Karylle....
Maaga pa lang ay gising na ako dahil ang flight namin ay 8:00am
Babyahe pa kami para pumunta sa Airport dun na lang kasi kami magkikita nila Bong, Bays at Girl Linta.
Sinundo na ako nila anne at angel na nasa Tricycle na kaya nag paalam na ako kay mama dahil tulog pa naman ang Dalawa kong kapatid Sorry sila hahaahaha. 6:00am sakto ay nasa Airport na kami nandun narin pala sila Bong at Kaye pero wala pa si Bays mag Bo-Board na ang kami tiyaka pa dumating tong si Bays at buti na lang nakahabol siya.
Sa Eroplano....
Papasok kaming Anim dahil nga may num. Na ng upuan ang ticket na binigay sa amin kaya kailangan dun kami umupo, Binigay ko ang Ticket ko sa Babae at itinuro niya sa Malapit sa Bintana ang upuan ko laya tuwang-tuwa ako ng biglang may lumapit na Stewardess sa akin at may inabot na bag.
"Hello Mrs. Biseral pinapaabot po ito ni Mr. Biseral mag Ccr lang daw po siya" sagot nito at abot ng Bag.
Mrs. Biseral??? Ha???
"Ate!! Ay Ms. Naku hindi ko po asawa yun" sagot ko ng biglang sumagot tong babae.
"Si ma'am talaga, naku ma'am wag na kayo mahiya halata naman po sa ticket niyo na pareho ang apilyedo niyo" sagot nito at umali tiyaka ko naalala pareho nga pala kami ng Apelyido sa Ticket dahil mali ng Type, pero siguro naman ay hindi maging dahilan ito para makasama ko siya palagi ayoko na sa kanya ba-bastedin ko na siya...
Ng makita ko siyang tumabi sa akin at mukhang tuwang-tuwa, ako naman ay naka crossed armed at nakatingin ng masama sa kanya habang siya naman ay nakatingin lang sa akin...
"Ikaw!!" sigaw ko sa kanya pero yung tama lang hindi yung rinig ng iba ang nakakarinig lang si Bong at anne sa likod at harap na sila Angel at Kaye..
"ako?? Ba yun?" tanong nito
"Hinde siya...natural ikaw sino paba katabi ko?" sagot ko sa kanya..
"Eh bakit ba?? at galit ka may nagawa ba ako?" tanong nito..
"Mrs. Biseral?? Ano meaning nun?" tanong ko sa kanya habang nakatingin parin ng masama.
"Mrs. Biseral?? Ano kaba naman karylle nakatapos ka ng pag aaral di mo alam ang Mrs. Biseral siyempre panggalan yun" pambarang sagot ni Peter sa tanong ko.
Iniinis nanaman ako ng lalaking toh at marunong mambara pa parang bakla...
"(piningot) ahhh kailan ba kita makakausap ng maayos!" sagot ko.
"Arraay ko naman karylle" reklamo ni peter sabay hawak sa tengang piningot ko
"Hala uy!! Kayong dalawa wag niyo naman seryosohin ang Technical Problem diyan sa ticket niyo, masiyado kayong sweet parang Newly-Wed" sagot ni anne
"Newly-Wed ba anne?? uy Asawa ko pakiss nga (sabay nguso)" sagot ni Peter..
"Yuck peter Puwede ba itigil mo na yan kadiri ka!" sagot ko sabay tingin sa labas ng bintana..
Ilang Minuto na lang ay aandar na ang eroplano buti na lang ay may libro akong dala upang makabasa habang nag babyahe, habang ang katabi kong nang aasar ay tulog na
Sa totoo lang wag kayo mainggay kahit pang-ilang beses na ako nakasakay sa Eroplano kinakabahan parin ako sa tuwing lalanding at aandar ito pataas kaya minsan napag kakamalan akong First-Timer..
Ayan na Aalis na tapos na mag bigay ng Reminder ang Stewardess ay nagsimula nang umandar.
Napahawak ako sa Hawakan ng upuan ng eroplano dahil kinakabahan ako at nakasandal lang ako sa upuan at nakapikit dahil parang lumilipad ang Puso ko sa kaba.......nanginginig na ako nagulat ako ng biglang may humawak sa kamay ko ng mahigpit yung Holding Hands napamulat ako si Peter ang Humawak ng Kamay ko tatanggalin ko sana pero lalo niyang hinigpitan at nag salita.
BINABASA MO ANG
All This Time {VICERYLLE}
FanfictionAll This Time bakit naramdaman ko pa tong nararamdaman ko para sa kanya, At bakit sa kanya pa?? na mayaman, mapera at makapangyarihan at eto pa BAKLA siya. habang ako taga-tinda lang ng simpleng mga Bulaklak at taga disenyo...sa tingin niyo Magugust...