Chapter 10: Cold Treatment

331 6 4
                                    

10

"W-wala ka bang sasabihin?"

Tumingin ako sa mga mata niyang punong-puno ng pag-asa. I suddenly felt guilty, pero wala eh. Haayy. Kasalanan ko nanaman 'to.

"I'm sorry, James. Sorry." umiling nalang ako. I patted his shoulder. 

Ngumiti siya ng pilit, "Okay lang. Sanay na ako. Haha" sabay tingin sa malayo.

"You'll find the right girl for you someday. Just be patient." I added. Tumango lang siya't nanahimik.

After a few seconds, humarap siya sa'kin at naglahad ng kamay. "Friends?"

Tumingin muna ako sa kanya bago tinanggap ang kamay niya. "Friends."

Mabait namang tao si James. Matulungin, open-minded, tapos makulit pa. This year lang kami naging magkaklase, at bihira pa kami mag-usap.

Then I heard rumors na crush daw niya ako. I didn't mind. Paghanga lang naman ang crush eh.

After a few days, nagpaparamdam na si James. Medyo nagpapakita ng motibo. He stopped a few days before may umamin sa'kin at sinumpaan ako.

"Tara, sabay na tayo." aya niya. Tumayo na siya't inaantay nalang ako tumayo.

"'Wag na, okay lang ako." I gave him a thumbs-up.

"Sige na. Tara. Tsaka magbebell na rin." sabay turo niya sa relo niya. Napatingin naman ako sa relo ko. Magbebell na nga.

I just nodded and started walking. Habang naglalakad pabalik, nakita ko si Gino, tumatakbo papunta sa kotse niyang itim at mukhang may sinasabi. Saan kaya siypupuntaTsaka, mukha siyang galit, nagmamadali pa. Maybe something happened.

Nung nasa may corridor na kami, nakita ko naman si Luke sa di kalayuan. I immediately remembered what happened last night. I bit my lip and bowed my head. 

I decided to greet him. Hindi naman masama di ba? Tsaka magkaibigan na naman kami. I was about to wave nang dinaanan niya lang ako. Wow. So much for being friends. Parang kagabi lang akala mo inulanan siya ng bait, ngayon naman.. Tss. What's with him anyway?

Why would I even care? Pssh. Bahala siya.

Kunware nalang akong nagkamot. Para naman hindi mapahiya. Buti nalang konti nalang tao dito, katatapos lang kasi ng recess.

Pagpasok sa classroom, sinalubong kami agad ng mga tingin. Now what? Nauna nang umupo si James sa pwesto niya, tsaka ako sumunod. Hindi ko nalang pinansin yung mga tingin na binibigay ng mga kaklase ko, makakadagdag inis lang yan sa nararamdaman ko. Sayang siya, gwapo nga, magaling kumanta, snobber pa! Buti hindi ko siya pinansin kanina kung hindi, napahiya lang ako.

How to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon