txt pa ako alam ko namang madamdamin ang Girlfriend ko, kaya kailangan ko talagang mag txt dun.

Nasa Hospital kami ngayon kung saan na confine si lolo.. At lahat kami ay walang tulog mag aalauna na pero eto parin kami gising a gising at hinihintay ang pag-gising ni lolo ng biglang may mag abot sa akin ng pag-kain akala ko si mama si kaye pala.

"Bays, kumain ka na oh" sagot ni Kaye sabay pilit iniaabot sa akin ang pag kain.. Hindi ko siyang magawang tingnan at kausapin ng dahil sa kahiligan niya nasagot ko tuloy si lolo. Agad akong tumayo at dinala siya palabas ng ospital.

"Aray ko Bays... Ano ba ang problema?" tanong ni kaye sabay tanggal ng kamay niya sa pag kahawak ko.

"Anong Problema???, Ikaw!!! Ikaw ang Problema!!!, ng dahil sa hinihinging kapalit ng magulang mo sa amin nasagot ko si lolo at dahil dun nasa ospital siya ngayon!!" sigaw ko sa kanya...

"Bakit???, ayaw mo??, yan lang ang tanging paraan para maging isa ang company natin Bays...." sagot ni kaye...

"Kaye, tinuring kitang kaibigan, pero bakit mo gagawin sa akin to??, puwede namang ibang kapalit ah" sagot ko...

"Yes i'm your friend, kaibigan mo lang ako, Kaibigan mong minahal ka ng totoo, kaibigan mong palaging nandiyan para sayo at ngayon oras ko naman na humiling sayo..... Bays Isang Kasal lang ang hiling ko, pero kung ayaw mo wala akong nagagawa kundi bawiin ang Share's namin sa Company niyo!!' sigaw ni kaye na umiiyak pa..

"Isang Kasal???... Sa tingin mo madali lang yun para sa katulad kong may minamahal ng iba?" tanong ko kay Kaye...

"Oo bays, madali lang yun kung gusto mo talaga na di malugi ang company niyo Kung may gusto may paraan... makaaalis na ako!!" sagot ni Kaye at umalis habang ako napaupo sa bench ng hospital at patuloy na namomroblema sa mga pinagdadaanan ko... Di ko alam kung paano sasabihin kay Karylle ang lahat una ang totoong ako, at ang panggalawa ang kasal ko kay Kaye......

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Karylle...

Hindi ako makatulog ewan ko kung bakit?, siguro dalawin ko na lang ang lolo ni Bays mamaya at dadalhan ko ng bulaklak pero saan nga ba ang ospital???, ang tanga ko talaga pupunta ako sa lugar na hindi ko alam kung saan....

Tutal di naman ako makatulog at mag aala-sais narin bumangon na lang ako at nagbihis para maagang mabuksan ang Flower Shop at agad kong inayos ang bulaklak na dadalhin ko para sa lolo ni Peter. Ng biglang nag ring ang Cellphone ko akala ko si peter, pero number lang ang nakalagay kaya agad kong sinagot....

All This Time {VICERYLLE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon