Ng makarating sa Airport ay agad naman kaming pinapasok o pina board na agad-agad siyempre habang papasok at papunta na sa eroplano agad namang tumitibok na ang puso ko bigla-bigla lang siguro dahil nga kinakabahan ako sa pag sakay ng eroplano...
Ng makapasok na ako ay agad namang hinila ako ni peter at bandang gitna kami umupo kung saan ay katabi ko ang bintana...
"Uy bakit dito pa?? Dun tayo sa likod!" yaya ko sa kanya...
"Wag na alam mo ba mas nakakatakot dun kasi nasa likod na sayo lahat ng pressure.. Sige ka" sagot ni peter.... Kaya napaupo na lang ako katabi siya...
"Eh kasi.... Kinakabahan talaga ako hindi ko alam ang gagawin ko!" sagot ko kay peter na bigla namang tumawa.
"Hahahaha ang cute talaga ng Malot ko kaya lalo akong naiinlove eh" sagot ni peter....
Tahimik lang akong nakikinig sa mga nag dedemo ng safety precautions bago tuluyang umalis ang eroplano, ng matapos iyo ay nag salita na ang stewardess na aalis na nga ang eroplano kung saan humihigpit ang kapit ko sa hawakan ng upuan ng biglang akbayan ako ni peter at tinapik ang balikat ko na parang sinasabi niya na " Wag kang mag alala" kaya medyo kumalma na ako nung mga oras na yun at dahil nga nasa himpapawid na kami wala na akong magawa kundi ituloy ang bitin kong tulog nakaka antok naman kasi eh....
Bays......
Ay naku napaka ganda talaga ni karylle walang halong eklavu!! Lalo nung maging kami halos lahat ng damit niya bagay sa kanya walang puwedeng itapon dahil ang gaganda lahat at bagay sa kanya, paulet!!! Ulet!!!??
Ang sarap palang maging Boyfriend!! Hahaha natatawa ako sa mga sinasabi ko.. Pero seryoso ang sarap ng feelings kasi yung gagawa ka ng dahilan para maging ikaw ang dahilan kung bakit siya sumasaya o di kaya kung bakit siya nagiging ok, gusto ko man sabihin sa mga kaibigang bakla ko na nahuhulog na ako kay karylle pero di ko magawa dahil alam ko naman kokonsensiyahin naman nila ako...
Nagising ako dahil sa tapik ni K, nandito na kami sa maynila. Iminulat ko ang mga mata ko ng makita ko ang mga taong nag sisitayuan na kaya ako rin ay napatayo ng makalabas ng Eroplano ay masaya kaming naglalakad na mag kakaibigan siyempre katabi ko si Malot ko naku baka mabatukan ako pag di ko tinabihan, ng makarating sa sakayan ng Taxi.
"Peter, sasakay na lang kami ng taxi nila Angel at anne ok na kami" sagot ni Karylle sa akin.
"ha?! Sure kayo? Oh sige inggat kayo ah" sagot ko sabay beso kila anne, angel at siyempre kay Mahal si K.
Ng makasakay sila ay sabay-sabay naman kamibg sumakay sa Van na naghihintay sa amin, ng makasakay ay nakapagpahinga ako ng maayos ng biglang nagsalita si Bong.
"Bays bakit mo ginagawa toh?" tanong ni Bong na agad kong ikinagulat dahil nga akala ko kilala niya ako sa panggalang peter... Naku Patay nah!!! Hindi ko na lang nilingon.
"Bays kinakausap kita!" sagot ni bong ng biglang lumipat ito ng upo ko kahit hirap pinilit dahil gusto niya ako makausap.
"Ano ba Bro!! Hindi nga ako si Bays!, im peter" sagot ko kay Bong ng muntik muntikan ko ng macrossed leg ang mga paa ko kaya napatingin na lang ako sa salamin..
"Excuse me!! Mr. Jose Mario Biseral!!, kahit ano mang make-up ang ipatong mo sa pag mumukha mo o kahit ano pang damit ang suotin mo kilalang kilala na kita at yung pilantik mo sa katawan di mo na yan matatago pa" sagot ni Bong na agad naman akong nakaramdam ng kaba kung sasabihin ko ba ang totoo o hindi ng biglang sumabat tong si Kaye...
"Ohhh Bays alam niya na pala eh, eh bakit mo pa tinatago?" tanong ni kaye sa akin tumingin ako ng masama kay Kaye...
"Oo na ako toh si Bays ano Masaya ka na?" sagot ko sabay ismid kay Bong at Kaye.
BINABASA MO ANG
All This Time {VICERYLLE}
FanfictionAll This Time bakit naramdaman ko pa tong nararamdaman ko para sa kanya, At bakit sa kanya pa?? na mayaman, mapera at makapangyarihan at eto pa BAKLA siya. habang ako taga-tinda lang ng simpleng mga Bulaklak at taga disenyo...sa tingin niyo Magugust...