Short Time

389 5 0
                                    

Naglalakad ako sa may dalampasigan habang hawak-hawak ko ang camera ko at kinukunan lahat ng magagandang angulo ng isla. Naramdaman ko naman ang pag vivibrate ng Cellphone ko at puro txt yun ni Anne, Angel, Kayzee at 14 missed call galing kay Archie. Hindi ko muna pinapansin ang mga yun kaya tinurn-off ko ang phone ko at pinagpatuloy ang pag lalakad sa dalampasigan at kinukuhanan ng litrato ang isla na napakaganda.

Napaupo naman ako sa isang bato kung saan parang isang espesyal na bato dahil hugis Puso ito nagulat naman ako ng biglang may mag-abot sa akin ng picture ko na naka-upo sa Batong inuupuan ko.

"Malungkot ka nanaman" ????

Ng tingnan ko ang katabi ko si Bays ang nakita ko at nakatingin sa paligid.

"I need to go" sagot ko ng biglang hawakan niya nanaman ang kamay ko.

"Lagi kang nag wa-walkout sa tuwing nakikita mo ako bakit?? May nangyari ba?" tanong nito sa akin.

"W....wa..... Wala!" sagot ko at tumayo ng maayos.

"Wala pala eh.. Umupo ka muna diyan oh saluhin mo!" sabay hagis ng isang Beer in can sa akin..

Sinalo ko naman ang hinagis na beer in can ni Bays at bumalik sa inuupuan ko kanina at binuksan ang beer in can at uminom.

"Kamusta?" tanong ni bays habang nakatingin sa malayo. Napayuko naman ako at inaalog-alog ang beer na hawak ko.

"Ok lang" maikling sagot ko habang nakayuko parin.

"Ok lang??, after 5 years ok lang?" tanong ni Bays sa akin na ngayon ay nakatingin na sa akin.

"Oo" maikling sagot ko at sabay inom ng beer na hawak ko.

"Sorry nga pala kanina ahh" sagot nito.

"Para saan?" tanong ko sa kanya.

"Kanina, yung tinanong kita" sagot niya at sabay inom ng Beer.

"Ahhh yun ba ok lang yun" sagot ko na nakatungo parin.

"Narinig ko yung sinabi sayo ni Archie ahh, tatanggapin mo ba?" tanong niya sa akin.

"Hindi ko pa alam busy pa yung isip ko eh, at hindi pa siguro ako handa" sagot ko sa kanya.

"Karylle, puwede humingi ng favor?" yanong niya sa akin kung saan napatingin ako sa kanya at ngayo'y nnakatingin kami sa isa't-isa.

"Ano yun?" tanong ko sa kanya at uminom ng beer.

"My lolo want to talk to you" sagot nito kung saan naging dahilan kung bakit ako nabulunan at naidura ko ang ininom kong beer.

"Are you ok?" tanong niya sa akin.

"Oo.... Ok lang ako" sagot ko habang pinupunasan ang bibig ko.

"Karylle, please pumayag ka nang kausapin ka ni lolo haggard na haggard na kasi ako kakahanap ng dahilan para sabihin sayo to ehh" sagot ni Bays habang hawak-hawak na ang kamay ko kaya agad kong inalis yun.

"Pag iisipan ko, thanks nga pala sa beer pupunta na ako ng Hotel mauna na ako" sagot ko at tumayo at nagsimula ng maglakad.

Bakit ako kakausapin... Kinakabahan na ako.... Baka kung anong hingin nanaman ng favor nitong lolo niya. Ano ba karylle ano ba ang puwede kong maging desisyon kasi nahihirapan na ako una sa panliligaw na alok ni Archie. Panggalawa sa Favor na hinihingi ni Bays, bakit ba palagi na lang akong may pagpipilian o di kaya pag dedesisyunan sa pag-ibig nakakainis ganon ba talaga ang ibinigay na tadhana para sa akin??, ang GULO kasi Promise!!...
-
-
-
-
-
Masiyado atang wala sa timing yung pagkasabi ko sa kanya about kay lolo. Baka hindi siya pumayag anong gagawin ko.

All This Time {VICERYLLE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon