Chapter 2: Cafe Seoul

499 19 13
                                    

Dedicated to cuteredone ^^ salamat sa dedication~ ^^ 

---

2

Kahit sa classroom, pinagtitilian pa rin nila ang bandang Litmus. Ano ba meron dun?

Habang nagpapaliwanag yung teacher sa harap, halos lahat ng estudyante nagkukwentunhan tungkol dun sa Litmus. Parang hindi naman sila worth pag-usapan. Dahil na rin sa curiosity, tinanong ko na yung katabi kong si Alice.

"Alice, kilala mo yung Litmus?" I tapped her shoulder. Pagkarinig niya ng salitang Litmus ay agad naman siya lumingon.

"Ohmygosh! Kilala mo rin sila? Ohmygosh! Ang galing nila noh? Ang gugwapo pa! Yiiee!" narinig lang yung Litmus excited na. 

"Sorry, pero hindi ko sila kilala. Sino ba sila?" napakamot ako sabay tingin sa teacher. Mukhang hindi naman niya napansin yung pagfafangirl ni Alice.

"What?!" bigla niyang sigaw.

"Ssh! Wag kang maingay!" sinilip ko uli yung teacher namin. Again, walang reaction.

"Sorry sorry. Nagulat lang ako.. Hindi mo sila kilala? Wow." napa-iling siya. Big deal na ba kapag hindi mo sila kilala?

"No.. So, sino ba sila?" tanong ko uli.

"Banda sila na sikat sa isang music lounge malapit dito sa school. Try mo silang pakinggan! Nandun sila sa Cafe Seoul." she smiled.

Mukhang okay naman ang feedback sa kanila. Tumango nalang ako sa kanya at nagpasalamat.

Should I try? Nah. Nakakatamad. Bahala na.

--

Somehow, nawala rin sa isip ko yung nangyari kaninang umaga. Buti naman, at baka sugurin ko siya.

"Hoy Shoe shine, ano score mo sa test?" tawag sa akin ni Lance pagka-upo ko.

"92, ikaw?" sagot ko.

"Anakng. Bakit ba laging mas mataas ka kaysa sa akin? Kainis naman!" padabog niyabg ibinaba ang test paper sa mesa.

Kabibigay lang kasi sa amin ng test paper namin sa Chinese history. Usually 80 to 85 ang dapat naming makuhang score kung hindi, may parusang makukuha galing sa teacher naming terror.

"Bakit, ilan ka ba?" I smiled. Natutuwa ako kapag nakikita kong naiinis tong si Lance. Ever since grade school, magkaklase na kami sa Chinese class. At dun na nagsimula ang almost competition namin. Hindi ko naman kino-consider na kompetisyon yun, dahil magkaibigan kami.

"90. Two points nalang eh!" nakasimangot na siya. Haha!

"Hayaan mo na, bumawi ka nalang next time. Alam mo namang bihira lang akong makakuha ng score na mas mataas sa'yo."

"Alright alright." natawa nalang ako sa itsura niya dahil mukha siyang nalugi. Petiks petiks lang naman ako pagnag-aaral, pero alam ko naman kung kailan kailangan maseryoso.

Welcome to Centerscore High, Filipino-Chinese school ito kaya meron kaming Chinese classes sa hapon. From 7am to 4pm ang klase namin, pero atleast wala kaming pasok sa Sabado tulad ng ibang school.

Hindi kami magkakaklase nina Isabel at Crislyn sa Chinese. Si Isabel nasa susunod na classroom lang habang si Crislyn nasa panghuling section.

At kung bakit 'shoe shine' ang tawag sa akin ni Lance, dahil iyon sa palabas na Johnny English. May linya siyang sinabi na parang shoe shine pero mas mabilis.

"Hoy girl, yung Litmus! True ba yung balita?" ang lakas naman ng boses ng kalikod ko. Pambihira.

"Oo noh! True na true! Makikita na natin uli sila after a month of hiatus! Oh yes!" sagot ng katabi niya. Jusko. Dagdag ingay naman!

"Sa wakas makikita na natin si papa Luke!" sabay nilang tili.

"At si Aaron noh! Don't forget, gwapo rin iyon." dagdag naman ng kalikod ko. Ohmygosh. Kaya naman pala pinagkakaguluhan, dahil gwapo raw.

"Litmus nanaman ang topic." napa-iling nalang ako. Napalakas siguro ang bulong ko kaya lumingon sa akin si Lance.

