4
Mabilis na kumalat sa year level namin ang nangyari kahapon.
"Siya iyan, diba?" sabay turo sa akin ng ibang chismosa. Kung makapagbulungan ang lakas. Bulong pa ba yan?
"Pambihira." narinig kong bulong ni Isabel. Diretso lang ang tingin ko habang naglalakad papunta sa locker namin.
"Just.. wow. Pati ako walang masabi sa ginawa mo bhe! Ang galing." pumalakpak si Crislyn. Baliw talaga to.
"Nakarating na raw ang Litmus! Yieee! Must. Stalk!" halos ibulyaw ng babaeng dumaan sa likod namin yung balak niya. Jusme.
"Stalk? Jeez." umiling nalang ako.
"Oonga pala noh. Ngayon ang dating nila. Makakarinig nanaman ako ng Litmus facts." natawa kami sa sinabi ni Isabel.
Sana naman next week mawala na tong fever nila sa bandang to. Malapit na rin naman ang weekend. Buti nalang.
"Oh. Teka lang, saan mo nakuha to?" nakita ni Crislyn yung keychain na nakuha ko kahapon.
"Doon din. Pagkalabas mo sa student hall, may nag-aabang na babae dun, nagbibigay ng keychain. Iyan. Nakuha ko dun." sinara ko na yung locker ko at hinintay sila bago matapos.
"Akala ko naging fan ka na rin nila. Haha!" pang-asar na sabi ni Crislyn. Binalik niya yung keychain sa akin at binalik sa bulsa ng bag ko.
"Nooo. Never." I shook my head.
"Oops, wag magsalita ng tapos, malay mo magbago." sinara na nila locker nila at naglakad na kami uli.
"Infairness ah, maayos ang pagkaka-organize ng event." dagdag ko.
"Meron pa mamaya noh. Baka magulo na. Haha!" to talagang si Ily. Loka-loka.
"May mga magstastalk, so baka kaunti nga lang tao dun." Isabel shrugged.
"Excuse me, Ms. Castillo?" sinalubong ako ni Ma'am Lopez, secretary sa Dean's Office.
"Po?" napatigil kami sa paglalakad.
"Pinapatawag ka ng Dean."
--
"Good morning, Jamie. Please sit down." bati sa akin ni Sir Lim.
Si Sir James Lim ang Dean ng school. Nasa may mid-40's na siya pero hindi halata sa itsura niya.
Kaninang first period ko pa iniisip kung ano ang nagawa ko. Baka yung tungkol sa kahapon. Hah. Hindi siguro nakayanan ng babaeng iyon at nagsumbong.
"I would like to commend you, that you're one of the best students in this school.." woah. Ako? Di nga?
"Thank you, Sir." I smiled. Para siyang si Papa kung magsalita. Alam mong matapang pero mahinahon ang boses niya.
"And I would like you to do a task." dagdag niya. Task? Ano naman kinalaman ng pagiging best ko sa school sa task na iyan?
"Ano po iyon? How can I help?" sana naman hindi mahirap iyan.
"The band Litmus is considering our school as their, well, second home stage. I want you to accompany them."
Wait, what? A-ako? Ako ang mag-aasikaso sa kanila?!
"W-wait, Sir, pwede po ba-"
"And I have faith in you. Alam kong magaling at mabait kang estudyante. I hope you can make them feel at home."
Nakakainis naman! Ako? Assistant nila? Parang tour guide na nga rin ako sa gagawin ko eh!
"Pupunta sila dito sa school next week. Either sa Monday or Tuesday ang tour nila dito sa school. I'll inform you. Yung mga klase na mamimiss mo, ako na ang bahalang mag-excuse sa'yo. Thank you, hija. You may go." nakangiti niyang sabi.
I forced a smile and left.
Instant assistant na ako ng bandang iyon! Argh.
--
"Congratulations, bhe. Instant."
"Nakakailan ka na sa akin ah, Ily. Isa pa." biro ko. Pero may halong inis sa boses ko dahil dun sa nangyari kanina.
"Iyan tuloy, Ily. Push mo pa yan, sige." binelatan ni Isabel si Crislyn. Tinignan ko nalang sila bago ako maghugas ng kamay. Buti nalang wala gaanong tao dito sa cr, at baka sugurin akong ng mga fangirls.
"Huuy. Tama na yan. Halika na nga. Wag niyo munang sasabihin kahit kanino tungkol sa sinabi ko sa inyo ah? Hindi pa naman daw sure eh." I shushed them and led the way out.
Bakit kasi ako pa yung napili? Maraming iba dyan ang willing maging assistant. May iba pa nga papatay para lang makuha kung anong oportunidad ang binigay sa akin ng Dean.
Bumalik na kami sa kina-uupuan namin. Tinignan lang kami ng teacher at nagpatuloy sa pagturo.
Sinubukan kong makinig sa teacher namin pero wala, nadidistract ako dahil sa mga kaklase kong dada ng dada sa Litmus.
"Lumala lang lalo yung fever. Buisit." hinarap ako ni Sky.
"Oonga eh. Badtrip." pabulong kong sagot. Baka marinig ako ng Acids and Bases dyan at mapaaway nanaman ako ng di oras.
"Okay sana kung yung mga tipong All Time Low o di kaya Paramore yung dumating tapos nagfafangirl sila. Pero.. Litmus? Jeez." ginulo ni Sky ang buhok niya. Naging kamukha niya tuloy yung artista sa isang palabas na Koreanovela, yung To the Beautiful You. Yung hinahabol yung gymnast. Nakalimutan ko pangalan niya.
"Ssh! Hinaan mo nga boses mo. Baka may bigla nalang sumugod sa'yo nyan at sapakin ka." tinuro ko yung mukha niya at sinundot sundot sa may pisngi.
"Hah! Tignan natin kung may makakagawa nyan! Pustahan tayo, hindi mangyayari yan." ang yababg talaga ng baboy na to.
"Sige, pag nangyari iyan, ibig sabihin ako nanalo. And I get to let you do stuffs. Deal?" inilahad ko ang kanang kamay ko.
For a moment, Sky hesitated. Pagkatapos ay kinuha niya rin ang kamay ko at nakipagkamay.
"Deal."
--
Pagka-bell ng uwian ng Chinese ay agad na nakipag-unahan na ang mga tao, este mga babae sa gate.
"Nasa Hampstead Royal Hotel daw sila nagstastay!" rinig kong sabi ni Alice habang naglolocker kami.
"Woaah. Di ba mahal dun? As in, ginto ang presyo ng isang kwarto dun. Single bed lang ata yun ah." pa-iling na sabi ni Ella, kakapwa fangirl ni Alice.
"Paano niyo nalalaman kung saan sila nagstastay? Hindi ba parang.. kept in private iyon?" biglaan kong tanong. They looked at me and smiled.
"Sa Twitter or sa fanpage sa Facebook, merong mga expert na nagstastalk sa kanila. Kahit anong private ang gawin nila, malalaman at malalaman namin." sabay kindat ni Ella.
Hindi ba parang ang creepy nun? Every move mo, bantay na bantay. Ang dami pang tumitungin sa mga kilos mo.
"Pero siyempre, alam namin mga limitasyon namin." dagdag ni Alice.
Tumango nalang ako. Saktong dumating sina Isabel at Crislyn kaya nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko at umalis na.
BINABASA MO ANG
How to Love
Teen FictionJamie never planned nor expected to fall in love. Pero nang dumating ang lalaking ubod ng yabang, the course changes. Love comes unexpectedly nga naman. Pero kung kelan naman gumaganda ang lahat, something comes up, and she breaks and falls. Will s...