Chapter 41: Confused

97 3 3
                                    

Chapter 41: Confused

"Jamie, mahal talaga kita."

"Jamie, mahal talaga kita."

"Jamie, mahal talaga kita."

Pauilt ulit na yan sa utak ko! Argh!

"Huy. Yan ka nanaman e, tulala-ers. Uso ba un ngayon ha? Makagaya nga." nang-asar pa tong si Crislyn.

"Baklita ka talaga." pinalo ko sya ng mahina sa braso.

"Hay naku, ikwento mo nalang samin yan." sabi ni Isabel. Kwinento ko ung nangyari 2 days before. As much as possible kapag nadadaanan ko si Gino iniiwasan ko sya.

Pretty stupid move, dahil una, kaklase ko sya. How am I supposed to avoid him? Wala. Mahirap. Pangalawa, I always catch him looking at me. Well.. hindi naman lagi, pero madalas.

"Head over heels ang loko." sabi ni Isabel.

"Tsk tsk. Masama to." sabi naman ni Crislyn.

"I know. Hindi ko na alam kung ano gagawin ko." I rested my chin on my hands.

"Mm, idaan mo nalang sa kain, o." inabot sakin ni Isabel ung plato ng macaroni. Nasa canteen kami, the usual seats, of course. Pero wala sina Luke.

"Nakausap mo na si Luke? Tungkol dito, I mean." sabi ni Crislyn.

"Hindi pa. Ewan ko ba, pero parang.. ang layo nya. He's here, pero wala ung isip nya. Lumilipad."

"Gets gets, physically present, mentally absent." tumango tango si Isabel sabay subo sa leche flan.

"Enebeyen." umiling nalang si Crislyn.

"Asan ba sila ngayon?" tanong ni Isabel.

"Sa music room. Nagpapractice." sagot ni Crislyn.

Tempted na akong kausapin si Luke tungkol kay Gino. Baka magselos un..

"Puntahan natin baka hindi pa kumakain si Ale-"

"Let's go." may kumuha sa kanang braso ko at hinatak ako patayo.

"A-aray!" mahigpit kasi ung hawak sakin.

"L-luke? San mo sya dadalhin? T-teka lang!" sinundan kami nina Isabel na binibilisan ung lakad nila. Halos kaladkarin na ako ni Luke dito sa hallway.

"Luke, masakit." sinusubukan kong alisin ung pagkakahawak nya sa braso ko pero hinigpitan nya lalo. Buti nalang wala masyadong tao. Patapos na kasi ang recess.

Dinala nya ako sa may parking.

"Sakay." his voice was full of authority. Binuksan nya ung pintuan ng kotse nya. Ngayon ko lang sya nakitang ganto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

How to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon