5
May banner sa labas ng school na nakalagay na success ang event ng Acids and Bases at nagpapasalamat sila.
Ibig sabihin, suportado ng school ang pagfafangirl ng mga estudyante nila? Saan naman mapupunta yung funds na naipon nila?
"I heard nagbebenta sila ng tickets para sa performance nila mamaya, at mahal ang presyo." sabi ni Isabel habang naglalakad kami papasok ng school. Baka raw malate si Ily dahil traffic sa dinadaanan niya.
"Sino ang nagbebenta?" I asked out of sudden interest.
"Student council. Alam mo na." nakasalunong namin ang isang member ng student council na may bitbit na banner. Pagkadaan niya ay tsaka ako nagtanong.
"Saan kaya napunta yung funds na naipon sa event?"
"Narinig ko na sabi ni Juliet na ipambibili raw nila iyon ng mga banner. Magpapagawa pa sila." si Juliet ang vice president ng student council. Senior na siya, tulad ng council president na si Ira.
"Hindi inakala na ganyan kasikat sila." may mga nakasalubong kami na mga kaklase namin na may pin na nakalagay sa mga ID straps nila.
"At mamaya na ang performance nila." kahit na hindi kami mga fans nila, alam na alam na namin yung mga facts about sa kanila. We often hear it.
"Panigurado aabot iyang usapan na iyan next week." napa-iling si Isabel. Hay nakuu. The Litmus Fever.
"At magiging assistant ka pa! Haha!" dagdag ni Isabel habang pumapalakpak ng mabagal. Pabulong naman niyang sinabi kaya yung mga nadadaanan namin napapatingin sa kanya.
"Baliw ka talaga, pinagtitinginan ka tuloy nila." I chuckled. Natawa nalang din siya.
Sometimes I even wonder how I got this type of friend who's crazy yet stays by your side, always.
--
Pagkapasok ng classroom, nakita namin sa dulo sina Alice at Ella, kasama na ang iba pang fangirls sa classroom na gumagawa ng mga construction papers na may Korean words.
"Bakit may Korean?" tanong ko kay Alice pagka-upo ko sa pwesto ko. Iniwan muna ni Isabel ang mga gamit niya sa pwesto niya, saka naki-upo sa pwesto ni Alice.
Nobody answered my question. Ang ganda. Talk to the hand tayo noh?
Isabel and I exchanged looks. She just shrugged and mouthed, 'Pabayaan mo na'.
Buti nalang at nagbell na. At pagkabell ay saktong pumasok si Crislyn sa classroom.
"Wag mo akong ilalagay sa absent list, Michael! Umabot ako ah! Sasapakin kita kapag nilagay mo ako dyan." hinihingal na sabi ni Crislyn.
Si Michael Yee ang class leader namin. Pangatlong term na niya ito bilang presidente.
"Opo opo! Grabe naman to." sabay sulat siya sa attendance sheet sa teacher's table.
"Hooy. Anyare sa'yo? Traffic ba talaga? Hahaha" agad na salubong ni Isabel kay Crislyn. Pinuntahan namin siya agad kahit na bell na. Late rin naman teacher namin.
"Teka, pahingahin niyo muna ako." she held up a hand at natawa ako. Halos pumatak na ang pawis sa mukha niya. I opened her bag at kumuha ng tissue sabay punas sa mukha niya.
"Thank you." pangiting sabi niya.
"Oh ano na, bakit ka nga late?" ako naman ang nagtanong. Ang tagal eh!
"Traffic nga kasi! Kasi di ba sa Cafe Seoul ako dumadaan? Ayun, ang daming tao, ang dami ring kotse." oh right. Ngayon pala ang performance ng Litmus.
BINABASA MO ANG
How to Love
Teen FictionJamie never planned nor expected to fall in love. Pero nang dumating ang lalaking ubod ng yabang, the course changes. Love comes unexpectedly nga naman. Pero kung kelan naman gumaganda ang lahat, something comes up, and she breaks and falls. Will s...