"Wag mong sabihin fan ka rin nila?" tanong niya. Me? Fan?

"Ni hindi ko nga sila kilala, paano naman ako naging fan nila?" I snorted.

"Buti naman. Akala ko isa ka na rin sa kanila." sabay turo sa mga babaeng nasa kabilang banda ng kwarto na pinag-uusapan ang Litmus.

"No.. Do you know them?" ang dami nilang fans.. ibig sabihin ba eh ganoon na sila kasikat?

"Napanood ko sila isang beses, at okay naman. Pero karibal namin sila pagdating sa mga babae. Nganga kami!" nagdikit ang kilay niya. Oonga pala, medyo may pagka-babaero rin pala tong hayop na to.

"Buti nga, nakahanap ka rin ng katapat niyo." I snickered. Parehong pareho sila ni Sky, kaklase ko naman sa English na napaka-playboy. Kung may course yang pinaggagagawa nila, naku, topnotcher iyan. Baka nga valedictorian pa eh.

"Grabe ka naman makasalita! Mas malala pa rin si Sky sa amin noh!" ang lakas ng tawa ng baliw.

"Pssh. Pare-pareho lang kayo. Mga gago." I shook my head. Tama bang paglaruan ang babae na parang laruan? Hindi diba? Mga bastos talaga.

"Shoe shine, may pinanghuhugutan ka ba? Hahaha!" nang-asar nanaman siya.

"Baliw. Alam mo naman na never pa ako nagka-boyfriend. At, wala akong balak magkaroon."

Kahit na merong mga manliligaw,  wala akong sinagot niisa sa kanila. Hindi naman sa choosy ako, takot lang ako pumasok sa isang relasyon.

"Hahaha! Sabi mo eh! Hahaha!" at tuluyan na akong inasar ng lalaking to.

--

"Bye Jamie! Yung assignment ah, pakisend nalang. Salamat!" kinawayan ako ni Alice mula sa faculty.

"Sige, bye!" hinatak na ako nina Isabel at Crislyn paalis ng school. Nagugutom na mga yan, panigurado.

"Bheeee. San tayo?" malambing na tanong ni Crislyn.

"Hep hep hep. Sa susunod na yung libre, kung iyon man ang tinutukoy niyo." I raised a hand to stop them. "San ba tayo?"

"May bagong kainan malapit dito. Masarap daw dun. Try natin?" aya ni Isabel.

"Osige. Pero pag hindi masarap dun ililibre mo kami ah!" hamon ko. Mahilig kasi tong si Isabel mag-aya kumain sa mga bagong restaurant o mga may maraming namili.

"Sige. Pero pagmasarap.. ako ililibre niyo ng isang nai cha!" hamon niya pabalik sa amin. May paborito kaming shop na nagbebenta ng nai cha na galing sa Taiwan. Masarap siya, pero may kamahalan.

Habang naglalakad papunta dun sa kainan, something caught my eye.

"Puro nalang Litmus naririnig ko sa classroom! Nakakasawa na, diba Jamie? Jamie?" nilingunan ako ng dalawa pero hindi ko napansin.

Tinitigan ko ang poster na lumipad sa may paahan ko.. Poster ng Litmus.

Pinulot ko ito at doon, alam ko na kung bakit pinagkakaguluhan sila ng mga kaklase ko.

May limang lalaking naka-pose. Magkakaakbay sila. Maayos din naman porma nila, at majority nakablack sila.

"Isa, Ily, lika kayo dito." tinitigan ko pa yung poster. A week from now, pupunta na sila dito. Sa Cafe Seoul nga ang venue.

"Ano ba yan at-- Ooh yung Litmus!" sabay turo ni Crislyn sa papel na hawak ko.

"Cafe Seoul.. 7:30pm.. Friday. Teka may lakad ba tayo ng Friday?" tanong ni Isabel. Agad akong napatingin sa kanya na malaki ang mata.

"Nagbabalak ka ba pumunta?" tanong pabalik ni Crislyn.

"No.. Nagtatanong lang. Idadala ko dun kapatid ko para masolo ko yung bahay. Haha!" may nakababatang kapatid si Isabel na first year high school lang. Di mo aakalaing mas matanda si Isabel kapag nagtabi sila. Mas matangkad at mas malaman kasi siya kaysa kay Isabel.

"Aah. Akala ko kung ano nanaman balak mo." binelatan nalang siya ni Isabel. Kaya naman pala maraming poster dito ng Litmus.

Nasa tapat lang kami ng Cafe Seoul.

How to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon