Chapter 9: Surprise

315 6 0
                                    

9

"Ayy bhe. May kainan daw doon sa may kabilang school. Sa ano yata, sa may Faith High School. Masarap daw doon!" sabi ni Isabel.

"Bakit parang updated ka kapag tungkol sa pagkain?" tanong ko habang nag-aayos ng gamit. Halos lumabas na lahat ng tao dahil lunch break na.

"Ha? Di naman. Nagkataon lang na kanina napadaan ako dun. Eh may narinig akong nagchichismisan, tinuro yung kainan. Ayun. Hehe." sagot niya. Napa-iling ako habang si Crislyn ay natawa.

"Sige. Puntahan natin yan bukas. Oo nga pala, tinext ka ba ni Luke?" tanong ni Crislyn habang papuntang canteen. Bago sila umalis kahapon ay binigay niya number niya sa'kin. Siya ang kusang nagbigay.

Agawin ba naman ang cellphone ko saka nilagay yung number niya bago umalis. I ended up getting a few bruises dahil sa mga cellphone na tumama sa braso ko. Kasalanan niya 'to eh.

"Bakit naman ako itetext nun? Magtetext lang yun kapag may kailangan siya. Assistant eh." naupo kami sa pwesto namin at nag-order na.

"Uuy. Pero inaabangan niya yan. Yiee." kahapon pa nila ako inaasar pagkatapos nilang malaman na nilagay ni Luke number niya sa phone ko.

"Hindi rin." napatawa ako sabay iling.

"Para sa'kin ah, bagay naman kayo eh. Ang cute niyo nga tignan eh." dagdag ni Isabel.

"Gutom lang yan. Kumain ka na." sinimulan ko ng kainin ang pagkain ko nang biglang tumunog ang phone ko. Pwede naman gumamit ng phone sa cafeteria basta hindi ka magpapahuli.

"Si Luke?" sabay nilang sabi habang may malaking ngiti sa kanilang mga labi. I shushed them and nodded.

"Anong kailangan mo?"

"(Next time, don't put your phone in silent mode. I've been calling you since nine am.)"

Tinignan ko agad ang missed calls. Nakalima na siya.

"Eh anong gusto mo? Ilabas phone ko habang nagkaklase?"

"(You didn't even reply to my texts. I was worried.)"

Napakademanding naman ng lalaking 'to! May sinabi siya na huling sentence pero hindi ko narinig.

"Anong sabi mo?"

"(Uh.. Wala wala! Nakalimutan ko na. I'll just text you again. This time, magreply ka.)" sabay baba sa telepono.

"Ano raw sabi?" sabay nilang tanong.

"Kalma lang. Nakalimutan na niya sasabihin niya kaya itetext nalang niya." istorbo naman yung lalaking yun. Kumakain ako eh.

"Naku, namimiss ka lang nun." at naghigh-five ang dalawa.  Napailing nalang ako.

"Bakit naman ako mamimiss nun?"

"Kasi.."

"..nagpapapansin siya? Hahaha!"

Sabay ata pinanganak tong dalawang to eh.

Hindi ko nga alam kung bakit okay ang tingin nila kay Luke eh. I mean.. gwapo siya, pero sa ugali? Nakakaturn-off. Sobrang conceited. Akala mo kung sino. Bipolar pa!

Bahala nga siya.

--

Kaninang hapon pa ako tingin ng tingin sa telepono ko pero wala pa rin akong nakukuhang text.

Inaasar nga nila ako kanina habang kumakain sa Cafe Seoul. Kaya raw doon kami kumain dahil sa akin at kay Luke. Thankfully, wala sila dun. Pero.. hindi ako ganoon ka natuwa na wala sila doon.

How to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon