Kabado Much!!

276 9 0
                                    

Umaga sa Flower Shop kung saan busy kaming lahat si Angel Busy sa pag kuwenta ng Pera sa Cashier, si anne nag che-check if kompleto ba ang mga gamit sa pag dedesign ng bulaklak at ako naman tinitingnan kung may kulang bang bulaklak madami kasing umuorder eh kaya kailangan maging kompleto ang lahat... Nagulat naman ako ng biglang may pumasok na lalaking napaka guwapo akala ko si Peter si Bong pala ;/

"Hey Ladies!, mukhang busy kayo ahh anyare Thursday na ngayon busy parin" sagot ni Bong..

"Haay naku kailangan maging Busy sa dami ba naman ng orders noh" sagot ko sabay lista ng mga bulaklak..

"Oh karylle diba ngayon pala pupunta si Peter sa Bahay niyo?" tanong ni Angel na kung saan ngayon ko lang rin naalala na pupunta pala siya sa bahay namin..

"Oo nga pala noh!!, eh mamaya pa naman yun eh" sagot ko.

"Ansaveh ni tita ng malaman niya na kayo na?" tanong ni Anne.

"Ayun masaya naman sabi niya pa nga kung saan ako masaya dun din daw siya" sagot ko ng biglang may napansin akong matanda na tumitingin sa mga bulaklak na naka display sa labas baka bibili kaya nilabas ko.

"Hi lola bibili po ba kayo?" tanong ko sa kanya pero ngumiti lang siya at sinabing:

"Gusto sana iha ngunit kulang ang perang to sa ganda ng bulaklak na ibibigay mo" sagot ni lola kaya ang ginawa ko ay ibibigay ko na lang sa kanya..

"Ay naku lola kahit po wag niyo na bayaran sa inyo na po yang mga Rosas na yan dahil po bagay po sa inyong kagandahan" sagot ko ng biglang hawakan ni lola ang mga kamay ko at nag simulang mag salita.

" *pumitas ng isang malapit ng malantang bulaklak na rosas mula sa bigay ko at inabot sa akin* Iha... Ang rosas na yan ay malapit ng malanta at parang pag-ibig para hindi maka hawa sa ibang magagandang rosas kailan mo siyang alisin o isakripisyo para pag nakita ng iba ay maging masaya sila sapagkat walang nalanta o naiiba, kaya sa pagmamahal kailangan mong mag sakripisyo para sumaya ang taong minamahal mo" sagot ni lola sabay talikod kung saan naalis ang tingin ko dahil tinawag ako ni anne.

"Girllll!!! Sinetch nanaman ba ang kausap mo diyan?" tanong ni anne.

"Si lo----" natigilan ako ng biglang mawala eh ang bagal mag lakad nun eh..

"Sino??.. Sino kausap mo?" tanong ni anne sa akin.

"si lola.. Binigyan ko pa nga ng bulaklak eh.. Baka sumakay na ng tricycle" sagot ko at pumasok sa loob pumunta ako sa storage kung saan dun nakalagay ang mga gamit ko ng mahawakan ko ang bulaklak na ibinigay ni lola.. Napaisip ako sa sinabi niya para kasing may Ibig-iparating kaya itinago ko na lang sa Wallet ng bag ko...

Bays....
     Andito ako ngayon sa isang napaka boring na Meeting na kung saan di ko matawagan si K dahil walang signal, break namin ngayon kaya nakakapasyal ako ng ganto palakad-lakad lang mga ganun ba...

Habang nag lalakad natanaw ko si Kaye na kung saan kasama din sa Meeting na yun dahil nga isa siya sa nag mamanage ng BaBad Companies dito na kung saan malaki ang shares sa company namin pero usap-usapan na may kapalit ang Shares na yun... Hindi ko na iniintinde yun si lolo na bahala dun noh!!..

"Hi Bays!!!, kamusta?? Alam mo ba nakaka kaba talaga pag kasama mo yung mga Big Boss ano?" tanong nito sa akin.

"Oo nga eh na pepressured ako, teka nga pala malaki daw shares niyo sa company namin ah?" tanong ko sa kanya..

"Ahhh oo si papa and lolo mo ang nag usap dun eh kaya hindi ko alam king ano ang excact amount eh" sagot nito.

"Eh ano yung hinihinging kapalit?" tanong ko ng biglang napatigil si Kaye sa pag lalakad.

All This Time {VICERYLLE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon