11
Tulala ako buong magdamag nung nasa kainan kami. Turns out, yung kainan na yun, fast food siya, pero medyo may kamahal yung pagkain. Medyo classy kasi, bagay sa school na katapat niya.
What Luke said a while ago bugged me. Hindi ko narinig yun ng buo, ang narinig ko lang is 'you'. Ewan ko kung ano ang pinagsasabi nun. I asked him to say it again, pero wala, deadma lang ulit. Back to the cold treatment. I tried talking to him, pero wala. Okay fine. Eh di 'wag.
Tapos pati yung lalaki kanina na kasama yung artistahing babae. Sobrang pamilyar lang talaga kasi yung mukha nung lalaki, para bang matagal ko na siyang kilala.
Hindi pa rin ako pinapansin ni Luke. Para bang ang laki ng kasalanan ko sa kanya kaya hindi niya ako pinapansin. Tinanong nina Crislyn si Luke kung bakit hindi niya ako kinakausap, he just shrugs, at minsan, magwawalk-out.
"Sasali ba kayo sa try out sa dance troupe ng school?" tanong sa'min ni Alice isang araw. Kalat nga sa buong school ang try outs ng iba't ibang clubs, at pinaghahandaan pa iyon ng iba. Para kasi sa school namin, big deal iyon. May pangalan kasi ang school namin pagdating sa extra-curricular activities.
"Next week lang ba yun?" tanong ko kay Alice. Minsan kasi nageextend sila ng dates. May isang beses, halos isang buwan sila naghold ng auditions or try outs.
"Daw, kasi magiging busy na tayo after that week. Malapit na ang school anniversary, seventy fifth to be exact." paalala niya. At dahil special date, ay panigurado bongga ang handa ng school. Nakausap nga pala ako ng Dean tungkol dyan. Magpaparticipate sina Luke sa anniversary, kaya dapat ko silang tulungan o kaya bantayan pa. Ano pa ba sila, bata, ganun?
"Saang group mo balak sumali?" tanong ni Lucy, best friend ni Alice. They named a few groups. May magchochoir, cheering, basketball, soccer, at yung dance troupe.
"I'm not sure." sagot ko sa kanila nang tanungin nila ako. Actually, wala talaga akong balak sumali. Hindi naman kasi required sumali sa kahit anong group or club. Pero may advantage ang pagsali sa groups, mae-exempted ka sa PE.
Out of the blue, naalala ko si Luke.
Tss. Why bother remembering that guy? I shook my head. Bakit ko nga naman siya pagtutuunan ng pansin? Kung ayaw, eh di 'wag. 'Wag pilitin. Not my problem.
"First week of next month daw magsisimula na raw tayong magprepare para sa school anniversary, which is like, two weeks from now. Tama ba?" dagdag ni Alice. Napaka-excited naman ng school.
They nodded. Grabe. Panigurado maraming sasali na Seniors, since last year na nila. Kukuha na ag mga clubs ng mga bagong kapalit ng mga seniors. Sasali ba ako?
--
May mga flyers ng iba't ibang clubs at sports teams ang nakakalat sa buong school. Patong patong na nga eh, kaya yung ibang nag-aadvertise, natatakpan na. Pero sa lahat ng flyers na nakadikit sa bulletin board, yung advertisment ng Dance Troupe ang pinakanakakuha ng atensyon ko.
Tinanong ulit kami nina Alex kung sasali kami sa mga clubs. We shrugged. Wala naman kasi talaga kaming balak. Ah, bahala na.
BINABASA MO ANG
How to Love
Teen FictionJamie never planned nor expected to fall in love. Pero nang dumating ang lalaking ubod ng yabang, the course changes. Love comes unexpectedly nga naman. Pero kung kelan naman gumaganda ang lahat, something comes up, and she breaks and falls. Will s...