Dedicated to my best friend, na nagpakilala at nag-encourage na magsulat ako ng story sa Wattpad. :)
---
1
Pagpasok ng classroom, lahat ng kaklase ko ay may hawak na isang stem ng rose, making a way somewhere. What's going on? Tapos na Valentine's aa.
"Ano to?" bulong ko sa mga kaibigan kong sina Isabel at Crislyn.
"Just go! Kunin mo yung mga bulaklak, okay?" bulong pabalik ni Crislyn. They giggled and ushered me to go on and walk.
Yung iba kong mga kaklase, pagka-abot sa akin ng rosas ay ngingitian ako at sasabihan ng 'Ang swerte mo!'. Paano naman ako magiging swerte eh hindi ko nga alam kung anong nangyayari?
Pagdating sa dulo ay naharap ako sa classroom naming may lalaking nakatalikod at may mga balloons sa sahig. Meron ding balloons na nakashape ng letters na nakalagay 'Please?'. I think I have an idea kung ano na ang nangyayari dito.
"Jamie."
Sabi na nga ba eh.
"Carlo, kung ano man to-"
"Stop. Hayaan mo naman ako this time. Please?" he cutted in.
Here we go again.
Tumalikod ako at nakita ang buong klase na nakatingin sa aming dalawa, habang inaasar kami. Hinanap ko yung dalawa kong kaibigan at nilakihan sila ng mata, asking for an explanation para dito.
"Jamie.. alam mo naman kung ilan beses ko na tong ginawa. I'm sure alam mo na ung ano ang gusto kong tanungin." simula niya. Parang narerewind lahat ng ginagaw niya dati.
Meet Carlo Garcia, and this is the third time na gagawin niya ito.
"Carlo, please, ta-"
"Jamie, again, uulitin at uulitin ko ito hanggang sa magsawa ka, hanggang sa mabingi ka na sa kakarinig ng sinasabi ko. Again, I love you. Please, please give me a chance. Can you be my girlfriend?"
He sounds so desperate. Ayoko mang manakit ng ibang tao, pero wala akong choice, hindi ko nararamdaman kung ano ang nararamdaman niya para sa akin.
Hinarap ko muna ang mga kaklase ko at pinaki-usapan silang lumabas muna ng classroom. Naaawa ako dun sa tao, ilang beses ko na siyang sinaktan dahil ilang beses na rin akong humindi. I'd like to talk to him in private.
"B-bakit..?" tumingin siya sa mga kaklase naming nag-aantay sa labas ng room.
"Carlo.. We've had this conversation already, tama ba?" dahan-dahan kong sabi. I have to break his heart again.
BINABASA MO ANG
How to Love
Teen FictionJamie never planned nor expected to fall in love. Pero nang dumating ang lalaking ubod ng yabang, the course changes. Love comes unexpectedly nga naman. Pero kung kelan naman gumaganda ang lahat, something comes up, and she breaks and falls. Will s...